Their house was cold and dark. Silent and felt heavy. Mabibigat ang bawat hakbang ni Nikolo habang binabaybay ang madilim na pasilyo ng bahay.
It's his birthday but there's no celebration. Walang pagdiriwang na nagaganap.
He's wearing a black suit and with a cloak that is printed with their family insignia at the back. A large crest is shown with bóldness. A large swórd pierce in cross against the head of a lion. And the swórd was covered with thorny vines. Suot niya rin ang signet ring na may marehong insignia na nakaukit.
Katabi niya si Orazio na naglalakad. Tahimik lang din at mabibigat ang paghinga. Tanging ang yabag lang nila ang maririnig na ingay dahil sa sobrang tahimik ng paligid.
Patungo sila sa kanilang underground passage. Lugar kung saan gaganapin ang initiation. It was a sacred place for the Moretti's. Minsan at piling tao lang ang nakakapasok sa loob niyon. Even Nikolo himself. Tatlong beses pa lang siyang nakakapunta sa underground na iyon. Pang-apat pa lang ngayon.
"Wala pa rin sina Rocco at Césare?"
"I have called them. They'll be late they said." Tipid na sagot ni Orazio.
Orazio was also wearing a black suit with their family insignia. Ang kaibahan lang ay walang suot na parang balabal si Orazio.
"They need to present also... kailangan nilang namunpa."
Inilabas ni Orazio ang cellphone nito sa bulsa at tinawagan ang dalawa. All his men need to be ordained too. Si Césara, Orazio, Rocco. They need to lay their loyalty to him as the next head of Morettirian mafia— the Cosa Nostra.
"I can't reached them. Maybe they are on board."
Isang liko pa ay narating nila ang isang madilim na sulok. Itinapat ni Nikolo ang singsing niya na may nakaukit na insignia sa isang scanner at ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pader at tumambad sa kanila ang madilim ulit na pasilyo.
Binaybay ulit nila ang madilim na pasilyo na iyon. Hindi nagtagal ay naabot nila ang dulo. It's like a cave. May lamesa sa gitna na gawa sa bato at napapaligiran ng mga upuan na gawa rin sa bato. At may dalawang upuan na naiiba sa lahat dahil malalaki iyon at nakahiwalay. Parang upuan ng hari.
Lahat ng kasapi at kaalyansa ng kanilang pamilya ay naroon sa bulwagan at nakatingin sa kaniya. Ramdam ni Nikolo hanggang buto ang mga titig ng tao.
Itinapon niya ang lahat ng emosyon sa mukha. He was walking with such precision. He straightened his face as he walked towards his father. He remains his stoic face and deàdly aura.
Nikolo showed respect by bowing his head down, "father..."
Hindi nagsalita si Giovanni. Wala rin emosyon ang mukha ito habang nakatitig sa nakayukong anak.
"Rise." Malamig na utos nito saka tumayo at lumapit sa malaking lamesa na hugis bilog.
Nagsimulang magsalita ang kaniyang ama sa harap ng mga tao. Mataim na nakikinig si Nikolo. He was looking intently to his father.
Kailan man... hindi niya nagawang titigan ng matagal ang mukha ng ama. This is the first time. Doon niya lang napansin na medyo tumatanda na ang ama. There are lines on his face but the strictness was still evident. His father was speaking and everyone was listening like his father's words were a sacred thing.
Giovanni started the initiation ceremony. He presented the rules, the pledge of honors, oaths and agreement.
Ramdam niya ang bigat ng responsibilidad kahit hindi pa man naipapasa sa kaniya. Wala na siyang takas ngayon. This is his fate now.
Moment later... Giovanni motion Nikolo to come forward. Nikolo obliged without hesitation. Kinuha ni Giovanni ang isang hindi pangkaraniwan kutsílyo at hiningi ang kamay ni Nikolo.
Ibinigay ni Nikolo ang kamay niya. Sa isang iglap, sinugatan ni Giovanni ang palad ni Nikolo.
