While Nikolo was busy infiltrating someone's house and deleting people's lives that's living there, Adina, on the other hand, was busy hanging out with the people in the cabin. Pahirapan pa para sa dalaga ang papayagin ang limang bantay n'ya. Bukod sa communication barrier, hirap na hirap din s'yang magpigil nang tawa habang naglalaro sila ng snake and ladder. Snake and ladder. Iyon ang isa sa board games na binili ni Nikolo para sa kan'ya na para bang seven years old lang s'ya. Malakas na humagalpak ng tawa si Dina nang tumigil ang counting ng kalaro n'ya sa ahas mismo kaya bumaba muli ito sa number three habang s'ya ay nasa eighty-eight na. Nalakot ang mukha ng kan'yang kalaro habang nakatitig sa figure n'ya na nasa number three. Hindi alam ni Adina kung naiinis ba o naiiyak ang ka

