Chapter 1

3045 Words
HABANG abala ang bawat estudyante sa paghahanda para sa kanilang nalalapit na pagsusulit, si Justine at ang kaniyang best friend na si Jean ay abala naman sa kanilang pag-eensayo kasama ang iba pang estudyante’t miyembro ng kanilang school’s track and field varsity para sa nalalapit na district marathon competition. Palubog na ang araw, kulay kahel na ang kalangitan ngunit ang bawat miyembro ng track and field team ay abala pa rin. Tagaktak na ang pawis sa buong katawan at ang mumunting mga butil ay isa-isa nang humahalik sa kanilang mukha mula sa noo patungo sa leeg. Ngunit patuloy pa rin sila sa pagtakbo, hindi alintana ang pagod na mababakas sa kanilang mukha at ang alikabok na dumadampi sa kanilang pawisang balat, kasabay ng paghalik ng malamig na simoy ng hangin sa kanilang katawan. “Okay!” sigaw ng kanilang coach na sinabayan ng pagpalakpak nito. “That’s all for today, students. Maaari na kayong umuwi at magpahinga,” anunsiyo nito na ikinatuwa naman nila. “You’re such an amazing person Jean, alam mo ba ’yon?” masayang sambit ni Justine sa kaibigan habang naglalakad sila pabalik sa locker area, habol-habol pa rin ang hininga mula sa halos ilang oras na paulit-ulit na pagtakbo sa field. “Ha? Paano mo naman nasabi ’yan?” gulat na tanong ng kaibigan habang abala pa rin ito sa pagpupunas ng sariling pawis. Ang kanina’y tuyong T-shirt nila na kulay maroon ay basang-basa na ngayon ng kanilang pawis, patunay ng kanilang walang humpay na pag-eensayo’t dedikasyon sa sports na kinabibilangan. Maging ang buhok ni Justine na kanina lamang ay maayos na naka-pony tail ay magulo na at maluwag na ang pagkakatali. Ganoon din kay Jean na ang buhok na nakatirintas ay magulo na rin, subalit hindi nila alintana iyon, maging ang dumi mula sa alikabok na kumapit na sa kanilang balat at uniporme. “Kasi sa kondisyon natin ngayon, masasabi kong higit kang nakakalamang sa akin, at ako na mismo ang nagsasabi na paniguradong mananalo ka sa darating na marathon kaya naman ’di malayong matanggap ka kaagad sa university na gusto mong pasukan,” proud na proud at masaya niyang sambit sa kaibigan. “That would be nice kung sakaling magkatotoo man ’yang sinasabi mo. Pero, Justine, magaling ka rin naman,” sambit nito habang isa-isang kinukuha ang gamit sa locker. “At alam kong makakapasok ka rin sa university na gusto mong pasukan. And years after that, magiging isa ka nang sikat na author, editor, o kaya naman ay researcher sa isang sikat at malaking publishing company. Sayang nga lang talaga dahil magkaiba tayo ng unibersidad na gusto,” komento pa nito na ikinalungkot ng huli. Matalik silang magkaibigan, at simula nang maging malapit sila ay palagi na silang magkasama kahit pa magkaiba sila ng section. Kaya naman sobrang panghihinayang at lungkot ang naramdaman ni Justine nang malamang magkaiba ang unibersidad na nais nila para sa kolehiyo. Wala ang kurso na gustong kunin ni Justine sa mga kursong mayroon ang unibersidad na nais ni Jean. Kaya labag man sa kalooban nilang dalawa ay magkaiba sila ng papasukan kapag nagkolehiyo na sila at ilang buwan na lamang bago iyon mangyari. “At isa pa di-hamak naman na mas lamang ka sa akin pagdating sa pag-aaral. Kumpara sa iyo na top student, ano na lamang ako na average lang, hindi ba?” pabiro pa nitong sambit sa kaibigan. “Kung sa bagay, tama ka nga