Chapter 20

3373 Words
“Sir Aaron, ito na po ang manuscript ng isa nating author, at saka nandiyan na rin po ang sa isa pang author.”  Justine said before she put down the folders on his table. While, on the other hand, Aaron is busy with his computer’s monitor, scanning and reading the other manuscripts that need his approval, and further correction if needed. “Okay.” Hindi na niya nagawang balingan pa ng tingin ang dalagang nasa kaniya lamang harapan at tahimik na nagmamasid sa kaniya bago ito tuluyang lumabas ng kaniyang opisina. “Justine, halika. Samahan mo ako.” Maawtoridad na sabi ni Aaron, nang lumabas ito ng sariling opisina. “Bakit po?” Naguguluhang tanong ni Justine,  bago pa man makarating sa puwesto niya si Aaron. “It’s alright. Justine, samahan mo na si Sir.” Ada said when she averted her gaze from Aaron to Justine. “Okay.” Mahina niyang sambit bago tumayo upang sundan ang binata. She followed him silently as they walked towards the conference room, where one of their writers  was waiting for them.  Aaron looked so concentrated while scanning, fast reading the manuscript, and it was seriously dead silent inside the conference room. Tanging ang ingay ng hangin mula sa aircon lamang ang kanilang maririnig. “Kumusta? Okay po ba?” Nahihiya at mukhang kinakabahan na tanong ng Author sa kanila matapos tumikhim at nag-aalangan na  tumingin sa kanilang dalawa. Seryoso naman ang ekspresyon ng mukha ni Aaron,  nang ibaling niya ang tingin sa manunulat mula sa screen ng laptop na nasa kaniyang harapan, kung saan naroon ang manuscript nito. “I think you should change these parts.” Seryosong suhestiyon ni Aaron, nang ituro niya ang parte sa manuscript na minarkahan niya ng pula.  “It doesn’t match, and connects to what was happening here. This one too.” He continued while pointing at each part that he marked. “I think you should analyze, and think about what your protagonist will feel. Please rewrite those parts, and for the rest it was good, but remember that you need to focus on the main character’s feelings and emotions. You need to maintain strong and definite characteristics for them.” Paliwanag ni Aaron, habang seryoso namang nakikinig ang Author sa bawat sinasabi nito. “Okay po.” Masayang sambit ng Author, na panigurado na may bago na namang natutunan para mas lalong mapaganda ang nobelang isinulat. “Woah! He looks and sounds so professional.” Manghang usal ni Justine, sa isipan habang tahimik na pinapanood si Aaron, na seryoso na binigyan ng paalala ang manunulat.  “Hindi na ako magtataka pa kung bakit siya ang editor in chief namin.’ “Can you submit it by the end of this day, so that one of our editors can look through that, and then edit what was needed, and necessarily to be edited. And in the next two to three weeks it will be ready for distribution.” “Ha!” Justine and the AuthorAuthor both reacted as soon as they realized what Aaron had just said.  And the way he said it was not a questioning manner but an order. He is ordering the AuthorAuthor to finish the revisions she needs to do within a day. “Today?” The Author questioned. Nakakunot ang noo at nagugulumihanan din katulad ni Justine.  “Is he insane? For real?” “Yes, I want it finished today.” Aaron answered in an authoritarian tone. Napabuntong-hininga na lamang ang babaeng manunulat nang marinig ang sinabi ng binata. “Okay po.” Mahina nitong sagot dala ng pressure dahil sa agad-agad na pagpapapasa at pagpaparebisa ni Aaron, sa kaniyang akda. “Then it’s settled. Nandiyan naman laptop mo kaya wala tayong magiging problema. You can even use this whole room hanggang sa matapos mong i-revise ang mga parte na itinuro at minarkahan ko.” He said as he stood up, and got ready to leave. “I’ll let you use this room, and by five, or six in the evening I’ll re-check your manuscript. And if I find it good enough I’ll just get a soft copy. Then my team, and editors will do what they need to do before we can send it to the printing office.” Hindi na hinintay pa ni Aaron, na makapagsalita ang kausap, sa halip ay mabilis na itong lumabas ng silid habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng itim nitong slacks.  “Bakit ba biglang ang sungit at strikto nito? Samantalang kahapon naman maayos siya makitungo sa ibang tao.” Nagugulumihanan na bulong ni Justine, habang mabilis ang bawat hakbang na sumunod kay Aaron. “Excuse me, Sir. Hindi naman sa nakikialam ako. . .” Pukaw ni Justine, sa atensyon ng kanyang boss nang makarating sila sa loob ng opisina nito. “Pero, para naman pong sobra yata ang ipinapagawa niyo. Alas-quatro na po ng hapon, and yet you want her to rewrite almost three chapters in just two hours?” She complained.  Kinakabahan man dahil sino nga ba naman siya para pang himasukan ang desisyon ng chief editor, samantalang part timer lamang siya at hindi naman talaga opisyal na miyembro ng departamentong hawak nito. Seryoso at matalim na naman ang mga mata ni Aaron, nang lingunin niya ang dalaga.  “Paanong naging sobra?” Nakataas ang isang kilay at seryosong tanong niya sa dalaga. “That time is enough for her to rewrite it, and that was her job anyway. I’m just doing my job. We are all doing our job, and we need to do it. Not only for our sake but for our company. We are not here to slack off, we are here to give our readers worth reading books.” Aaron said in a monotone but in a serious tone. “Ang higpit masyado.” Justine whispered to herself. “What did you say?” He hissed as he shot a deadly glance at her. “P-po? Wala! wala naman po akong sinabi.”  “Ang talas ng pandinig!” “Is that so, then get back to work.” May diin sa tonong sabi nito bago maupo sa kaniyang swivel chair at ituon ang atensyon sa mga papel na nasa kaniyang lamesa. “Ang sungit talaga! Nasaan na ‘yong parang bata na nakausap ko kagabi? Bipolar yata ito, eh.” She was still wondering if they had ever met before? Masyadong pamilyar sa kanya ang boses, mukha at pangalan ni Aaron. Para bang nagkakilala na sila noon pa.  “Is it possible that he was my classmate in elementary and middle school?”  Sandaling napangiwi si Justine, dahil sa biglaang pagsakit ng kaniyang ulo. It has been her problem since she regained her lost time. Sa tuwing masyado siyang maraming iniisip at tuwing pilit niyang inaalala ang mga alaalang nabura ay mas lalong sumasakit ang kaniyang ulo.  Noong mga unang buwan na pilit niyang inaalala ang lahat ay todong sakit ang kaniyang nararamdaman kaya naman pinayuhan siya ng kanyang doktor na si Dra.Maggie, na huwag pilitin ang kaniyang sarili dahil kapag pinilit niya ay baka makasama lamang ito sa kaniya.Kaya naman minabuti na lamang niya na mag-focus sa trabaho upang matapos niya ito kaagad at ng mas maaga. “Justine? Excuse me, Justine. . . Justine!” “Po!” Napaigtad sa upuang usal ni Justine. Sapo niya ang kaniyang dibdib dahil pakiramdam niya  ay aatakihin siya sa puso sa gulat ng may sumigaw sa kaniyang tabi. “You’re not listening, and concentrating at your job at all.” Iritadong sambit ni Aaron, madilim ang hilatsa ng mukha nito habang ang mga  mata ay matalim na nakatingin sa kaniya. “Sorry po.” Nahihiya at naiilang na paumanhin niya sa binata. “Like what I’ve said earlier, can you please photocopy this file. I need ten copies, and please do remind our senior editors about our meeting ten minutes from now. Understood?” May diin sa bawat salitang sambit ni Aaron, na para bang hindi naiintindihan ni Justine, ang kaniyang inuutos kapag hindi niya ginawa ‘yon. “Opo.”  “Ang sungit talaga, may dual personality ba ang isang ‘to?” Bulong ni Justine, nang makaalis na si Aaron, at bumalik sa kaniyang opisina. “Justine, ayos ka lang ba?” May bahid ng pag-aalala na tanong ni Ada, nang mapadaan ito sa puwesto ni Justine, na kasalukuyang isa-isang inilalagay sa mga folder ang mga papeles na iniutos ni Aaron.  “Okay lang naman po ako, bakit mo naman natanong?” Because the last time she check herself ay ayos lang naman siya, maliban na lamang sa pagiging hagard niya dahil sa reports na tinatapos niya para sa finals ng school year semester. “Wala lang. Kakaiba kasi ang kilos mo kanina pa.” May tipid na ngiti sa labing tugon ni Ada. “Baka guni-guni mo lang ‘yon Miss Ada. By the way, ito na pala ang novel na isinulat ko?” Nahihiya niyang sabi nang inilahad niya dito ang print out ng kaniyang nobela na malugod namang kinuha ni Ada. “I’ll give you my opinion, and pointers once I finished reading this. Anong malay natin baka isa na ito sa mga susunod na i-publish natin, hindi ba?” Malawak ang ngiti sa labing sambit ni Ada, na tila ipinaparating sa kaniya na mas pagbutihin pa ang pagsusulat. Tipid na ngiti lamang ang isinukli niya rito bago ipaalam ang mensahe ni Aaron, ukol sa meeting kung saan kasama si Ada. Dahil isa na ito sa senior editor ng departamento sa kabila ng edad nito kumpara sa ibang senior editor ng kanilang team. She then excused herself para ihatid kay Aaron, ang mga papeles na ipina-photocopy nito sa kanya. Kay ‘Mr.Biglang Sungit’ kung tawagin niya simula ng sungitan siya nito ng walang dahilan. Eksaktong pagpatak ng alas-sais ay nagpaalam na si Justine, dahil tapos na ang oras ng part-time niya sa publishing house. At nang makasakay siya bus ay doon lamang naramdaman ni Justine ang pagod at gutom dahil sa dami ng trabahong ipinagawa sa kanya ni Aaron, at dahil sa pag-iisip sa reports na ginagawa niya para sa finals nila sa susunod na araw. That’s why she felt so tired, and drained. Dahil sa pagod ay hindi niya na namalayan na nakaidlip na pala siya, not until she felt someone's presence beside her. Naramdaman na lamang niya na isinandal nito ang kaniyang ulo sa balikat ng ‘di kilalang katabi. Kaya naman nawalang bigla ang antok na nararamdaman dahil sa pagkabigla at gulat sa ginawa ng estrangherong katabi. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung may bigla na lamang na humawak sa ulo mo at ihilig ito sa balikat nito. And when she lifted her head up to see the person sitting beside her, she never didn’t expect it to be ‘Mr.Sungit’ named Aaron. “A-anong ginagawa mo dito?” Naguguluhang tanong ni Justine, sa binata habang mabilis na sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang daliri. Dahil malamang na sabog-sabog na ang buhok niya at mukha na siyang bruha, kawa na lamang ang kulang. “Ano pa ba? Eh, ‘di katulad mo. Pauwi na rin.” Pamimilosopo sa kaniya ng binata na may nakakalokong mga ngiti sa labi at kislap ng mata na inignora na lamang ni Justine. “Anyway, here have some ice cold coffee.” Aaron offered as he handed to her a can of coffee. “Thank you.” Wala sa huwisyo niyang sambit ng tanggapin ang inaabot nito.  Naguguluhan siya sa inaakto at pag-uugali ng binata. Because, one moment he was nice, and then he’ll be in his professional-bossy attitude, and then the next thing she knew was that he’s mad, and irritated. Daig pa siya nito kapag nagka-mood swing. But despite his random mood changes, she could still feel, and  find it so comfortable, yet, it was a bit uneasy to be with him. “Wala ka pa rin talagang pinagbago. You’re still the same, the same as before.” Aaron whispered, thus, Justine, contemplated if she heard him right. “Anong ibig mong sabihin?” She asked without any further ado. “Walang pinagbago? Anong ibig sabihin nito? Did we really met before? Are we acquaintances?” Sunod-sunod