Pagkatapos ng kanilang huling klase ay excited at nagmamadaling lumabas si Sean upang puntahan ang nobya na nasa kabilang classroom lang. Kaagad namang nabura ang ngiti sa kaniyang labi nang makitang kausap nito ang lalaking kaklase. Alam niyang wala siyang dapat na ipag-alala ngunit ang munting halimaw sa kanyang dibdib ay tila tigreng handang sagpangin ang kalaban.
“Justine, libre ka ba sa Sabado?” tanong ng lalaking kaklase ni Justine habang abala siya sa pagliligpit ng kaniyang libro at notebook.
“Sabado? Oo, libre ako,” nakangiting sagot ni Justine matapos isara ang zipper ng kaniyang bag.
Mariin namang napakuyom ng kamao si Sean nang makita kung gaano katamis ang ngiti ng nobya sa kausap.
“Okay. Hihintayin na lang kita sa meeting place natin. Okay ba ‘yon?” may ngiti sa labing tanong ng kaklase ni Justine.
“Oo naman. Is nine o’clock good?” tanong ni Justine habang isinusukbit sa balikat ang kaniyang backpack.
“Sabado? Ano’ng gagawin nila sa Sabado?” tanong ni Sean sa sarili.
“Okay. Saturday at nine o’clock in the morning,” kumpirma ng lalaki kay Justine.
At kung nakamamatay lamang ang pagtitig ay baka duguan at nakahandusay na sa sahig ang kaeskuwela ni Justine sa sama ng tingin ni Sean dito.
“Copy that. See you tomorrow,” sagot ni Justine.
Dahan-dahan naman s’yang lumapit sa nobya at pekeng umubo para makuha ang atensyon nito. Halos mapatalon naman sa gulat si Justine sa biglang pagsulpot ng nobyo mula sa kanyang likuran
“Ikaw lang pala ‘yan, Sean,” usal nito matapos bumuntonghininga.
“Oo, ako nga. Anong meron sa Sabado?” masungit at nakataas ang kilay na sabi naman ni Sean.
“Bakit ang sungit nito?” tanong ni Justine sa sarili.
“Sabado?” nagugulumihanang tanong ni Justine.
“Sabado as in Saturday. Anong meron at makikipagkita ka sa lalaking ‘yon?” tanong nito na may magkahalong inis at pagsusungit.
“Iyon ba?” wala sa sariling tanong ni Justine. “Teka nga lang. Narinig mo ‘yong usapan namin?” mabilis na tanong niya ng mapagtanto ang sinabi at tinutukoy ng nobyo.
“Hindi masyado. Pero ano nga’ng meron sa Sabado at kailangan mo pang makipagkita sa kaniya?” seryoso pa rin na tanong ni Sean.
Halatang pinipilit ni Sean na pahupain ang inis para hindi sila magkasagutan. Katulad ng palaging ginagawa nito sa tuwing nagseselos. Hindi naman kasi ni Sean magawang hindi magselos sa tuwing nakikita niya ang nobya na may kausap na ibang lalaki. Bukod kasi sa maganda ito hindi lamang sa pisikal kundi maging ang ugali nito. Isa pa matalino at miyembro ng varsity ang dalaga. Kaya naman ‘di katakataka na may iba pang nagkakagusto at humahanga sa nobya.
“Nagseselos ka na naman ba?” tanong ni Justine.
Hindi napigilan ni Justine ang mapangiti nang malamang nagseselos ang nobyo. Pakiramdam kasi niya ay sobrang mahal siya nito at tila ba takot itong mawala sa kaniya.
“Wala lang ‘yon. It was only about our group project,” paliwanag ni Justine.
Nginitian ni Justine ang nobyo. Marahan niyang pinisil ang kamay nito upang ipaalam dito na wala itong dapat na pagselosan.
“Sama-sama kasi naming gagawin ang group project namin sa bahay nila. Kaya makikipagkita ako sa kaniya. Iyon lang,”dagdag paliwanag ni Justine.
“Kung ganoon naman pala. Umuwi na tayo,” masiglang sabi ni Sean. Ang kanina ay seryosong mukha ni Sean ay napalitan ng ngiti.
