Dina was talking non-stop for hours, explaining to Nikolo about their company structure. Usually, hindi naman talaga pinapaalam ng ama ang ganoong bagay sa investors nila pero parang may namumuong favoritism kapag kay Nikolo.
“Are you still listening?” tanong ni Dina sa lalaki nang mapansin niyang panay ang hikab nito.
Dalawa lang sila sa kaniyang opisina.
“Can we have a break?” hikab muli ni Nikolo at pinatong ang ulo sa mesa na parang bata na bored na bored sa buhay.
“Should I ask for snacks? What do you want, sir?”
Mabilis na umangat ang ulo ni Nikolo at tinitigan siya habang nakataas ang mga kilay nito.
“I told you to drop off the honorifics,” he said with conviction. “Just call me by my name, like what I said.”
Dina showed her business-like smile. “I can't, Sir. You're our major investor. Formality is like showing some respect towards you, sir.”
“But I don't want to be respected!” agap nito at nagtunog nagmamaktol pa. “Kapag ikaw... ayos lang kahit hindi mo na ako respituhin.”
Dina froze for a moment. Halos malaglag ang panga niya. He is really unbelievable! Sinong matinong tao ang ayaw marespito? Wala! Kundi si Nikolo lang!
Tumikhim si Adina at inayos ang sarili. She composed herself and faced Nikolo like it didn't happen.
“Tatawag lang ako sa baba para dalhan tayo ng pagkain dito.” Pag-iibang usapan ni Adina.
Si Nikolo naman ay lumabi na parang bata. Sa sobrang tulis ng labi nito ay naging pantay na sa matangos nitong ilong.
“I don't want your food here...” nakalabi pa rin si Nikolo.
“Then what do you want then?”
Umaktong nag-iisip si Nikolo. Hinintay niya ang gusto ni Nikolo pero makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin itong sinasabi. Humingang malalim si Dina para pakalmahin ang sarili dahil habang tumatagal na kasama niya si Nikolo ay pa-ikli nang pa-ikli ang pasensya niya. Pero minsan, masaya naman.
Kapag kasama si Nikolo ay para siyang may instant na anak. Alagain masyado. Tatlong araw na silang magkasama ngayon. Sa una ay okay naman siya. Normal lang. Pero habang tumatagal, nagiging mas komportable na ito sa kaniya.
“Can we eat outside? Gusto ko sa café tayo.”
“We have a cafeteria—”
“Ayaw... Gusto ko, kumain tayo sa labas.”
Nikolo was way more comfortable with her. In Dina's mind, it wasn't appropriate especially if they only needed to be with each other because of business. Pero sa isip ni Nikolo iba lahat iyon.
In Nikolo's mind... they were having a date. Sa imagination ni Nikolo ay hindi lang ito basta trabaho. Ginagawan ni Nikolo ng malisya lahat ng ginagawa nila. Call him cràzy for it, but he doesn't mind. He knows to himself that he's down bad for Dina. Fúcking down bad.
Walang nagawa si Dina kundi ang um-oo na lang. Isa pa sa napansin niya kay Nikolo ay hindi mo ito matatanggihan.
So, the two were together as they left the building. Nasa umanahan si Dina habang nakasunod lang si Nikolo sa likuran at nakapamulsa.
Marami ang nakakita sa kanilang dalawa na umalis na magkasama sa building nila. At lahat ng nakakita ay parang kinilig dahil sa chemistry ng dalawa.
Unbeknownst to Dina, shini-ship na pala silang dalawa ni Nikolo. Kahit ang kaibigan na si Claire na nakasaksi ay ramdam din ang chemistry. Kinuhanan pa sila ng litrato.
Dinala ni Dina si Nikolo sa kaniyang paboritong coffee shop. Paboritong coffee shop nila ni Mike. Madalas kasi nilang date spot ang coffee shop.
“What do you want me to order?” Tanong ni Dina.
“Pareho nang sa'yo.”
Tumango si Adina.
“Sige. Maghanap ka na lang ng pwedeng pwestuhan, ako na lang mag-order.”
Agad na gumayak si Dina. Habang si Nikolo ay hindi na masupil ang kilig at ngiti sa labi dahil sa dalaga. Kahit pa na business ito para kay Dina pero para sa kaniya... First date nila itong dalawa.
“So, this is the feeling of having a date with my Amoretto...” lumapad ng ngiti ni Nikolo habang tinatanaw ang dalaga na nakikipag-usap sa counter.
Kinuha ni Nikolo ang cellphone sa bulsa at palihim na kinuhanan ng litrato si Adina. Maraming larawan ang kinuha niya. Remembrance lang para sa first date nila.
Pinili ni Nikolo ang table na hindi masyadong nadadaanan ng mga tao. He wanted their date to be memorable kaya gusto niya ng tahimik na spot para wala masyadong isturbo.
Agad na tumayo si Nikolo at tinulungan si Adina para bitbitin ang orders nila. Si Nikolo na rin ang nagbayad.
“Let me carry this. Umupo ka nalang do'n.”
