Chapter 9

2913 Words
“Simone?” Hindi na napigilan ni Simone, ang  mga luhang patuloy sa pag-agos sa kaniyang mata nang marinig ang boses ng kapatid. “Oo, Ate. Ako ito si Simone,” she said while sobbing, as she hold Justine’s hands tightly.  Hindi pa rin siya makapaniwala na sa wakas ay dininig na ang kanilang panalangin. At sa wakas, muling iminulat ni Justine ang kaniyang mga mata. Sa wakas, nagising na rin ang dalaga na matagal na nilang hinihintay. One minute later, Dra. Maggie, together with other nurses came to check Justine’s condition. At habang abala ang mga ito ay mabilis na tinawagan ni Simone ang kaniyang Kuya Keith, at ang kanilang magulang. She can clearly hear from their voices over the phone that they were happy, happier than she is. Specially their parents who immediately cried when they heard her good news. “Simone, can we talk? At my office,” seryosong sambit ni Dra. Maggie, matapos suriin si Justine, na ngayon ay pansamantalang muling namamahinga. Simone doesn’t know why and what it is about, but, she sensed that there is something behind Dra. Maggie’s voice. And it’s telling her that she should be prepared. She needs to be ready no matter what Dra. Maggie was about to tell her. “I will be frank to you, Simone,” panimula ng doktora pagkaupo ni Simone, sa silya sa harapan ng lamesa nito. “Actually, I want to talk about this matter with your parents when they arrive. But, unfortunately, they are still on their way here,” dagdag pa nito matapos ipagsiklop ang mga daliri. “So, I will tell this matter to you first, since ikaw naman ang nandito.”  Simone heaved a deep sigh at the tension she was feeling while listening to Dra. Maggie. “Simone, you must never mention to Justine that she was asleep for five years.”  Tila bombang sumabog sa harapan ni Simone, ang tinuran ng doktora. May ideya man ay naguguluhan pa rin siya sa kung ano ang sitwasyong kanilang kakaharapin.  “Justine’s memories was at haze right now. At sa tingin ko karamihan sa mga alaala niya ay nabura. Honestly, I’m afraid on what might, and will happen to your sister if she learned about this matter. I know that you already knew this too. That it will shocked her, and it will be definitely fatal for her current condition. We still need to monitor her. Lalo na at mataas ang chances na magkaroon ng Post Traumatic Syndrome, or PTSD si Justine. She’s been through a very traumatic incident after all. . . So, in the meantime, never mention this to her. Not until her condition is stable, and when we got a go signal from the psychiatrist who will be assigned to her. Or, if possible until she fully recovers,” mahabang paliwanag ng doktora. “I know Dra. Maggie. Thanks for informing me,” bagsak ang balikat na tugon ni Simone. “Thank you. For now, it will be better if you stay by her side,” Dra. Maggie said with a warm and reassuring smile. The smile made Simone calm down. Simone knew it, she knew, and she expected the situation ever since the doctors said that Justine was in a coma. She can’t help but clench her fist tighter, making her white skin turn into a pinkish color. Her sister Justine didn’t know, and she’s not aware that it has been five years since that day. Because for Justine, it just happened yesterday. Simone also knew that her sister would look for Sean once she woke up. But, she doesn’t want her sister to see him anymore.  She doesn’t want Justine to be in pain if she finds out the truth about what happened for the past five years. Justine might go crazy, and Simone doesn’t want that to happen. Simone doesn’t want to see her sister in so much pain. Her sister has gone through a lot now. And what Justine needed was a rest and peaceful life, not a problematic one. “Hi, Ate! Kumusta? Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo? nagugutom ka ba? Tell me,” nakangiting sunod-sunod na tanong ni Simone. “Simone, okay lang naman ako. Hindi rin ako gutom. Si Sean, nandiyan ba siya?” mahina at mabagal na sambit ni Justine. At tulad ng inaasahan niya, hahanapin at hahanapin ni Justine si Sean. “Si Kuya Sean, po ba? Wala na po siya, eh. Kakauwi niya lang kanina bago ka magising,” Simone lied as she tried to stop all the tears that was about to fall from her eyes. “Ganoon ba,” may bahid ng lungkot sa boses na sabi ni Justine. “I’m sure na masyado ko s’yang pinag-alala. By the way Simone, anong araw na ba ngayon?” “Kung alam mo lang, Ate Justine. Kung alam mo lang ang mga nangyari habang tulog ka,” Simone mentally whispered to herself as she clenched her fist. “Ngayon ba? S-sabado po ngayon. Bakit mo naitanong, Ate?” nauutal na sagot at tanong ni Simone. “Ibig sabihin isang linggo na ang nakalipas.” Justine said. “Sana nga isang linggo lang ang lumipas, Ate,” muling usal ni Simone sa isipan. “Oo Ate, isang linggo na nga.” “I’m sorry, Ate. I’m sorry if I’m lying to you right now. Para rin naman ito sa ’yo, Ate. Don’t worry sasabihin din namin sa ‘yo ang totoo kapag stable na ang kalagayan mo at kapag handa ka na. Kapag kaya na ng mental health mo. Sa ngayon, mas mabuti pa na huwag mo na munang malaman ang lahat. Hindi pa puwede. For now, I’ll do everything I can to protect you from all the pain that the truth will bring you,” piping usal ni Simone sa isipan habang pinagmamasdan ang kapatid na ngayon ay nakatanaw sa mga bituin sa kalangitan mula sa bintana ng pribadong silid nito. Few minutes had passed until their parents and Keith came. And just like what Simone expected, their mother was crying when she saw Justine, finally awake and smiling at them. TWO weeks have passed by, and three days after Justine woke up she immediately went through various physical check-ups she needed. Unfortunately, there’s one problem they must face. Justine can’t move her legs, thus, she needs to go through various physical therapy to be able to walk again.  Ayon kay Dra. Maggie, kaya hindi makalakad si Justine, kahit pa na matagal ng naghilom at gumaling ang mga nabaling buto at mga sugat niya ay dahil sa matagal na pagkaka-comatose nito. At dahil na rin sa operasyon na isinagawa sa kaniya noong naaksidente ito. Kaya ang ilan sa mga nerves niya ay naapektuhan ng husto at na-paralyze. Dra. Maggie also recommended that it will be better if Justine read for less than an hour every three hours if she wants to. Para hindi mapagod masyado ang kaniyang mata at utak, at para na rin mahasang muli ito. Dra. Maggie even suggests that she must take things slowly for the meantime, para hindi mabigla ang kaniyang katawan. Because her body and mind were delicate and fragile at the moment. That’s why her family must be extra careful about what they will say whenever they’re with Justine. They must be extra careful and attentive with their every action. Thus, Simone, Keith, and Arlene agreed that whenever they visit Justine, they must wear their old uniform. They’re uniform when they were still in high school. In that way, Justine won’t suspect them, or she won’t catch up on their little lies. Inalis din nila ang calendar sa hospital room nito, maging ang TV na naroon ay kanilang inalis. They only tell Justine that she needs to focus on her fast recovery.  Mariing ipinikit ni Simone, ang mata at kasabay ng pagmulat niya ay ang pagbuga niya ng hangin upang ihanda ang sarili na buksan ang pinto ng kuwarto ni Justine. Ang pintuan kung saan kakailangin niya na naman na magpanggap alang-alang sa kapatid. Lies, she need to lie. “Hi, Ate!” pilit ang sigla sa boses na bati ni Simone. “Oh! Kuya, Ate Arlene,” gulat na sambit ni Simone nang makita ang magkasintahan na nakaupo sa gilid ng kama ni Justine. “Kanina pa sila rito. Teka, Simone. Wala ka bang klase ngayon? Malapit na ang graduation, ‘di ba? Tapos pumupunta ka pa rito?” mahina, dahan-dahan at sunod-sunod na  tanong ni Justine, sa bunsong kapatid. Dahil sa matagal na pagkakatulog ay nahihirapan pa ito sa ngayon na magsalita sa normal na bilis at lakas ng boses. “Ano ka ba, Ate,” pilit na pinanatili ni Simone, ang ngumiti sa harapan nito. “Okay lang ‘yon, at saka tapos naman na ang examination week. Kaya okay lang na hindi ako pumasok. For sure