“Okay, so what now?” Nagkatinginan ang mga ito sa isa’t-isa habang hinihintay ng mga Professors ang kanilang itatanghal. Nakaupo ang mga ito sa loob ng conference room. Magmula sa Dexra Evenfall, patungo sa mga Professors at Admins na iniwan ‘rito ng Headmistress. Hindi nila matukoy kung sila ba ay dapat nilang ipagkatiwalaan lalo na’t napagdesisyunan ng mga itong ipatawag ang mga ito para sabihing aalis sila bukas ng madaling araw at iiwan nila ang Crimson Academy sa kamay ng mga ito. Umubo mula sa kinauupuan niya si Audris upang kunin ang kanilang mga atensyon. “We have decided upon leaving tomorrow morning because something important came up. ” Napasulyap saglit si Audris kay Chelsea bago magpatuloy. “If we can leave the Crimson Academy on your hands–” “Something came up? What is

