“Mama, papasok na po ako!” Justine shouted as she ran towards their front door. “Okay, ingat ka.” Time flew faster than Justine, could think of. It was already the first day of the second semester as a third year student. At halos pitong buwan na rin ang lumipas mula nang nagk ayos sila ni Aaron, at ngayon iba na nga talaga ang tingin niya sa binata. Dahil ngayon para sa kaniya ay isa na itong mabait at masayahin na boss. Kaya lang, masungit pa rin talaga ito kung minsan, at mahigpit talaga ito pagdating sa trabaho. Malaki ang pasasalamat niya na pinakinggan nito ang hiling niya na manatili na muna silang magkaibigan, habang patuloy niyang inaalam sa sarili kung ano nga ba ang binata para sa kaniya. May puwang na ba itong naukopa sa kaniyang puso? At ano ang ibig sabihin ng mga kakaibang