naman,” natatawang sagot ni Justine. Lingid sa kaalaman nang dalawang dalagita ay may mga pares ng mata ang nagmamasid sa kanila. Tahimik silang pinanonood nito mula sa malayo magmula nang matapos ang klase sa bawat antas. “Jean!” sigaw ng isang lalaki mula sa di-kalayuan. “O, kayo pala, Chuck at Jayson,” sambit ni Jean nang makita kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan. “Teka? Ano pa’ng ginagawa n’yo rito sa school? ’Di ba, kanina pa natapos ang klase?” nagtataka’t naguguluhan niyang tanong. Dahil sa pagkakaalam niya ay hindi ugali ng dalawa ang maiwan sa eskuwelahan at mas lalo naman ang tumambay rito. “Hindi ba, sabi ko sa ’yo, nandito siya,” bulong ni Chuck kay Sean habang mahina at pasimple nitong siniko ang huli. Sean have a nice built, standing at his five-feet-seven height added more charm at his already charming aura. The first two unbuttoned button of his polo added more appeal at his boy-next-door charm, plus his clean-cut hair made him more appealing.  While Chuck has this Mister Nice Guy but playboy air surrounding him, he was just a few inches shorter than Sean. His polo was unbuttoned, revealing his white statement shirt as his hands were placed inside his pants back pockets as he just stood there lazily. Samantala, sa kabilang banda naman ay natulala’t natahimik si Justine nang makita si Sean. She never talked to him before dahil na rin hindi sila pareho ng klaseng kinabibilangan. Siya ay nasa Class A samantalang sina Jean, Sean, Chuck, at ang kaniyang kakambal na lalaki na si Keith ay nasa kabilang klase, sa lower class or Section B kung tawagin nila. “Teka nga, ’di n’yo pa rin sinasagot ang tanong ko!” pasigaw na sambit ni Jean matapos na padabog na isara ang kaniyang locker. “Both of you, what the hell are you doing here at this hour? Because as far as I know you two, you’ll never stay at school this late,” kunot-noo’t nakapamaywang na tanong ni Jean sa dalawang binata. “Sabing wala lang ’yon,” may pilyong ngiti sa labing sagot ni Chuck. “Bumalik lang kami para kumuha ng reference book at reviewers para sa college entrance exam. Nawala kasi ni Sean iyong sa kanya, eh,” he added, acting like an innocent kid habang abala sa pagsiko sa kaibigang tahimik at walang imik sa kaniyang tabi. “Ano?” gulat na reaksyon ni Sean sa tinuran ng kaibigan nang hindi niya nakuha’t naintindihan ang sinasabi’t ginagawa nito. “Anong nawala ko? Hoy! Wala pa naman talaga akong balak na mag-review para sa entrance exams, masyado ka lang excited na mag-college!” bulyaw pa nito sa kaibigan na nagpaigtad kay Justine sa gulat. “Ito naman, para binibiro ka lang, pikon ka naman kaagad,” natatawang sambit naman ng huli. “Palibhasa’y nakita mo yung crush mo,” bulong pa nito na sapat naman para marinig ni Sean. Naguguluhan namang nagpapalit-palit ang tingin ni Justine sa dalawang binata. “Sean!” ang nauubong sambit ni Chuck nang bigla na lamang ilingkis ni Sean ang braso nito sa leeg niya. “Hindi na ako makahinga,” mahina niyang bigkas habang pinipilit na kumawala braso ng kaibigan. Habang nagpupumiglas si Chuck, hindi naman maiwasan ni Justine ang mag-alala para dito while Jean was happily watching them, she was even giggling. Walang kahit na kaunting pag-aalala ang makikita sa mukha nito habang pinanonood ang dalawa. “Jayson,” ang mahina niyang sambit. Nakatago pa rin siya sa likuran ni