Mabilis na lumipas ang pitong buwan at ngayon ay nalalapit na ang kanilang graduation. Hindi magtatagal ay maghihiwa-hiwalay na sila ng landas na tatahakin. They are now about to decide which course they will take and where they want to attend college. Pero ilang araw bago ang kanilang graduation ay ang eighteenth birthday ni Justine. Napagdesisyunan niya na hindi niya kailangan ng engrandeng debut party salungat sa suhestiyon ng kaniyang ina at nakababatang kapatid. Sa halip ay isang simpleng salo-salo kasama ang malalapit na kaibigan at kamag-anak ang hiniling niya. At isang araw bago ang kaniyang birthday ay ang date nila ni Sean upang i-celebrate ang kanilang eight monthsary.
And now she’s waiting for Sean at their meeting place, in front of a bookstore. Just like what she always did, she came a bit earlier thinking that her boyfriend might be already there, waiting for her. But she’s wrong, because just like their previous dates, he’s late again.
“I love Sean so much,” nakangiting bulong ni Justine sa sarili habang nilalaro ang couple keychain na binili nila noon ni Sean sa amusement park.
Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang kaniyang cellphone upang malaman ang oras o kung may text message na ba si Sean. Dahil ilang beses na niya itong itinext pero wala siyang natanggap na reply. Sinubukan na rin niya ang tawagan ito ngunit hindi naman nito sinasagot ang cellphone.
Sa kabilang banda naman ay lakad-takbo at palinga-linga sa paligid si Sean na para bang may hinahanap ito.
“Jean!” he shouted when he saw her walking on the other side of the road.
“Sean? Ano’ng nangyari sa ’yo?” tanong ni Jean nang makita ang binata na magulo ang buhok at may mga unting butil na ng pawis sa noo.
“May date kami ni Justine ngayon. Pero bago ‘yon, kailangan ko muna bumili ng regalo para sa birthday niya bukas,” hinihingal at nagmamadaling paliwanag ni Sean matapos tumawid ng kalsada.
“Wala ka pang regalo para kay Justine bukas?” hindi makapaniwalang tanong ni Jean. “Sean naman! Don’t tell me nakalimutan mo na bukas na ang birthday ni Justine?” singhal at tanong ni Jean sa binata.
“Oo na nakalimutan ko na. Pero ang mahalaga ngayon ay makabili na ako ng regalo. Kaya kung puwede samahan mo ako?” nagmamadaling paghingi niya ng tulong dito. Dahil tanging ang bestfriend lamang ng nobya ang sa tingin niya’y makakatulong sa kaniya sa mga sandaling iyon.
“Sigurado ako na alam mo kung ano ang gusto ni Justine. Balak ko kasi sana na bumili ng kwintas pero wala akong idea kung anong design ang magugustuhan niya. Kaya favor naman samahan na mo ako,” dagdag pa ni Sean.
“Okay. Basta para kay Justine,” sagot ni Jean matapos bumuntonghininga habang pinagmamasdan ang kaibigan na nagmamakaawang samahan niya at tulungan. “Teka nga lang? Anong oras ba ang date niyo?” tanong niya.
“Eleven o’clock,” wala sa wisyong tugon ni Sean.
“Eleven!” namimilog pa ang mga matang sigaw ni Jean. “Naman! Tumingin ka nga sa relo mo,” naiinis at tila nag-iinit ang ulong utos nito sa kaibigan.
At ganoon na lamang ang gulat ni Sean nang malamang late na naman siya sa date nila ng nobya.
“Halika ka na bilisan na natin. I know that Justine will understand and forgive you if you explain to her. But for now, bilisan na natin para hindi maghintay si Justine ng matagal,” Jean said in an authoritarian manner as she dragged Sean towards the first jewelry shop they saw across the street.
And as they stepped inside the shop they are welcomed by beautiful necklaces with different designs that gives them a hard time to choose. Then a silver necklace with their initial letter ‘J’ on the center of a heart caught Sean’s attention. Unang tingin pa lamang sa kwintas ay nagustuhan na niya ito. Kaya naman iyon na ang binili niya para sa nobya. At sa tingin naman niya ay magugustuhan iyon nang husto ni Justine. Because knowing Justine, anything that they’ll give her will be very appreciated by her, since she values the thought rather than the price.
“Jean, thank you so much,” pasasalamat ni Sean sa kaibigan na nag-apruba sa napili niyang regalo. “As a token of appreciation, ito oh,” dadag pa ni Sean nang iabot niya sa kaibigan ang isang maliit na box.
“Sigurado ka ba na sa akin na lang itong bracelet na ito?” Jean ask as she saw what’s inside the small jewelry box.
Sean gave her a silver bracelet with a four-leaf clover design as his gift of appreciation for helping him. He also saw her staring intently at it earlier. Kaya naman binili na rin niya ito sa hindi malamang kadahilanan maliban sa pasasalamat.