naman pasado ako, hindi ba Kuya? Ate Arlene?” pinanlikahan niya ng mata ang nakatatandang kapatid, hinihiling na sana ay makuha nito ang nais niyang iparating. At mabilis naman itong nakuha at naintidihan ni Keith. “Aba, ewan namin,” Keith said. He was chuckling as he gave Simone a mischievous look. “Kuya, naman!” naiinis na singhal ni Simone. And then their laughter filled the room. KINABUKASAN ay naabutan ng tatlo si Justine, na nasa kalagitnaan ng physical therapy. Kaya naman imbis na hintayin ito sa kaniyang kuwarto ay dumiretso sila sa rehabilitation room upang panoorin ang dalaga. Ilang sandali pa ay natapos na ang unang theraphy ni Justine. Marahan siyang inilipat at pinaupo ng kaniyang physical therapist sa upuan katabi ang kaniyang mga kapatid. “Kuya, kumusta naman ang preparations n’yo ni Arlene, para sa entrance exam?” tanong ni Justine, sa kakambal matapos kunin ang tubig na inabot nito.  “Nakapag-exam na ba kayo? Ako kasi hindi pa raw puwedeng kumuha ng exam sa ngayon. Sabi kasi ni Dra. Maggie, mas mabuti raw na next year na ako mag-college. At mukhang hindi rin ako makaka-attend sa graduation natin,” puno ng lungkot na kuwento ni Justine, habang ang mga mata ay nakatutok sa kaniyang mga binti. Hindi naman ni Keith malaman kung ano ang isasagot sa kakambal. Hindi n’ya alam kung paano  ipapaliwanag ang lahat dito sa oras na tuluyan na itong gumaling. Mahirap sa kaniya ang magsinungaling at maglihim sa kakambal. Ngunit ito ang kailangan nilang gawin para mapabilis ang recovery ng kakambal. At para na rin makabalik na ito sa normal na pamumuhay.  “Ayaw ko namang umakyat sa stage at tanggapin ang diploma ko na naka-wheelchair,” mapait ang ngiti sa labi na pagpapatuloy ni Justine. Puno rin ng lungkot ang kaniyang mga mata na nakatingin sa wheelchair na nasa gilid lamang ng upuan na kinauupuan.  “Si Dra. Maggie, na rin mismo ang may sabi na mas mahalagang mag-focus muna ako sa recovery ko. Kaya iyon ang gagawin ko sa ngayon,” dagdag pa ni Justine. Keith gulped the lump on his throat as he saw the pain in her twin’s eyes. He unconsciously clenched his fist. And when Justine’s eyes met his, he immediately smiled widely at her. He hides all of his lies behind his mask and his smile.  “Okay naman ang exam namin. Ang totoo nga next week na namin malalaman kung pasado ba kami o hindi,” pagsisinungaling ni Keith sa kapatid na naghihintay sa kaniyang sagot.  For a moment, Keith wanted to punch himself for lying to his twin sister. But he can’t because he needs to do it.  “Huwag ka nang malungkot. Tama naman kasi si Dra. Maggie. It was better if you focus first on your recovery. At kapag naka-recover ka na bago matapos ang first semester ng college, puwede ka ulit mag-review. And, after that you may enroll for the next school year,” Arlene said as she puts her hand on Justine’s shoulder. Cheering her friend with her wide smile and encouraging voice.  “Kaya cheer up okay? Regarding naman sa graduation natin, puwede naman na si Keith ang umakyat at kumuha ng diploma mo para sa ’yo, ‘di ba Keith?” dadag ni Keith ng ilipat niya ang atensyon sa nobyo. “Oo naman. Kaya huwag ka ng malungkot,” pagsalo ni Keith, sa sinabi ng nobya. “Pumapanget ka lkasi kapag nakabusangot ka,” pang- aasar nito upang pagtakpan ang konsensya na nararamdaman. “Keith, naman!” asik ni Justine sa kapatid. “Teka lang, si Sean? Nasaan s’ya, kamusta na s’ya? Kamusta ang exam results niya?” tanong ni Justine ng mapansin na sa nakalipas na mga araw ay hindi man lamang niya nakita ang binata. Para namang binagsakan ng malalaking tipak ng bato sa dibdib ang tatlo nang marinig ang pangalan ng dating matalik na kaibigan. “Hindi ko pa kasi s’ya nakikita since nagising ako. Kamusta na ba s’ya? Nakapasa ba siya sa final exams natin?” sunod-sunod na tanong ni Justine habang nagpapalit-palit ang tingin sa mga kasama. “Si Sean?” Keith asked. Mahirap man at labag sa loob na banggitin ang pangalan ng huli. “Okay lang naman s’ya. Nakapasa naman s’ya. Kaya huwag kang mag-alala sa kaniya, busy lang ‘yon ngayon sa pagri-review. Malapit na kasi ang entrance exam n’ya para sa university na napili gusto niya,” labag sa loob at pikit-matang pagsisinungaling ni Keith.  “Okay,” tipid na sagot ni Justine. Malinaw na nakita ng tatlo kung paano lumungkot at tumamlay ang mukha ng dalaga. At ito ang hindi nila kayang makita, dahil nasasaktan sila para rito. “Ms. Justine, let’s start again,” Justine’s physical therapist announces as she approaches them for Justine’s other physical therapy session. “Dito na muna kayo, mag-uumpisa na kasi ulit ang therapy ko,” malungkot ang ngiti sa labing paalam ni Justine, sa kanila habang tinutulungan siya ng kaniyang physical therapist na lumipat sa kaniyang wheel chair.  “Ano sa tingin n’yo? Sasabihin ba natin kay Sean, ang tungkol kay Justine?” Keith asked the two lady beside him when he secured that Justine won’t hear them. “I don’t know, but. . .” malungkot na tugon ni Arlene. “I think we should let him know about her. After all, Justine, keeps asking about him. At kapag tumagal pa ito ay mauubusan na tayo ng palusot kung bakit hindi s’ya dinadalaw ni Sean. On the other hand, I think it might help her recover faster,” she explained.  Sabay-sabay naman silang tatlo na napatingin sa isa’t-isa at saka bumuntong-hininga sa alalahaning ito. “Kung ganoon ako na ang magsasabi sa kaniya,” boluntaryo ni Simone. “Kuya, ako na lang ang magsasabi, puwede ba?” paghingi n’ya ng permiso sa kapatid. Alam ni Simone, na mahirap para sa nakatatandang kapatid ang muling kausapin ang dating kaibigan, matapos ang lahat ng nangyari sa mga ito.  “Are you sure?” nag-aalalang tanong naman ni Keith. Tumango lamang si Simone, bilang sagot. Nag-aalala man ay pumayag din sa huli si Keith, sa gusto ng bunsong kapatid. Dahil hindi n’ya alam kung kaya na ba n’yang kausapin at harapin ang dating kaibigan. Marahas na napabugang muli ng hangin si Keith, habang pinapanood ang kakambal sa theraphy session nito. Ang kaniyang mga mata ay malamlam na, tanda ng pagod at stress. Ganoon din si Arlene. Halata sa mukha ng magkasintahan na wala pa silang tulog at matinong pahinga. Tuwing umaga ay na sa trabaho ang mga ito at pagdating naman ng gabi, sa halip na magpahinga na lamang ay dumidiretso ang mga ito sa ospital upang samahan si Justine. Pagkatapos makapagdesisyon ay nanatili silang tatlo na nakaupo sa kanilang puwesto habang pinapanood si Justine. They silently watch her working hard to be able to walk again. They all know that behind Justine’s smile is pain. She was suffering and crying, she’s in pain, and they know that. Gabi na ng magdesisyon ang mga ito na umuwi. Simone insisted na samahan si Justine sa ospital at doon na magpalipas ng gabi. But, Justine insisted that she must go home too. Dahil may pasok pa ang mga ito kinabukasan. Hindi naman magawang kumontra pa ni Simone sa kapatid, dahil ayaw n’yang dagdagan ang stress nito.  And while on her way home, Simone, decided to dial Sean’s phone number to inform him about Justine. Nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin ba o hindi ang tungkol sa kaniyang Ate, dahil ayaw na niyang magkita ang mga ito. Ngunit ayaw naman niyang maging malungkot ang kapatid. After all, napagkasunduan na nila na sabihin kay Sean ang balita, alang-alang kay Justine at para sa mabilis na paggaling nito. She dialed his phone number twice but no one’s answering. That’s why she decided to leave a voice message the third time she dialed his phone number. “Si Ate Justine, nagising na siya. Two weeks ago pa. Dapat sasabihin ko na ito sa ‘yo noong unang araw na nagising s’ya, pero hindi ko ginawa. At alam ko rin naman na alam mo ang dahilan ko. So, don’t you ever misunderstand the reason why I’m telling you this. It was just that Ate Justine wants to see you badly, she’s always looking for you. She’s always asking us about you. Everyday.”  Mariing ipinikit ni Simone ang ang mga mata at lumunok nang marahan. “Kaya naman kung puwede dalawin mo siya. ‘Yon lang, bye,” pagtatapos niya sa voice message na iniwan para sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD