"WRONG ROUTE? " They all asked in chorus. Napatingin ang mga ito kay Audris ngunit nakapokus lamang ang tingin nito sa bruha sa unahan nila. Hindi sila makapaniwala na linagay sila ni Audris sa mapanganib na lugar at hindi 'rin nila mawari kung totoo nga bang nagkamali lang ito o sinadya niya. "Welcome to our domain, Crimson Students." She displayed her sharp teeth, showing us her evil smirk. "Pucha kakasabi ko lang kanina na ayoko pa mamatay mga 'tol tangina niyo naman." Reklamo ni Jason na hindi makagalaw sa kaniyang kinakatayuan. Napatalon ito sa gulat nang makitang pinalilibutan na pala sila ng mga mababangis na hayop na parang mga tigre. Samut-saring reklamo ang bukambibig nito habang hindi naman makaimik sina Jayden at Chelsea sa kanilang kinakatayuan. "Manahimik ka nga dyan