Nagpaalam na siya sa kaibigan at mabilis na tinakbo ang distansya ng jewelry shop papunta sa tamang sakayan ng jeep.
“Salamat dito!” sigaw ni Jean habang iwinawagayway ang bracelet.
Sean was already practicing inside his head his explanation as to why he was almost half an hour late without spilling that he bought her a gift. But when he arrived at their chosen meeting place there was a huge commotion. Maraming tao ang naroon at sa malamang ay nakiki-tsismis sa kung ano man ang nangyayari.
At mas lalo pang ‘di magkamayaw ang mga tao sa paligid nang dumating ang isang ambulasiya. Habang ang mga pulis naman na narron ay abala sa pagsuway sa mga taong gustong makiusyoso. Halos manlambot naman ang tuhod ni Sean nang mapagtanto na ang eksaktong lugar na napagkasunduan nila ng nobya ang lugar na pinagkakaguluhan ng mga tao.
“It can’t be? Justine was safe, right? She was safe and nothing bad happened to her, right?” sunod-sunod na tanong ni Sean sa sarili habang tahimik siyang nagdarasal. Nanginginig man sa kaba ang katawan ay pilit siyang lumapit sa kumpol ng mga tao. His heart was already beating faster than he can imagine it could be.
And when he finally made his way through against the mob of people a horrifying scene welcomed him. Blood splattered at one part of the bookstore’s wall while there’s a motorbike that almost all of its parts turned into tiny pieces. It probably hit the wall that hard for it to crashed like a tin can. Hindi na kailangan pang isipin o estimahin ni Sean ang bagay-bagay. Dahil sa itsura pa lamang ng lugar ay napakalaki na ng posibilidad na hindi maganda ang lagay ng driver nito base na rin sa dami ng dugo at kalagayan ng motorsiklo.
“Nakakaawa naman ‘yong babae.”
“Magiging okay kaya siya?”
“Sana mailigtas siya ng mga doktor.”
Hindi nakalampas sa pandinig ni Sean ang bulungan at bawat katagang binitiwan ng mga katabi niya. Ang mga katagang tila nagbuhos ng malamig at nagyeyelong tubig sa kaniyang buong katawan.
“It can’t be, impossible? No. I’m wrong. Justine must be somewhere in this crowd. She was definitely safe. Nothing bad will happen to her.” Sean thought like a crazy mad man while he roamed his eyes at the scene to look for Justine.
And then, something familiar caught his attention. He can clearly see a very familiar thing at the scene.
“Pero imposible, baka naman kaparehas lang. Hindi ba? I’m sure hindi lang kami ang may ganoong keychain dito.” He cut off whatever negative ideas in his head when he saw Justine’s keychain lying next to the motorbike.
“Yes, Sir. Ang mga may minor injuries na lamang ang naiwan dito. Nilalapatan na po sila ng first aid. We also have confirmed the victim’s identity, Sir. Base on her identification card that we got from her belongings, we confirmed that she was a senior high school student.” Malinaw na narinig ni Sean ang sinabi ng isa sa mga pulis na naroon.
At nang marinig niya ang salitang Senior High School ay mabilis na nawala ang kulay sa kaniyang paligid.
“Imposible. Baka naman ibang estudyante ‘yon. Baka sa ibang section lang.” Kumbinsi niya sa sarili sa kabila ng negatibong iniisip na maaaring ang nobya ang tinutukoy ng pulis.
“Justine Aisha Green, iyon po ang pangalan ng biktima. Nasa ospital na po ito ngayon. Masyadong malakas ang impact ng pagtama ng motor sa kaniya. Malaking fracture sa ulo ang natamo nito maliban sa ilang sugat. There’s also a high chance of broken bones. Kaya nasa kritikal na kondisyon po ito sa ngayon. Marami din ang dugo na nawala sa kaniya. Natawagan na namin ang pamilya niya. Iyon lamang po, Sir,” mahabang sabi ng pulis sa kausap nito sa cellphone.
“No! It can’t be. Imposible. Si Justine ang nasa ospital at ino-operahan? Kritikal ang kondisyon? Hindi maaari. Nagkakamali lang sila. Hindi si Justine ang nabangga, hindi ba?” Hindi makapaniwala at tila nawawala sa sariling usal ni Sean sa sarili matapos marinig ng malinaw ang sinabi ng pulis.