Jean, nakayuko’t nilalaro ang mga daliri. “Bitiwan mo na si Chuck. Mukhang namumutla na siya, o,” puno ng pag-aalala niyang sambit. “Paano na lamang kapag namatay siya, anong gagawin mo?” “Huh?” sabay na tugon ng dalawa at sabay rin ang mga ito na napalingon sa direksyon niya. Kaya naman kinuha ni Chuck ang pagkakataon na iyon upang makawala sa pananakal ng kaibigan. “What are you doing at my back, Justine?” kunot-noo’t napapangiting tanong ni Jean. “Dito ka nga,” dagdag pa nito nang hilahin siya ng kaibigan papunta sa harapan nito. “They won’t eat you, so you don’t have to be scared, okay?” sambit pa nito nang marahang tapikin ang kaniyang likod. “Oo nga, Justine,” masigla namang sambit ni Chuck. “At saka don’t worry, ’di naman ako ganoon kadaling mamatay, ano!” pagmamayabang pa nito. “Hindi ako papayag na sa kamay ng ungas na ito ako mamatay,” ang may nakakalokong ngiting sambit pa ni Chuck habang ang isang daliri ay nakaturo sa kaibigan. “Ano ’yon, Chuck? Gusto mo ng isa pa?” singhal ni Sean sa kaibigan habang nakapamaywang pa. “Tumigil na nga kayong dalawa,” mariing suway naman ni Jean sa dalawa. “Justine is scared because of you guys.” “Okay lang ako, Jean,” Justine assured her friend bago bumaling kay Chuck. “Ikaw ba, Chuck, sigurado ka bang okay ka lang?” may bahid pa rin ng pag-aalala niyang sambit. Chuck assured her na ayos lang talaga ito’t walang dapat ipag-alala. Samantalang pinangaralan naman niya si Sean sa inasta nito’t isang tipid na ‘okay’ lamang ang kibit-balikat nitong naging tugon sa paalala’t pangaral niya. “Bilisan na nating maglakad, maggagabi na, o,” reklamo ni Jean nang mapansing nahuhuli na siya. Habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad pauwi sa kani-kanilang tahanan, a very familiar guy wearing the same school uniform as them came walking towards their direction. “Aisha!” that guy shouted while waving his left hand and flashing his cute boyish smile at them. “Aisha?” nagtatakang sambit nina Chuck at Sean na parehong nakakunot ang mga noo. Iniisip kung sino ang Aisha na tinutukoy nito. “Ako ’yon,” sagot ni Justine sa mga nagtatanong at naguguluhang utak nina Sean. “Justine Aisha Green ang full name ko,” dagdag-impormasyon pa niya bago ibalik ang atensiyon sa paparating na binatang nasa kanilang harapan na ngayon. “Bakit ngayon ka pa lang uuwi?” seryoso ang mukha at sa unang tingin ay aakalain mong masungit at istrikto ang kaharap. “Past six p.m. na, o!” anito habang nakaturo ang hintuturong daliri sa kaniyang pambisig na relo.  “At saka bakit kasama mo sila?” tanong pa nito habang seryoso pa rin ang mukha na nakatingin sa mga kasama niya. “Yo! Keith,” bati ni Chuck habang nakataas pa ang isang kamay at malawak na nakangiti sa bagong dating. Hindi naman nito pinansin o nilingon man lamang ang huli sa halip ang atensyon ay nakatuon pa rin kay Justine. “Hindi ba, nasabi ko na sa ’yo, Kuya, na may practice kami para sa marathon competition?” panimulang paliwanag ni Justine. “Tapos noong pauwi na kami, nakasalubong namin ni Jean sina Jayson kaya sabay na kaming umuwi,” paliwanag niya pa sa kapatid. Umaliwalas naman at lumambot ang kaninang matigas na ekspresyon ng binata. “Kuya?” puno ng pagtatakang sambit ni Chuck. “Magkapatid kayo ni Keith?” tanong pa nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Keith. “Oo, magkapatid kami,” kalmadong sagot ni Keith na ngayon ay nakapamulsa na. “And to be exact, we are twins. Thus, Aisha is my younger twin sister,” paliwanag pa nito na nagpa-‘oh’ naman kay Chuck. “Tara na, Aisha,” muling tawag sa kaniya ni Keith bago nito kunin mula sa kamay niya ang isa pa niyang bag na naglalaman ng kaniyang varsity uniform.  “Umuwi na tayo. Naghihintay na sina Mama.” “Okay, Jean. Paano ba ’yan, mauna na kami,” mahinang paalam niya sa kaibigan. “Okay, magkita na lang tayo bukas sa school,” sagot naman nito habang kumakaway sa kanila. Hindi na niya nagawa pang magpaalam kina Sean at Chuck dahil hinila na siya ng kakambal palayo sa mga kasama. “Tell me, Aisha, gusto mo pa rin ba si Sean?” Keith asked all of a sudden habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang paglalakad. “Ha? Oo, Kuya, bakit mo natanong?” gulat at kinakabahan niyang tanong. “Wala lang. Naisip ko lang kasi na baka gusto mo nang aminin sa kaniya ang nararamdaman mo,” ang kibit-balikat na sagot nito sa kaniya matapos siyang lingunin mula sa pagkakayuko’t tahimik na pakikinig sa kung ano pa man ang sasabihin nito. “At kung sakali namang gusto mo ngang umamin sa kaniya ay susuportahan kita,” dagdag pa nito bago muling ibaling ang atensyon sa dinaraan. “Tutal naman, kilala ko si Sean. Mabait siyang tao kaya panatag ako sa kaniya.” “Kuya! Thank you!” she shouted, full of happiness, as she hugged his arms tightly. Masaya si Justine dahil naiintindihan at sinusuportahan ng kaniyang kakambal ang lihim niyang nadarama para sa kaibigan nito. Hindi lamang magkapatid o magkakambal ang turingan nila ng kapatid kundi best friends. Nasasabi nila sa isa’t isa ang mga lihim nila at nadarama na hindi nila masabi sa magulang o sa kung sino pa man. Siguro, ganoon na lamang ang closeness nila dahil sa kambal sila. Simula noon pa man ay sila na ang palaging magkasama’t sanggang dikit sa lahat ng bagay. Nagsisilbing sandalan nila ang isa’t isa ano man ang mangyari. Mga freshman pa lamang sila ay napukaw na agad ni Jayson Sean Ferrante o Sean ang atensyon niya. Tulad lamang siya ng mga normal na teenager at normal lamang na magkaroon siya ng crush sa edad nila. Wala namang masama kung may magustuhan siya o magka-crush siya dahil ’ika nga ng kanilang mga magulang, ang crush ay paghanga lamang. Ngunit sa paglipas ng mga buwan at taon ay ang mumunti at batang damdamin na kaniyang nadarama ay tila lumalalim nang lumalalim nang hindi niya namamalayan man lamang.  At isang araw nga ay namalayan na lamang niya na hindi na simpleng paghanga lamang ang nadarama niya para sa binata. Na hindi na ito simpleng atraksyon lamang. Na ito ay higit pa roon. Isang malalim na damdaming hindi niya mahinuha kung ano. Kung matatawag pa ba itong infatuation, pagkagusto, o mas higit pa roon. Ngunit ang kaniyang batang puso ay takot pang aminin ang nadarama at takot pang harapin kung ano man iyon. Sa ngayon ay masaya at kontento na siyang masilayan sa bawat araw ang binata. “Pero teka lang, Kuya,” pukaw niya sa atensyon ng kapatid na tila malalim ang iniisip at may sariling mundo. “Kumusta na nga pala kayo ni Arlene? Hindi na kasi siya nagpupunta sa bahay lately. Nag-away ba kayo?” “Si Arlene ba?” ang nagbabalik sa realidad na tugon nito. “You don’t have to worry, hindi kami nag-away,” paniniguro nito sa kaniya. “Busy lamang siya lately dahil nagkasakit ang mama niya kaya siya na muna