"Insaaaan, makakasama na ulit kitaaaa!", masiglang sambit ni Jayden habang yakap-yakap ang kanang braso ko. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa gubat patungo sa Crimson Academy. Matapos ang isang oras naming paglalakbay sa Mortal Realm ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ang pinagbago nga lang ay kasama ang aming sagot sa mga katanungan. Audris. "Ahh finally! Namiss ko kaagad ang Crimson Academy. Miss ko na dorm natin!", tanging sabi ni Charles. Kahit papaano ay medyo excited ako sa muling pag babalik ko sa Crimson Academy, it's just that, i'm afraid how to see things have changed ever since that war. At hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ayoko na muling bumalik. Ayoko lang talaga bumalik marahil mas gusto kong mabuhay ng normal, gusto kong maranasan na normal akong