He immediately take a cab to the hospital as fast as he could while hoping that what he was thinking are not true. That Justine was alright. But when he arrive at the hospital, he saw Jutine’s parents together with Keith and Simonein standing anxiously in front of the operating room. Nang makita niya ang mga ito na umiiyak ay saka lamang tuluyang rumehistri sa kaniyang utak na si Justine nga ang naaksidente. At sa isang iglap ay gumuho ang mundo niya. Para siyang binuhusan ng isang truck ng yelo kasabay ng biglang pagdilim at pagtahimik ang buong paligid.
“Kuya Sean!” garalgal ang boses na sambit ni Simone sa kaniyang pangalan nang lapitan siya nito habang umiiyak at humihikbi.
“Sean,” Justine’s parents and Keith mumbled in chorus as they saw him next to them.
“Kasalanan ko po ito. Kasalanan ko kung bakit naaksidente si Justine. Kung hindi po sana ako na-late, at kung sana dumating ako nang mas maaga edi sana wala siya sa operating room ngayon. Kasalanan ko po ito. Ako ang may dahilan kaya siya na aksidente,” mahinang sambit at panunumbat ni Sean sa sarili habang patuloy na umaagos ang mga luhang hindi na niya namalayan kung kailan nag-umpisang umagos.
“Wala kang kasalanan sa nangyari, Sean. Aksidente ang nangyari. Walang may gusto na mangyari ito,” Keith said as he approach Sean who are now kneeling on the floor, crying and banging his head against the wall.
“Pero kung sana dumating ako ng tama sa oras-”
“Keith! Kamusta si Justine?” Naputol ang sasabihin ni Sean ng humahangos na dumating si Arlene.
And just like everyone, she was also crying and sobbing as she stared at the door of the operating room. Where the doctors are currently doing their best to save Justine.
“Nasa operating room pa rin siya,” Keith replied, his voice sounds so calm.
Arlene thought that maybe he was forcing himself to calm down. In that way, he can be their parent’s source of strength. And as the eldest, he needs to be strong for them. He can’t let them see him being broken down.
“Ate Justine,” mahinang usal ni Simone na patuloy pa rin na umiiyak.
“Kuya Keith, magiging okay si Ate Justine, ‘di ba? Hindi ba paglabas niya mamaya riyan ay okay na siya? ‘Diba Kuya? ‘di ba? At saka birthday niya na bukas, mag se-celebrate pa tayo ng birthday niya eh,” pilit na sambit ni Simone sa pagitan ng bawat paghikbi.
“Oo naman. Malakas yata si Ate Justine mo. Kaya h‘wag ka ng umiyak. Okay ba ‘yon?” kalmadong sagot ni Keith sa nakababatang kapatid habang marahan niyang hinahaplos ang basang pisngi nito.
Habang lumilipas ang bawat minuto at bawat segundo ay lalong hindi mapakali ang pamilya ni Justine. Hindi naman lubos maisip ni Sean kung ano na ang kalagayan ng nobya sa loob ng operating room. Ayaw niyang mag-isip ng hindi magandang ideya na posibleng mangyayari sa loob ng operating room. Kung may sapat na lakas lamang siya at kung kaya lamang niya ay baka kanina pa niya tinawid ang pagitan nila. Baka kanina pa siya pumasok sa loob nito upang makita ang dalaga.
“Kung sana lang talaga dumating ako sa oras hindi sana ito mangyayari.” He continue blaming himself.
“Tito!Tita!” hinahabol ang hininga na sambit ni Jean nang dumating ito kasama si Chuck.
“Sean?” Chuck called his name as he watched his friend cry a river of tears while pulling out his hair like crazy.
Sean knew that their friends were standing in front of him, but he can’t clearly see them. He can only hear their voices. Dahil para sa kaniya ang mundo ay nawalan na ng kulay. Tila nasa gitna siya ng walang hanggang kadiliman. Para siyang nasa isang kahon na walang liwanag at para siyang sinasakal sa bawat minuto at segundong lumilipas.
“Paanong nan-?”
“Napanood namin sa balita,” putol ni Jean sa tanong ni Keith ng makita sila nito.
“Si Justine?”
“Nasa operating room pa rin siya. Mag da-dalawang oras na siyang inooperahan,” Arlene informed them.
Limang oras ang lumipas mula nang dalhin si Justine sa operating room at hanggang kasalukuyan ay nasa operating room pa rin ito kasama ang mga doktor.
At sa bawat pagpitik ng kamay ng orasan ay patuloy na sinisisi ni Sean ang sarili. Kung hindi siya nahuli ng dating ay kasama sana niya ito at masayang isine-celebrate ang araw na ito. At sana ay hawak niya ang kamay nito.