Abala si Dina sa pagbabasa ng mga dukomento na kailangan n'yang isumite ng may kumatok sa pinto ng kan'yang opisina.
“Ma'am, may delivery po ulit kayo. Nasa baba raw ang rider.” Sabi ng isang empleyado.
Binaba ni Dina ang papeles na hawak.
“Galing kanino?” tanong niya.
“Hindi ko po alam, ma'am. Nasa baba po ang rider.”
“Sige, Faith. Salamat.”
Inayos muna lahat ni Dina ang desk niya bago lumabas ng opisina at dumaretso sa baba ng building. She's working as a Finance Manager in the company owned by her father.
Pagkarating niya sa lobby ay naroon ang rider at kinakausap ang security guard nila.
“Hi, is that for Adina Beunavista?” tanong niya sa rider ng makalapit s'ya.
“Opo, ma'am.” Ani ng rider at binigay sa kan'ya ang isang bungkos ng bulaklak at paborito n'yang tsokolate. “Pakipermahan na lang po rito.”
Tinanggap ni Dina ang delivery nang may ngiti sa labi saka pumirma. Agad naman na umalis ang rider ng matapos siya.
“Swerte mo talaga sa boyfriend mo, ma'am. Araw-araw lang pinapadalhan ng bulaklak at tsokolate.” Mukhang kinikilig pa na sabi ng security guard nila na si Rolly.
Malapad din na ngumiti si Dina.
“Nasa business trip kasi s'ya, Kuya Rolly. Bumabawi siguro.”
“Mahal ka talaga ni sir Mike. Kahit malayo s'ya hindi pa rin po kayo nakakalimutan surpresahin.”
Medyo humaba pa ang usapan ng dalawa bago umalis si Adina. Inaamoy niya ang bulaklak habang nilalakad ang hallway. She stopped in front of the elevator and waited for it to open.
“You're so sweet, Mike...” She inhales the scent of the flower.
Nasa business trip ngayon si Mike. At dalawang araw na silang hindi nagkikita. Though, she and Mike always call every night. At hindi pa rin nakalimot na padalhan s'ya ni Mike ng bulaklak at chocolates kahit na malayo ito.
“Bigla tuloy nagdilim ang paningin ko. Parang gusto kong manakit ng tao ngayon.”
Napalingon si Adina sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was Claire, her best friend, looking at her with disgust.
Tinawanan ni Dina ang kaibigan.
“You and your bitterness.” Aniya. “Bawas-bawasan mo kaya ang pagkain ng ampalaya?”
Parehas silang pumasok dalawa ng magbukas ang elevator. Sila lang dalawa ang tao. Pagkasara ng pinto ay pinagpatuloy nila ang pagkukwentuhan.
“Kanino na naman 'yan galing?” Claire asks in a flat tone.
“Aba! Malamang kay Mike. Siya lang naman ay boyfriend ko.”
“Girl, palaging roses ang binibigay sa'yo ni Mike.” Ani Claire saka umirap. “That is a Hydrangea flower, your favorite. Hindi alam ni Mike na hydrangea ang paborito mong bulaklak.”
Adina shrugged her shoulders, “baka nalaman niya na.”
“Mike never gave you chocolates, Dina. Palagi niyang sinasabi na nakakataba ang tsokolate kaya pinagbabawalan ka niya kumain. Bakit ngayon bibigyan ka?”
“Stop it, Claire.” Malumanay na sabi ni Dina pero may himig na inis ang kaniyang boses. “Kung sasabihin mo na naman na galing 'to sa secret admirer ko, stop it. These gifts are from Mike. End of the story.”
Humingang malalim si Claire.
“Bahala ka sa gusto mong paniwalaan. Basta ako, pakiramdam ko, from secret admirer mo 'yan.”
Saktong bumukas ang elevator sa floor ni Claire. Bago ito lumabas ay bumulong pa ito.
“There's no name on it, right? Mike always writes his name whenever she delivers you something.”
Natahimik siya nang sumara ang pinto. Napa-isip siya.
Claire is totally right. She is just being in denial. Ayaw niya lang tanggapin na tama ang kaibigan.