Pinatigas ni Nikolo ang mukha para hindi mahalata ang kirot dahil sa paghiwa sa kaniyang palad. His father raised his bleéding hands to everyone.
His father recited the Omertà or the code of Honor. Recited their organizations seven commandments. At sinasabayan siya ng kasapi.
And lastly... their motto.
"Tutti colpevoli, nesunno colpevole." Everyone recited including him.
It's their saying... If everyone is guilty, no one is guilty.
Sinalok ni Giovanni ang dugó mula sa hiwa ng palad ni Nikolo. Tapos ay sinugatan din ni Giovanni at sinalok sa basong may laman nang dúgo ni Nikolo.
"You're now the head of the clan." Ibinigay ni Giovanni ang metallic gold na baso kay Nikolo, "drink it as the sign of pledging your life to the Cosa Nostra. You were born to be the Head and you will díe as the Head."
Tinanggap iyon ni Nikolo, "I will díe as the Head for I am the Don."
Nikolo drink the blood. The taste of rust sips through his throat. At uminom din mula sa baso si Giovanni. Everyone applaud and honor him as their new Head. As the new Don of the Cosa Nostra.
In that moment... Nikolo felt the validation he was seeking. Pakiramdam niya ay napakatayog niya. Everyone was cheering and clapping. Clicking their glasses to one another. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang reaksyon ni Guillermo.
From his peripheral vision he saw Guillermo dragged Orazio to the corner. Nag-usap ang dalawa pero pakiramdam niya ay hindi lang basta usap iyon dahil galit ang mukha ni Guillermo.
Gusto niyang puntahan ang pinsan dahil kakaiba ang pakiramdam niya ngunit may bigla na lang humawak sa pulsuhan niya.
"Hi... I am Therese Limbo," ngumiti ang babae sa kan'ya. "Your soon-to-bride."
Maingay ang buong bulwagan pero parang nawala lahat ng ingay nang marinig iyon ni Nikolo. Nabingi siya saglit at mula sa kinatatayuan, nilingon niya ang ama. Giovanni smirked and raises his glasses towards him.
"Be good to your wife, Nikolo." Giovanni mouthed.
Kinuyom ni Nikolo ang kamay at muling sinulyapan ang babae sa harapan. He knows this was coming but he didn't thought it was this early. Kailangan niyang magpakasal sa kilala at makapangyarihan na pamilya para mapalakas pa lalo ang alyansa nila.
"Apologies, lady... but I am already devoted to someone. I have my Amoretto." Tumalikod si Nikolo at lumabas ng bulwagan.
Sinuot ni Nikolo sa masukal na gubat sa likod ng kanilang mansion at walang deriksyon na naglakad. Nang masiguro niyang walang tao at mag-isa na siya... saka lang siya huminga.
He sat under the big tree in silence. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang magwala at mag-amok.
"Tanginà! Hindi ko na nga mapapakasalan ang babaeng mahal ko tapos... may nakatakdang pakasalan agad ako?!"
Habang si Nikolo ay nagmumuni-muni sa Adina naman sa kabilang banda ay kinakabahan habang papalapit ang kotseng sinasakyan patungong venue ng kasal.
Pinagpapawisan siya ng malamig at nangingig ang kamay dahil sa kaba at excitement.
"Magsabi ka lang na aatras ka habang wala pa tayo sa simbahan, Adina." Biglaang saad ni Claire na katabi niya sa loob ng bridal car.
"Shut up, Claire. You're not helping. I'm okay, I'm just freaking out." Humingang malalim si Adina saka sinulyapan ang kaibigan, "wait. Bakit ka nga ba nandito? You're supposed to be at the venue, Claire."
Nagkibitbalikat si Claire, "tita Menerva told me to accompany you. Para raw mabilis kitang maitatakas kung magbago man bigla ang isip mo."
Hindi alam ni Adina kung matatawa o maiinis siya. She knows her parents and Claire was opposed with her decision. Ramdam niya naman na ayaw ng magulang sa kasalang ito. Pero wala silang magawa dahil desisyon niya ito.
"I can't believe mom told you that." Buntong hininga ni Dina. "I know you guys are having a bunch about it but I promise you, sigurado na ako. Mike is the one for me and no one else's."
Umirap si Claire, "wala naman kaming sinabi na ayaw namin kay Mike. It's just that... this is so sudden. Hindi maganda ang kinalalabasan ng bagay kapag minamadali, Adina. Mabilis mawala kapag mabilis mong nakuha."
"You're being paranoid, Claire." Aniya.
Ngumuso si Claire, "kung siguro si Sir Nikolo pa baka hindi ako magtaka kung pakakasalan mo siya agad. I have known Mike for so long pero hindi siya kagaya ni Nikolo na halos sinamahan kang mag-shopping buong araw nang walang reklamo."
Nanlaki ang mata ni Dina. Hindi niya sinabi kay Claire ang tungkol sa shopping nila ni Nikolo. Wala siyang pinagsabihan.
Mukhang nakita ni Claire ang gulat niya kaya nagpaliwanag ito.
"I saw you two on the mall." Paliwanag ni Claire. "Gusto sana kitang tawagin dahil susumbatan kita na bakit hindi mo ako sinabihan pero nang makita ko na kasama mo su Nikolo, hindi na ako tumuloy. Ang saya-saya niyo rin kasing tingnan. Parang magjowa pa kayong dalawa tingnan kaysa kapag kasama mo si Mike, eh."
"Stop bringing him into this, Claire." May inis na sa boses ni Adina. "Nikolo is a good guy but he isn't for me. Si Mike lang ang lalaking mahal ko at alam kong mahal niya rin ako."
Hindi na pinakinggan ni Adina sa mga sinabi ni Claire. Hindi niya gustong marinig na pinagdududahan nila si Mike. Nasasaktan siya para sa binata. Mike was her savior and love.
Gusto niya lang naman maikasal sa lalaking mahal niya pero bakit ang hirap para sa iba na tanggapin iyon?
Hindi niya na kinausap si Claire hanggang sa makarating sila sa venue. Unang lumabas si Claire at nagpaalam.
Naiwan siya saglit sa loob ng kotse. Pinalipas niya muna ang ilang minuto dahil gusto niyang pakalmahin ang sarili.
She wanted to be happy on her most memorable day. Huminga siyang malalim bago napagdesisyunang bumaba ng kotse.
She opened the door of the car. Nang makalabas siya ay inayos niya muna ang gown at ilang beses na humingang malalim.
"Do you want some escort, ma'am?" Biglang natong ng lalaki kaya napalingon doon si Adina.
It was the driver of the wedding car. Nakakunot siya dahil medyo namumukhaan niya ang lalaki pero dahil hindi siya sigurado kaya nginitian niya na lang ito.
"No. I'm fine. Thank you."
The driver nodded, "congratulations on your wedding, ma'am."
Nginitian niya ng huli ang lalaki at tinalikuran ito. Nakaka-ilang hakbang na siya at nakikita niya na ang entrance ng kanilang garden wedding at may mga taong tumatakbo patungong deriksyon niya.
Medyo may kalayuan ang pinagparadahan ng kotse sa entrance ng kasal.
"Oh my gosh... this is it. This is finally real."
Bulong niya sa sarili at muling humakbang. Ngunit kasabay ng paghakbang niya ay ang pagsidhi ng kirot sa kaniyang batok.
Someone hit her.
Unti-unting nawawala ang kaniyang malay. Slowly, her eyes become blurry. Pero bago pa man mawalan siya ng malay ay narinig niyang nagsalita ang lalaking sumalo sa kaniya para hindi siya bumagsak sa lupa.
"I'm sorry, Miss Beautiful. But boss is the only man you're allowed to marry."
And everything went black.