na tanong ni Justine, sa sarili. “Mukha yatang hindi mo na talaga ako natatandaan.” Mahinang sambit pa ni Aaron, habang halatang pilit ang ngiti sa kaniyang labi. “Kung sabagay matagal-tagal na rin noong huli tayong nagkita. Almost eleven years na rin ang nakalipas.” Pagpapatuloy nito na may bahid ng lungkot sa boses. “Eleven years?” Hindi makapaniwala sa kaniyang narinig na usal ni Justine. Dahil kung nagkakilala na sila noon ay posibleng kaeskwela niya ito, o kaya naman ay school mate niya. “Never mind it. It’s nothing.” Aaron shrugged off nang umayos ito ng upo. “Fifteen-years old pa lang tayo noong huli tayong nagkita. And now, we’re already adult, so it was nothing, don’t mind it. . . Sige mauna na ako, ayan na ang babaan papunta sa bahay ko.” He continued with a smile on his face before he get off the bus. At naiwan si Justine na nakaawang ang bibig, gulat, at naguguluhan dahil hindi niya malinaw sa kaniya ang mga alaala niya noong junior high school pa lamang siya. Hindi mapigilan ni Justine, na kuwestiyonin ang sarili sa pagkawala at bura ng kaniyang mga alaala, dahil marami sa mga alaala niya ang hindi pa nagbabalik. Lalong-lalo na ang mga memorya at alaala niya simula grade school. Dahil ilan lamang ang naaalala niya sa mga taon na iyon, at noong junior high school naman ay halos wala na siyang maalala kahit isa. Tanging ang alaala ng senior high school ang malinaw sa kaniya. Noong una ay hindi nila ito napansin dahil naka-focus sila therapy niya, at takot na malaman ang tungkol kay Sean at Jean. Ngunit nang isang beses na mapag-usapan nila ang tungkol sa pag-uumpisa niyang maging miyembro ng varsity sa kanilang eskwelahan noong junior high school ay doon nila nalaman na ang ilan sa mga alaala niya ang nabura. Noong una ay hindi naman pinagtuunan ng pansin ni Justine, ang tungkol sa kaniyang mga naburang alaala, lalo na at hindi rin naman niya naaalala noong mga panahon na nagising siya ang tungkol sa kaniyang kabataan. Dahil ang mahalaga sa kaniya noon ay si Sean, ang kaniyang pamilya, at mga kaibigan. Pero nang magsimula na ang therapy at consultation sessions niya  sa psychiatrist, ay doon lamang naging malinaw sa kaniya ang pagkawala ng kaniyang mga alaala, dahil noong umpisa ay inakala niya na after effects lamang ang pagkalimot niya, ngunit hindi niya inaasahan na maaaring maging permanente nang makalimutan niya ang mga ito. But, as she keeps on making herself remember everything, Aaron’s smile keeps on flashing in her mind. That smile of his makes her think that, that’s not a smile at all. That his smile is the kind of smile that can make her think that he was hiding something.  “Hey! What kind of work is this?” Aaron beamed as he slammed the folders down into Justine’s table making everyone startled. Lihim namang napa-ikot ng mata si Justine, dahil sa inasta ng binata.  “Po?” Inosenteng tanong ni Justine, sa binata na ngayon ay bakas sa mukha ang init ng ulo nito. “Sabi ko ‘di ba na i-sort out mo itong last month sales report. And then put in on my table, but, what the hell is this? It’s not sorted out properly, are you using your brain?” Masungit at bahagyang tumaas ang boses na sambit ni Aaron. Idinuro rin niya ang sa folders na nasa harapan ni Justine. “Sorry po, Sir. Uulitin ko na lang po.” Paumanhin at nahihiyang sambit ni Justine, habang nakayuko. Dahil kahit na hindi niya nakikita ay alam niyang nakatingin sa kanilang direksiyon ang mga kasamahan nila sa opisina at curious sa kung anong nangyayari. At kung bakit siya napagalitan ng binata. “No need, just send that sales report to finance and sales department.” Aaron instructed her. “What a pain.” He mumbled before he left. “What a pain.” Justine mimicked Aaron, habang iniisa-isa ang mga folder. “What did you