“The sight of chaos— what the f**k? ” Napatingin sina Titiana at Audris sa isang bahagi ng kuwarto ni Titiana at natanaw ang isang babae na hindi nila alam na kanina pa pumasok sa kwarto ni Titiana. “H-Hesly?” Hindi makapaniwalang tanong ni Titiana dito. “Hesly get down! ” sigaw dito ni Audris at agad naman dumapa si Hesly at doon pa lamang ay napansin niya ang lumagpas na kunai. Napasinghap na lamang si Hesly sa kaniyang nakita at akmang sisilip sa labas ng bintana ng sigawan itong muli ni Audris na pumunta sa kanila. Gumapang naman ito papunta sa kanilang kinaroroonan at nang makarating ito ay akmang sisilip ito nang hilahin ito pababa nina Titiana at Audris. “Wag kang sumilip!” Hinihingal na sabi ni Titiana. “Well now that Hesly is here, what now, Audris?” Tumingin ang dalawa