Mike always gives her flowers. Roses. Always the red roses. And just like what Claire said, palaging may letter na kasama ang bulaklak na binibigay ni Mike at palaging may pangalan na nakasulat.
But this bouquet, only two letters were written.
Found you.
Biglang pumasok sa isipan niya ang lalaki sa eroplano. Those words are what he exactly mouthed at her while he's looking straight into her eyes.
Pero imposible naman iyon diba? Taga Italy 'yon. Hindi naman siguro pupunta ng Pinas 'yon para lang dito, diba? That would be a total madness!
Napatitig siya sa bouquet. It was hydrangea— her favorite flower. At may kasama pang chocolates. Mike doesn't give her chocolates. Pinagbabawalan s'ya ni Mike na kumain ng mga matatamis o mga high in calorie food dahil nakakataba iyon.
Adina was pulled out on this reverie when the elevator, chimes. Wala sa sarili s'yang naglakad papasok sa kaniyang opisina.
Pinatong niya ang bulaklak at chocolates sa desk at tinitigan iyon.
“Mali lang si Claire...” bulong niya, pilit na iwinawaglit sa isipan ang mga salita ni Claire. “These are from Mike. Yeah, it's from Mike.”
Kimunbinsi ni Adina ang sarili na huwag paniwalaan ang theory ni Claire at kutob niya. Wala naman siguro lalaki ang gawa nito lahat bukod sa kasintahan, ih.
Yeah, let's just stick to it. Thinking some guy feels like cheating. Kaya pilit n'yang kinalimutan ang mga haka-haka ni Claire.
Ngunit makalipas ang ilang minuto, napasulyap na naman si Adina sa bulaklak at tsokolate. Hindi s'ya mapakali. Pati sa mga bulaklak na nakalagay sa flower vase na pinadala sa kan'ya no'ng nakaraang araw.
It's been three consecutive days that someone delivers her the same. Flowers and chocolate with the letter 'Found you' on it.
Dina breathed in before dialing Mike's number. Nasa Cebu ngayon si Mike para sa business trip nito. Sana lang talaga wala ito sa meeting ngayon. Dahil kapag nagkataon, magagalit na naman si Mike. They'll have misunderstanding because of a petty reason.
“Hey, why'd you called babe? Something happens?”
Adina sigh in relief. At least wala sa meeting ngayon si Mike.
“I only wanted to hear you voice. Aren't you in a meeting?”
“No.” Mike replied, “kakatapos lang ngayon.”
Humugot ng malalim na hininga si Adina bago tinanong ang tanong na pilit nagpapabagabag sa kan'ya.
“Hey... did you sent me flowers? Because I just received one.” Pekeng ngumiti si Adina. “Why? Miss mo na ba ako kaya ka nagpapadala ng bulaklak araw-araw?”
There's a long pause on the other line. Kinabahan si Adina. Natahimik si Mike at matagal bago nagsalita.
“Ah, yes. N-natanggap mo na pala...” Tumawa si Mike pero bakas sa tinig ng boses nito na parang pilit lang. “Is the roses pretty?”
Natahimik si Dina sa kabilang linya. Muli s'yang napatingin sa mga bulaklak.
“Roses...” napapaos n'yang sabi. May kakaiba ng kaba s'ya sa dibdib.
“Yes! Do you like it? Ako mismo ang pumili sa mga rosas na 'yan. I know roses are your favorite.”
Why? Why would Mike lie to her? It's obviously not Mike. These flowers are not roses like what Mike claimed! It's a fúcking hydrangea!
May kung anong emosyon ang umusbong sa puso ni Dina. Hindi niya alam kung kaba ba... kung sakit ba... She doesn't know. The only thing she knows now is that Mike isn't the one who sent this gifts to her.
“Yes,” nawalan ng sigla ang boses ni Dina. “Roses are my... favorite.”
Agad n'yang binaba ang tawag at walang ingay na dinamput ang mga bulaklak at tinapon lahat sa basurahan. Even the chocolates. She threw them all.
Inabala niya ulit ang sarili sa pagbabasa ng mga dukomento. Pilit na winawaglit ang mga haka-haka sa kaniyang isipan.