Walang nagawa si Dina ng kuhanin ni Nikolo ang tray na may laman na orders nila. Si Nikolo na rin mismo ang umasikaso sa kaniya imbes na siya dapat ang magsisilbi kay Nikolo. Naging baliktad na tuloy.
“Are these your favorites?” Tanong ni Nikolo at sumubo ng blueberry short cake.
Napalunok si Dina.
“W-why? Was it bad?” Kinakabahan niyang tanong. “If you don't like the taste, we can order different —”
“No, it actually tastes good.” Agarang sambit ni Nikolo. “And this strawberry milk tea, is it? This one also tastes good.”
Nakahinga naman ng maluwag si Adina. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan.
“I'm glad you like my favorites.”
Ngumisi si Nikolo, “I think, I have new favorites from now on. Sorry, mukhang may kaagaw ka na palagi sa orders mo.”
Hindi na napigilan ni Dina ang matawa. Hindi niya alam pero parang ang gaan lang kapag si Nikolo ang kasama niya. Mukhang mali siya ng akala na intimidated si Nikolo. Sa una lang pala, pero kapag tumagal na, parang tropa tropa na lang kayo.
“You look more beautiful when you laugh like that...”
Napahinto si Dina sa pagtawa. Biglang nag-init ang pisngi niya nang makitang nakatitig na pala si Nikolo sa kaniya.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin.
“Ang galing mo rin mambola, ano? Sigurado ako, marami ka nang napaiyak na babae.”
Nikolo snorted, “what do you think of me? A womanizer?”
Dina shrugged, “kasi sa gwapo mong 'yan, imposible na hindi ka babaero.”
Slowly, Nikolo's lips twitched into a smirk, “talaga, gwapo ako?”
Umikot ang mata ni Dina. “Imposibleng hindi mo alam na gwapo ka.”
“Well, I always get that a lot from people.”
“Wow! Yabang, ah.”
Habang tumatagal nagiging maayos ang takbo ng kanilang usapan. Hindi na namalayan ni Dina ang oras dahil nag-enjoy siya habang nakikipag-kwentuhan kay Nikolo.
The air around them was so light. Ang gaan-gaan lang sa feeling.
Masaya nagku-kwentuhan ang dalawa nang may maaninagan si Dina na papasok sa look ng café. Lumapad ang ngiti ni Dina at bigla na lang itong tumayo at nilapitan si Mike na papasok pa lang.
Ang masayang mukha ni Nikolo ay napalitan ng inis. Mas dumoble pa ang inis dahil hinalikan ng lapastangan na si Mike ang kan'yang Amoretto! Naudlot tuloy ang date niya kay Adina!
Bumalik si Adina sa table nila at pinakilala ang dalawang lalaki sa isa't-isa.
“Babe... this is Mr. Nikolo Moretti,” Turan ni Dina. “He's our new major investor. At nakiusap si Daddy na asikasuhin ko personally si Sir Nikolo.” Humarap naman si Dina kay Nikolo, “And Sir Nikolo, this is Mike Mendoza, my boyfriend.”
Inilahad ni Mike ang kamay kay Nikolo, pero pinakatitigan muna iyon ni Nikolo ng sandali bago kuhanin. When they shake their hands, Nikolo grip it tightly. Sinadya niya talagang higpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Mike dahil naiinis siya.
Irratation was evident to Nikolo's face.
Umupo na magkatabi ang dalawa kaya may lalong nadagdagan ang inis ni Nikolo. He's trying his best to control his irratation.
“Bakit ka pala nandito?” Tanong ni Dina sa nobyo. Medyo nagka-ayos na sila.
“Babawi sa'yo.” Sagot ni Mike saka humalik sa labi ni Dina.
Nakita iyon Nikolo kaya naman malakas niyang tinarak ang kutsílyo sa lamesa dahilan para gumawa iyon ng ingay.
“I'm fine... Don't mind me.” Agad niya ng mapatingin ang dalawa sa kaniya.
“Bibilhan sana kita ng paborito mong carrot cake at Macha latte.”
Matipid na ngumiti si Dina, “ah, gano'n ba.”
After all those years... hindi pa rin alam ni Mike kung ano ang paborito niya.
“Yes. Wait... order lang ako.”
Umalis agad si Mike. Tanging naiwan sa mesa at Silang dalawa.
“Is he really your boyfriend, Ms. Beunavista?” Nikolo's voice was taunting.
“Sorry what?”
“He doesn't even know what your favorites are.” Nikolo's lips slowly tugged up. “Gawain ba 'yan ng matinong boyfriend?”
Humingang malalim si Dina. May lungkot sa dibdib dahil hanggang ngayon, parang wala pa ring alam si Mike tungkol sa kaniya.
“He doesn't even know that hydrangea is your favorite flower.”
Biglang natigilan si Dina at nanlaki ang mata na tumingin kay Nikolo.
“How did you know that?”
Nikolo shrugged his shoulders, “If the person truly loves you, he'll know every small detail about you. Sabi ko sa'yo, ih. Deserve mo ng dalawang boyfriend.”
Tapos sabihin no'n ay tumayo si Nikolo at umalis dala ang pagkain nito. Habang si Dina naman ay naiwang tulala at naguguluhan.