Sa ilalim ng madilim at matahimik na kapaligiran, isang binata ang tumatakbo habang may hawak itong ilaw na nagmumula sa kaniyang mobile phone. Walang bakas na liwanag ang ibinubunga ng kalangitan o kahit man lang mga bituin na magsisilbing kaniyang gabay mula sa pag inspeksyon nang kapaligiran. Hinihingal na tumigil kakatakbo si Jason sa gitna ng kabuuang grass field at pinunasan ang kaniyang pawis. “Pucha. Saan ko kaya ‘yon mahuhuli.” Tanong nito sa kaniyang sarili at napatingin sa kaniyang madilim na paligid. Nakarinig siya nang tunog ng mga uwak sa labas ng gate. Agad naman nagsitaasan ang kaniyang balahibo habang nakatitig sa madilim na kagubatang nasa labas ng Crimson Academy. Maya-maya lamang ay nakita nitong nagsiliparan ang mga uwak na nagmumula sa kagubatan. Bigla naman itong