Why would Mike lie... the question she couldn't have the answer.
Hindi na namalayan ni Dina ang oras dahil sa pagiging abala. Nakalimutan n'ya na rin mag-lunch. Madilim na sa labas. Dina only stops working when someone knocked on her door's office.
“Sweatheart...”
Nag-angat ng ulo si Dina. She knows thhat voice.
“Daddy...”
Pumasok ang ama niya sa sa kaniyang opisina at hinalikan s'ya sa ulo.
“Aren't you going home yet? It already pass for working hours.”
Hinilot ni Dina ang sintido.
“Just this last finance report.” Pinakita niya ang papeles sa kamay. “How about you, dad? Uuwi ka na ba?”
“Your mother just called me. She prepared a date for us.” Halata sa mata ng ama ang saya nito. “Gusto mong sumama?”
Dina snorted, “I don't want to be third wheel, dad. Ayoko.”
Humalakhak ang ama bago ulit si pinatakan ng halik sa tuktok ng ulo.
“Go home already okay?” Anito saka umalis pero hindi pa man tuluyang nakakaalis ay napansin nito ang trash bin sa gilid. “Those are beautiful flowers.”
“Bagay sa magandang vase.”
Malakas na tumawa ang ama bago umalis ng tuluyan. Si Dina naman ay naiwan habang nakatitig sa mga bulaklak na nasa basurahan.
She heaved again a deep sigh before finishing the last report. Tapos ay niligpit n'ya ang desk at naghanda nang umuwi.
Pagkababa n'ya, agad niyang tinungo ang parking. Sumakay sa kotse at agad na minaneho.
She lives in different house now. Bumukod s'ya sa magulang pero minsan dumadalaw naman s'ya kapag tumatawag ang ina o kung may family dinner sila.
Nakatira s'ya sa isang bahay na napapaligiran ng mga puno. A village without security at all. It's a free village. Maganda ang lokasyon kaya napili ni Dina na doon manirahan.
She parked her car in front. Mabilis siyang lumabas sa kotse dahil gusto niya nang magpahinga. Pagod na pagod ang katawan at isip niya ngayon araw.
Natigilan s'ya nang may makitang maliit na kahon sa harap ng pinto. She picked it up and open to look what's inside.
Umawang ang kan'yang labi ng makita ang iba't-ibang litrato niya na kuha sa araw ngayon. Naibagsak niya ang kahon at tinubuan ng kakaibang kana sa dibdib.
Mabilis n'yang inilibot ang paningin sa labas, nagbabakasakali na baka nasa lugar lang ang nagpadala.
Nanlamig ang buo n'yang katawan ng may maaninagan na bulto na nagtatago sa ilalim ng malaking puno. Tinitigan niya muna para masigurado na tao nga iyon. Maya-maya pa ay biglang mumaway ang lalaki sa kan'ya. That sends shivers into her spine.
Mabilis n'yang kinapa ang susi sa kan'yang bag at mabilis na pumasok sa loob ng bahay at ni-lock kaagad ang pinto.
“Who the f**k is that...”
She knows it's a man. There's a man outside her house!
Dapat bang tumawag siya ng police? Mag-hire ng bodyguard? O 'di kaya... makitulog sa bahay ng magulang? But no... she can't just barge into her parents house. They're having a sweet moment now.
Walang ingay na naglakad si Dina patungo sa bintana para silipin kung naroon pa ba ang lalaki. Nakahinga s'ya nang maluwag nang wala na roon ang lalaki.
She loosen up and open the lights.
“I have a stalker...?” paos n'yang tanong sa sarili. “Who the f**k was that?”
Naglakad s'ya papuntang couch niya at pagod na ibinagsak ang sariling katawan.
This day is a rough day for her. She was about to get up when her phone chimes.
Walang gana n'yang kinuha ang cellphone sa bag at tiningnan ang text sa kan'ya.
Hello, Amoretto... like my gifts for you?
Naitapon ni Dina ang cellphone at mabilis na umakyat sa kaniyang silid at ni-lock lahat ng pwedeng i-lock.
“Good Lord... help me.” She signed of the cross and prayed.
What the f**k is happening to her life!