“Ada, ayos lang ba kung umuwi na ako? Medyo masama kasi pakiramdam ko.” Pagsisinungaling niya nang dumiretso siya dito pagkalabas niya sa opisina ni Aaron. She was even crossing her fingers while silently praying that Ada would buy her lie. “Okay, you may go now. Alas-singko na rin naman na kaya puwede ka ng umuwi.” Nakangiting tugon ni Ada, matapos sandaling tumingin sa digital clock na nasa sentro ng kanilang opisina. Hindi naman mapigilan ni Justine, ang munting ngiting sumisilay sa kaniyang labi bago magpasalamat at magpaalam sa iba pang kasamahan. “That idiot! Ano bang problema niya? Ang sarap niyang ibaon sa lupa ng buhay.” Naiinis na bulong ni Justine, sa sarili habang papalabas ng opisina. “Mabuti pa siguro mag-ikot na muna ako sa bookstore, pampawala ng inis.” She mumbled to h