ang nagbabantay sa grocery store nila. I even told her that I will help her, but she insist na kaya na niya ’yon at nirerespeto ko ang desisyon niya. But then, as her boyfriend, I can’t ignore it,” mahabang paliwanag nito. “Kaya kahit ayaw niya ay tinutulungan ko pa rin siya sa store nila. Kaya ayun, wala na siyang magagawa pa. Pumayag na din siya na tumulong ako.” May mumunting ngiti at kislap sa matang masasalamin sa kaniyang kapatid. Patunay na mahal nito ang nobya’t importante ito para sa kapatid. “Ganoon ba? So, ibig sabihin, galing ka sa kanila ngayon?” curious niyang tanong. “Oo, kaya ’wag ka na ngang sumimangot diyan dahil wala kaming problema ni Arlene,” ang natatawang sambit ng kakambal habang ginugulo ang kaniyang buhok. Kaya naman mas napasimangot siya nang husto. Simula kasi nang makilala niya si Arlene ay botong-boto na siya rito para sa kapatid. Saksi rin siya kung paanong sinuyo’t niligawan ng kaniyang kakambal ang babae. Kung kaya naman sa tuwing nag-aaway o may hindi pagkakaintindihan ang dalawa ay ’di maiwasang naaapektuhan din siya. Masyado nang napalapit sa kanya si Arlene at halos kapatid na rin ang turing niya rito. Ganoon din ang mga magulang nila na kung ituring ito ay para na nila itong anak, na madalas na ipagselos at ikatampo naman ni Keith sa mga magulang. “Tara na, bilisan na nating maglakad, nagugutom na ako,” patutsada pa nito na halata namang pinariringgan siya ng kakambal habang hinihimas ang tiyan nitong kumukulo na raw dahil sa gutom. Natawa na lamang siya kapatid. Minsan masungit ito, minsan mabait, minsan maloko, at ngayon naman ay makulit. “SEAN, puwede ka bang makausap mamaya after class?” tanong ni Keith sa kaeskuwela matapos ang kanilang first period para sa araw na iyon. “Sa basketball court.” “Okay,” simpleng tugon nito kahit na naguguluhan at nagtataka kung bakit gusto siya nitong makausap. Mukhang importante ang pag-uusapan nila base na rin sa seryosong ekspresyon ng mukha ni Keith nang kausapin siya nito. Ano kaya’ng pag-uusapan namin at kailangan pang mamaya kami mag-usap?. Gaano ba ’yon kaimportante at kailangang mamaya pa kung pwede namang ngayon na lang? tanong ni Sean sa isip niya. And as what they had talked about and agreed on, Sean headed to their school basketball court after class, but Keith wasn’t there. Instead, Justine was there. “Justine? Ano’ng ginagawa mo dito? Nasaan si Keith?” nagtataka at nagugulumihanan niyang tanong habang ang mata ay ipinalilibot sa buong court, naghahanap ng bakas ni Keith kung naroon na ba ito. Nauna kasing lumabas ng kanilang classroom si Keith kaya alam niyang imposibleng wala rito ang kaibigan. Maliban na lamang kung . . . “Ano kasi, Jayson . . .” ang nauutal na sambit ni Justine. “Ano ’yon?” kunot-noo niyang sambit kahit pa may ideya na siya sa utak niya sa kung ano ang maaaring sumunod na mangyari. “I like you!” pikit-matang sambit nito. “Gusto kita, Jayson,” muli nitong sambit habang nakatungo pa rin ang ulo’t hindi magawang titigan ang lalaki na nasa kaniyang harapan. Hindi alam ni Sean kung ano ba ang dapat sabihin sa ganitong pagkakataon. Tila naputulan siya ng dila’t nablangko ang kaniyang isipan. “Justine, ano kasi . . .” tangi niyang nasambit matapos ang halos isang minutong katahimikan. Ang pinakamatagal at mahabang isang minuto ng kanilang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD