Hindi man nadamay makidnap si Claire, pero nadamay naman ito sa puyat dahil sa kagagawan ni Dina. Parehas ang dalawa na walang naging tulog magdamag dahil may naramdaman ulit si Dina na parang nakamasid sa kaniya kagabi.
“Leche kang babaita ka!” Singhal ni Claire sabay bato ng unan kay Dina. “Huwag ka nang magsleep over dito, ha?! Ang laki-laki ng eyebags ko dahil sa'yo!”
Alas-sais na nang umaga at wala pa rin silang tulog pareho. May pasok pa sila sa trabaho ng alas-otso kaya wala na talagang time matulog ang dalawa.
“Ano? Naniniwala ka na sa'kin ngayon? May stalker na ako.”
“Oo! Pero bakit naman pati ako dinamay mo?”
“Para naman maranasan mo ang takot ko gabi-gabi kapag mag-isa lang ako sa bahay.” Anas ni Dina kaya binato ulit siya ni Claire ng unan.
“Bayaran mo ako, ha? Limang libo!”
“Ang mahal naman!” protesta naman ni Dina.
“Aba! Inisturbo mo ang beauty rest ko. Mukha na tuloy akong haggard ngayon.”
“Grabe ka naman maningil. Daig mo pa ang five six. Wala bang presyong kaibigan diyan?”
“Four thousand nine hundred ninety.” Sabi ni Claire. “Final price. Murang singil na 'yan!”
Dina throws a deàdpan look at her friend.
“Wow. Generous mo naman.” Dina said sarcastically.
“Diba? Bait ko no?”
Sabay silang bumangon at niligpit ang pinaghingaan. Naglatag lang sila ng kutson sa sahig sa loob ng kwarto ni Claire dahil ginawa nilang harang sa pinto ang bed mismo.
Nagpakahirap ulit ang dalawa na ibalik sa dati ang pagkabigat-bigat na bed frame. Kaya ng mabalik ulit nila ang bedframe ay parehas silang hingal na hingal at pawisan. Parang nag-jogging na sila ng ilang kilometre.
“Maybe, I need to hit the gym and lift some weights...” humahangos na saad ni Claire. “Ang lamya ko na.”
Sabay na naligo ang dalawa. Wala nang tinatago ang dalawa sa isa't-isa. Maraming beses na rin silang nagsabay maligo at nakita na nila ang katawan ng isa't-isa. This is nothing new to them.
Magkaibigan na si Claire at Dina simula high school kaya komportable na ang dalawa sa isa't-isa. Hinihiluran pa nila ang bawat isa. Walang sekreto rin ang dalawa. Kahit nga ang pag-aaway ni Dina at Mike kahapon ay alam na ni Claire. That's how close the two are.
Dina and Claire both wear towels wrapped around their body.
“Ikaw ang magluto.” Saad ni Claire.
“Okay. Ikaw na lang magplantsa sa damit ko.”
May mga damit na si Dina sa closet ni Claire kasi hindi naman ito ang unang beses na naki-sleep over si Dina. At sa kanilang dalawa, 'di hamak na magaling sa kusina si Dina kumpara kay Claire. Though, Claire is good in some chores like ironing clothes. Wala kasing talent si Dina sa pamamlantsa. Dina always ends up burning na clothes she's ironing.
The two had their breakfast before going to their work.
“Seriously, Dina... why haven't you tell Tito and Tita about your creepy stalker?” tanong ni Claire habang nagmamaneho.
Tinanaw ni Dina ang labas ng bintana ng sasakyan.
“I don't have the evidence, Claire. Bukod sa mga bulaklak at tsokolates ay wala na.” Bumuntong hininga si Dina. “Kung nagre-report naman ako sa mga pulis, baka pagtawanan pa ako. Sabihin na nila na feeling ko naman.”
“How about CCTV sa bahay mo? Ni-review mo na ba? Baka may nakuhaang footage ng stalker mo?”
Bumuga ng hangin si Dina.
“That’s the problem, though... I review all the footage.” Dina again sighed, “But the footage was tampered with by someone. Putol ang bawat footage. Parang sinadya na i-delete ang parte na kita ang stalker. Makikita na lang sa video na may bulaklak na sa pinto pero wala kang makikita na naglagay doon. Like it was magic. Ako lang naman ang may access sa CCTV ko. Wala ng iba.”
“Hay naku... saan mo ba naman kasi nakuha ang stalker mo na 'yan.”
“I don't know...” Dina said in a low voice. “Mike will be back tonight... magpapasama na lang muna ako sa bahay. I'm afraid to spend another night alone.”
She just prays that Mike doesn't have any appointments tonight. Dahil hindi na alam ni Dina kung anong gagawin kung wala siyang makakasama sa bahay niya.
Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan ang nobyo. Kaagad naman na sumagot si Mike.
“Hey, babe... is everything fine?”
Parang sasabog ang puso ni Dina. Sa wakas, narinig niya ulit ang boses ng kasintahan.
“No... I just wanted to hear your voice.” Lumabi siya. “Miss you so much, babe.”
Humalakhak si Mike sa kabilang linya kaya mas lalong na miss ni Dina ang lalaki.
She's having the urge to follow him in Cebu. Mahal na mahal talaga ni Dina si Mike. Though, there are times na parang gusto niya ng space pero sa tuwing inaalala ang lahat ng pinagdaanan ng dalawa, bumabalik ulit ang sigla niya. Normal lang naman siguro 'yon kapag matagal na kayong nasa isang relasyon.
Magkakapaguran. Magkakasakitan. Mawawalan ng gana sa isa't-isa. But in the end— you still chose to stay.
“I miss you too, babe, but don't worry, okay? I'll be home tonight. Magkakasama na rin tayo.”
“Will stay at my place? Gusto kitang makatabi matulog mamaya.”
Hindi nakawala sa paningin ni Dina kung papaano umikot ang mata ni Claire. Mahina siyang natawa. Napaka-bitter talaga nitong kaibigan niya.
Para mas lalong asarin, in-loud speaker pa ni Dina ang tawag para marinig nito ang sasabihin ni Mike.
“Oh, babe...” Mike said before whispering like he wanted no one to hear what he's about to say, “ready yourself tonight, babe. Because I won't take it easy on you. I'll f**k you good like how you deserve it.”
Napakagat ng labi si Dina, “come home fast, babe. I love you.”
“I love you too.”
Matapos ang kanilang tawag ay binalingan ni Dina ang kaibigan na ngayon ay nakakunot ang noo at matalim ang titig sa kaniya.
“What?” Asik niya rito.
“What if binangga ko na lang 'tong kotse?” Claire said before shaking her head. “Bakit kailangan pang i-loyd speaker? Sarat kurutin ng singit mo.”
Malakas na tumawa si Dina. “Inggit ka lang kasi madidiligan ako mamaya.”
Umirap si Claire, “magpapadilig din ako, bakit? Ikaw lang pwede? Tsk! Ikaw, iisa lang didilig sa'yo. Ako, pwede kong tatluhin. Sabay-sabay pa.”
Pambihira talaga itong kaibigan niya, ayaw patalo.
Nakarating na rin sila sa harap ng building nila. Sabay ang dalawa na pumasok sa loob. Sa lobby, nakita ni Dina ang mga magulang na may kasamang hindi pamilyar sa kaniya.
Kilala lahat halos ni Adina ang mga empleyado ng ama dahil bata pa lamang siya ay palagi na siyang sinasama ng ama sa trabaho.
“Una na ako sa'yo,” paalam ni Claire pero nagtaas ito ng kilay bago tumalikod. “Bayad mo sa'kin, ha?”
Nailing si Dina saka tinanguan ang kaibigan. Tapos ay nilapitan niya ang mga magulang.
“Morning, mommy. Morning, daddy.” Bati ni Dina sa magulang sabay halik sa pisngi.
“Your timing is perfect, anak.” Sambit ni Adriano saka pinakilala ang anak sa bago nilang investor. “Adina, this is Mr. Nikolo Moretti, our new investor. And Mr. Moretti, this is our daughter Adina.”
Humarap si Dina sa lalaking Nikolo ang pangalan. Halata sa mukha ng lalaki na banyaga. He has olive green eyes, sharp jawline, pointed nose and naturally red lips. Nakasuot ito ng formal suit pero hindi mo ipagkakaila na may magandang hubog ng katawan na nagtatago sa ilalim ng suit na 'yon. He also has a nice trimmed mustache around his jaw. Ang linis tingnan ng bigote nito. Nakadagdag sa kagwapuhan nito.
First impression niya... gwapo pero mukhang babaero. Mukhang hindi matino. Parang maraming pinaiyak na babae 'to. Pero para sa mata ni Dina, si Mike pa rin ang pinakagwapo.
Adina offered a formal smile before extending her hands.
“Good to see you, Mr. Nikolo...”
Tumitig sa kaniya si Nikolo. Hindi maipaliwanag ni Dina pero parang kakaiba ang tingin nito. She brushed it off, maybe because this is only how he looks at someone?
Inabot ni Nikolo ang kamay niya at kinamayan.
“Yeah... good to finally meet you, Amor— Adina...”
Nikolo smiled. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ni Adina. At titig na titig na rin ito sa mukha niya... at napapansin din ni Dina na pasulyap sulyap ito sa labi niya. Naramdaman din ni Dina ang marahang pagpisil ni Nikolo sa kamay niya bago nito tuluyang bitawan.
Napalunok si Adina... that was kinda intense.
“Oh my... you too look good together!” Bulalas ni Menerva, pumalakpak pa na parang teenager na kinikilig. “The case is our daughter already has a boyfriend. She's off limits”
Tumaas ang kilay ni Nikolo saka sumulyap sa kaniya. Nikolo ran his hand on his jaw, hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa kaniya.
Nikolo clicked his tongue before speaking, “hmm... boyfriend. But offering someone a marriage.”
Hindi narinig ng iba ang huling sinabi ni Nikolo dahil pabulong lang iyon.
Adriano cleared his throat before glancing at Adina.
“Adina sweetheart, can you tour Mr. Nikolo around? Gustuhin ko man na ako, ay hindi puwede. I have a meeting, in fifteen minutes.”
Dina shrugged off. “It's fine, dad.”
Hindi naman din si Nikolo ang unang investor na ito-tour niya. Nagpaalam ang kaniyang mga magulang at naiwan silang dalawa sa lobby.
Huminga ng malalim si Dina bago humarap ulit kay Nikolo. Pero gano'n na lamang ang gulat siya dahil sobrang lapit pala nito sa kaniya. Muntikan pa siyang ma-out of balance buti na lang nakabig agad siya ni Nikolo.
Nakahawak si Nikolo sa bewang niya. Nagdala iyon ng libo-libong bultahe sa katawan niya. And they're so close to each other. Dina could even smell the scent of his perfume. Mabilis niyang hinawi ang braso si Nikolo at inayos ang sarili.
“I'm so sorry about that...” Tumikhim siya, “that's so embarrassing.”
Nikolo chuckled, and he even sounded so sexy! Mabilis na ipinilig ni Dina ang nasa isipan. What the f**k is happening to her?!
“You're good,” ngumisi si Nikolo. “We've all had our moments.”
Hindi pinansin ni Dina ang kaba sa dibdib. Sinimulan nilang libutin ang buong AB manufacturing and corporation. Nakasunod lang sa likuran niya si Nikolo.
At napapalunok si Dina dahil ramdam na ramdam niya ang mga mabibigat na titig na pinupukol nito sa kaniya. Adina could also feel that Nikolo sometimes, stares at her àss.
“And now... this is the pantry.” Dina explained. “Every floor has its pantry actually. Pero ito ang pinakamalaki na pantry namin dito—”
Pinutol ni Dina ang sasabihin nang may maalala at sinulyapan si Nikolo na nakangisi pero agad ding sumeryoso ng tumingin siya.
“You can understand Filipino, right?”
“Very well...”
Nakahinga siya ng maluwag. Kanina pa naman siya tagalog nang tagalog buti na lang nakakaintindi si Nikolo.
Pinagpatuloy ni Adina ang pagpapaliwanag. At parehas silang umupo sa bakanteng upuan sa pantry.
“And were done...” Tapos na rin sila sa wakas maglibot.
“Your feet,” bulong ni Nikolo kaya napatingin din si Dina sa mga paa niya. “They look so red. Hindi na masakit?”
Napapantastikuhan na tiningnan ni Dina si Nikolo na titig na titig sa namumula niyang paa dahil sa heels.
“Sanay na.”
“I should bring some band aids next time.” Maliit ang boses ni Nikolo kaya hindi niya iyon narinig.
“Sorry, what?” tanong ni Adina.
Nikolo shook his head before glancing at her, “nothing.”
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pabor iyon kay Dina dahil napagod siya kakadaldal kanina. Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Nikolo.
“You have a boyfriend?”
Napabaling si Dina rito. Sobrang random naman ng tanong.
“Hmm. We've been together for three years.” Nakangiting sagot ni Dina.
“Only one boyfriend?”
Kumunot ang noo ni Dina. Gago ba 'to?
“Of course!” Bulalas niya. “Ilan ba akala mo?”
Nikolo shrugged before glancing at here.
“You deserve two boyfriends, Ms. Beunavista,” Nikolo leans forward and whispers in her ears that sends her shivers down her spine, “... and if you're looking for one, I'm completely available.”
Laglag panga ni Dina at hindi makapaniwala habang tinatanaw ang papalayong likod ni Nikolo.
“Gago nga...” hindi niya napigilan bulong. “At siraulo.”
Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Dina ang mga walang silbing salita ni Nikolo. Inabala nalang niya ang sarili sa mga Gawain dahil hindi na siya makapaghintay na maka-uwi dahil sa wakas ay nagkikita na sila ni Mike.
Kinagabihan nagluto si Adina ng hapunan. Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto. In the middle of her cooking she received a text from Mike saying he's already in Manila. At malapit na raw ito sa bahay.
Mabilis niyang tinapos ang pagluluto at naligo na. She cleans herself well. Alam niya na kasi ang mangyayari. Saktong paglabas niya ng banyo ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan.
Nakatapis lang siya ng tuwalya. Mabilis niyang sinilip mula sa bintana at ganon na lang ang galak ng makita si Mike na bumaba ng kotse.
Hindi na nag-abala si Dina na magbihis. Dahil sa sobrang saya niya ay nalimutan niyang isara ang kurtina ng bintana niya.
Adina positions herself in the end of her bed. Tinanggal niya ang tuwalya na nakatapis at hinintay na bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto. At hindi nagtagal, bumukas ito.
“Welcome home...” Nag-aakit na saad ni Adina.
Mabilis na lumapit si kan'ya si Mike at agad siyang nilukumos ng halik. Ramdam ni Dina ang sabik ni Mike. Naahinga si Dina at pumatong sa kaniya si Mike.
“Babe, you're so beautiful.” Mike murmured and started to strip all his clothes.
Parehas na silang hubad. Muling hinalikan ni Mike si Dina. Hanggang bumaba ang halik ni Mike sa katawan ni Dina papuntang pagkababaé nito.
Pero bago pa man magawa ni Mike ang nais ay may bigla na lang sila nakarinig ng pagkabasag ng salamin. Nang tingnan nila, may mga bubog na sa sahig na nagkalat at may isang bato.
“Sino 'yon?” tanong ni Dina at mabilis na tinakpan ang kahúbaran gamit ang kumot.
Dinampot ni Mike ang bato. At kapansin-pansin na binalot sa papel ng bato. Tinanggal ni Mike ang papel at binasa ang nakasulat.
“Don't fúcking touch, my Amoretto, or you'll gonna dîe...” Basa ni Mike sa nakasulat.
Mabilis na binalot ng takot si Dina. Isa lang ang hinala niya kung kanino galing iyon.
It's from her stalker!