say?” Nakataas ang kilay at seryosong nakatingin sa kanya ang binata nang bigla itong lumingon sa direksyon niya. “Wala po,” Palusot niya dahil baka masita pa siyang muli ng boss nilang sobrang lakas ng pandinig. “Nakakainis! Kapag nasa office kami ang sungit, tapos kapag nasa labas ng office ang bait. Pagkatapos may kung ano-ano pang weird siyang sinabi kagabi. Daig pa ang babaeng nasa menopausal stage at buntis sa tindi ng mood swings.” Inis na usal ni Justine, sa isipan habang matalim ang tingin na ipinukol sa mga folder na nasa kaniyang lamesa. Hanggang sa gitna ng pagtatrabaho ni Justine, ay binubulabog pa rin siya ng kuryosidad tungkol sa ‘bipolar’ niyang boss. Justine was contemplating if she should ask her parents about him, or, if she should take a look first at their year book when she graduated from elementary up to junior high school. Dahil hindi siya mapakali hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo. Her curiosity was killing her slowly. But, in the meantime, she needs to fix the mess in her table first before she could go home, since she has a lot of documents to prepare and to pass for her class tomorrow. She also needs to submit her reservation slot for next semester’s enrollment. Finally two more years, and she can be what she wanted to be. She’ll be a third year, and then, one more year ay fourth year na siya, and that fact makes her excited. She’s excited to be a full time employee rather than a part timer. Hindi sa ayaw niya ang pagiging part timer, pero mas maganda pa rin na ang pagiging full time employee. She wants to start building up her own career once she graduates, and she wants to establish her name in the path, and profession she chooses. Dala ng kapaguran ay hindi na namalayan ni Justine, na kasabay na niya si Ada, na tulad niya ay lulan din ng elevator. Namalayan na lamang niya na may kasama siya nang tawagin nito ang pangalan niya upang sabihin ang opinyon tungkol sa nobelang kanyang isinulat. “It’s good, although you need to change some parts of it.” Ada said. “Talaga?” Hindi makapaniwalang usal ni Justine. Dahil para sa unang beses na pagpapasa ng manuscript ay masasabing magandang balita ‘yon, ngunit hindi maikakaila ang pressure na hatid nito dahil alam ni Justine, na dapat niya pang paghusayan, pag-igihan at pagyamanin ang kaniyang kakayahan.  Bukod sa opinyon nito ay binigyan din siya nito ng maraming advice at notes para mas mapaganda pa ang kaniyang nobela, at para na rin mag-improve ang kaniyang kakayahan sa pagsusulat hindi lamang bilang writer dahil maging sa kung paano maging isang editor ay binigyan siya ng pointers nito. “Since pauwi ka rin naman na, why don’t we eat dinner somewhere, it’s my treat!” Ada offered with a smile bago pa man sila tuluyang makarating sa first floor. “Sige ba!” Masaya namang tugon ni Justine. “Basta libre hindi ko palalampasin.” Pabiro pang dagdag niya na nagpatawa sa kanilang dalawa. Nagdesisyon silang dalawa na sa pinakamalapit na food chain restaurant na lamang sila kumain. And while they were eating they talked about a lot of things, specially about writing, editing, and on how Justine can improve her skills. Ada gave him a lot of pointers she needed. She and Ada have been friends ever since she started working at the publishing company. Ada was a good friend to her, she even helped Justine, at work, and in her studies. Whenever she doesn't understand some stuff and lessons, Ada will explain it to her. Ada even helped Justine, in her reports. That’s why Ada was like an older sister to Justine, even though they are the same age, and that’s the funny part in it. They are the same age, but Ada was already her superior, while she was still a student.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD