“Dapat lang naman sa akin ‘to, hindi naman kasi ako karapatdapat sa pagpapatawad mo.” Puno ng lungkot at pagsisisi ang boses ni Sean.
“Look, Sean! Bumulaklak na ang mga tulips,” Pilit na pinasigla ni Justine, ang kaniyang boses. “Ang ganda ng mga bulaklak, look!” Paglilihis niya sa usapan dahil hindi na niya kayang makita ang lalaking minamahal na nakaluhod sa kaniyang harapan, mas nahihirapan at nasasaktan lamang siya para rito.
“Oo ang ganda nga ng mga bulaklak.” Malamya ang boses na sambit ni Sean, nang lingunin nito ang mga bulaklak na itinuturo ni Justine. “Gusto mo ba? Ipipitas kita.” Naiilang na pagpapatuloy niya pa kasabay ng kanyang pagtayo mula sa pagkakaluhod.
“Talaga! Sure, I want one,” Justine said, smiling at him brightly as if she’s not in pain.
He picked one purple-colored tulip, and again they remained silent for a minute until Justine decided to break the ice between them.
“Hey! What are you doing, Justine?” Gulat na usal ni Sean, nang makitang marahan na tumatayo si Justine, mula sa wheelchair nito.
“Don’t move! I can do this!” Maagap na pigil niya sa binata na handa na siyang tulungan. “What’s the use of all of those therapies, if I can’t do this one. Kaya hayaan mo na muna ako, Sean.” Pakiusap niya.
She tried to stroll even though it was hard. She kept taking a step little by little until she made it up to the fountain located at the center of the garden. She turns around to face Sean, smiling while hiding her tears that were bound to fall.
“See? ‘Di ba sabi ko na sa ‘yo na kaya ko.” She said as her bright smile turned into a faint smile. And even though her legs are shaking, she still keep standing straight while she tried her best to brighten up her smile to hide everything, and to mask her misery.
“Pero hindi mo dapat puwersahin ng husto ang sarili mo, baka kung mapaano ka pa.” Nag-aalalang paalala ni Sean, habang unti-unti siyang lumalapit sa dalaga. “Tingnan mo nanginginig na nga ‘yang tuhod mo, oh.” He continued as he hold her shoulders to support her from falling down.
“O-okay nga lang ako.” Nauutal na protesta ni Justine, habang pilit na ipinapakita sa binata na kaya niya, na kaya na niyang tumayo sa sariling paa ng walang kahit na anong suporta at alalay.
“Pero Justine-”
“Tell me Sean, mahal mo ba talaga si Jean?” She asked to cut him off before he could finish his sentence. Dahil ayaw na niyang patagalin pa ang pag-uusap nila. Masyado na siyang nahihirapan at nasasaktan. At habang mas tumatagal na kausap niya ito, at habang nasisilayan niya ang mga mata nito ay mas lalo lamang niyang na kukumpirma ang lahat.
“Justine-”
“Akala ko puwede pang maging maayos ang lahat.” She cut him off again. “Sa kabila ng mga nangyari, akala ko puwede ko pa rin maging matalik na kaibigan si Jean. Just like how we used to be before. Inisip ko na ayos lang ang lahat, na puwede pang bumalik ang lahat sa dati, pero hindi na, ‘di ba?” She continued before her tears started falling through her eyes, no matter how hard she tried to stop it from cascading down like water falling from a waterfall.
“Kaya naman, Sean.” She softly called his name after she gulped down the lump building in her throat to make her tears stop from falling. “I want you to be honest with me, is that okay?” She continued as she slowly walked towards the fountain’s edge to take a seat because her legs were starting to feel numb. At ano mang segundo ay maaari na siyang matumba.
“Sabihin mo mahal mo ba talaga siya?” Pigil ang mga luha niyang tanong, kahit pa na alam na niya ang maaaring kahinatnan ng kaniyang tanong. “Na wala na akong puwang d’yan sa puso mo?” She finally said the question she wanted to ask him before, but, she’s afraid to do so.
“Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal.” Walang pag-aalinlangang sagot ng binata na dumurog ng tuluyan sa wasak at sugatan na niyang puso. Ang dati ay pira-pirasong puso ay mas lalo pang nagkapira-piraso at dinurog ng pinong-pino ng sagot nito.
“Kung hindi dahil sa kaniya baka hanggang ngayon lugmok na lugmok pa rin ako. Nandoon siya noong mga panahon na nahihirapan ako. At ngayon siya naman ang nahihirapan at nagdudusa dahil sa akin. Hindi ko man lamang napansin na nasasaktan ko na pala siya. . . Kahit na magkasama kami ang isip ko naman ay nasa iba, inisip ko noon at napagdesisyunan ko na dapat kitang samahan. Na dapat lang na nasa tabi mo ako, na responsibilidad kita, pero hindi ko man lang napansin at naramdaman na nasasaktan ko na pala siya. Na nahihirapan na siya ng dahil sa akin.” Pagpapatuloy ni Sean.
“Gustuhin ko man na ibalik pa siya sa akin, na magkabalikan kami at ayusin ang aming relasyon para bumawi sa kaniya sa lahat ng nagawa ko. Pero mukha yatang imposible na ‘yon dahil siya na mismo ang kusang umiiwas sa akin. Siya ang unang bumitaw. . . Masakit, pero anong magagawa ko? Dapat lang naman ito sa akin. Kasalanan ko rin naman ang lahat, kasi gago ako at naging manhid sa nararamdaman niya.” Dagdag pa niya nang may munting patak ng luha ang umagos sa kaniyang mata.
“Paano kung hindi ka na niya bigyan pa ng second chance?” Justine asked out of curiosity as she tighten her grip on the flower she was holding. Pilit niyang nilalabanan ang mga emosyong nais kumawala sa kaniyang mga mata.
“Gagawin ko pa rin ang lahat. Even if t might take a long time, or even if it takes my whole life. Because, I realized that I can’t live without her. It feels that my life is meaningless without her. . . I’m sorry, Justine. I can’t stay, and stand by your side anymore. I’m really sorry.” At tuluyan ng pumatak ang mga luhang pinipigil ng binata, dahil ayaw nitong makita niya itong lumuluha.
“Is that so?” She said emotionless as she slowly walked towards him, little by little.
“I’m sorry.” Muling sabi ni Sean.
“There you go again, saying your sorry. Sean, I already told you na natanggap ko na ang sorry mo kaya hindi mo na kailangang mag sorry pa, okay?” Mapaklang ngumiti si Justine, sa binata ng abutin niya ang mga palad nito. “I just realized na limang taon na nga ang lumipas at masyadong mahaba ang lumipas na limang taon. Marami na ring nangyari sa nakalipas na mga taon. And no matter how hard I tried my best, hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Hindi na ikaw ang Sean, na minahal ko.”
At muli ay namuo ang mga luhang pilit na pinipigil ni Justine, ang kaniyang boses ay unti-unting gumagaralgal kasabay ng paghigpit ng kaniyang pagkakahawak sa kamay ni Sean, na para bang naroon ang kaniyang lakas.
“Dahil ang Sean, na ‘yon ay matagal ng nawala kasama ang pagmamahal niya sa akin noon. At wala na akong magagawa pa doon dahil sa panahong lumipas sinikap mo na mabuhay kahit wala ako. At sa mga oras na ‘yon tanging si Jean, lang ang nasa tabi mo. Dahil doon minahal mo na rin siya, hindi lamang sa kung sino siya ngunit maging sa kung ano pa man siya. You accepted her weakness and failures, and you understands her. Kaya naman, Sean, I’m sorry. I’m sorry for leaving you behind. . . I’m really sorry.” And then her tears starts to fall again. Tila isang gripo na sa isang pihit mo lamang ay aagos na ang tubig.
“Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Justine. Ako naman ang may kasalanan ng lahat-”
Sean was cut off from what he was saying when Justine shut him up by kissing him on his lips. She knew that she was such a terrible, and stupid person for kissing her bestfriend’s man. But, at least for the last time she can show, and let him know how much she loves him.
“B-bakit mo ginawa ‘yon, Justine?” Naguguluhang tanong ni Sean, ilang segundo matapos siyang halikan ni Justine.
“To say goodbye.” She just casually said, as if she didn’t do anything at him. “You may consider that as a farewell gift.” She added with a fake smile on her face.
“What do you mean?” Kunot-noo at naguguluhang tanong ni Sean.
“Because I’m letting you go now, Sean.”
Hindi makapaniwalang napa-awang ang bibig ni Sean, dahil sa narinig mula kay Justine.
“Napagtanto ko na masyado pa tayong mga bata noong mga panahon na ‘yon. Were just teenagers at that time. Hindi pa natin alam ang lahat at mas pinapangunahan tayo ng impulsive decisions natin. Nagpapadala tayo sa nararamdaman at iniisip natin. Ngayon hindi na tayo ‘yong high school students at seventeen years old na Justine, at Sean, though I lost my time. Marami na ang nabago kaya oras na rin para pakawalan ko ang mga bagay na hindi ko na hawak. At matagal ng nawala sa mga kamay ko sa paglipas ng panahon. . .”
“I shouldn’t keep on holding onto you anymore. Dahil pare-pareho lang tayong nasasaktan at patuloy na masasaktan kung sakali. Na-realize ko kasi na walang saysay kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa ‘yo, kaya naman ako na ang magpaparaya. Tutal si Jean, naman na ang mahal mo at alam kong patuloy mong mamahalin.” Sandaling huminto sa pag sasalita si Justine, nang marahan niyag pinunasan ang sariling luha, habang si Sean, ay tahimik na nakikinig sa bawat salitang kaniyang bibitawan.
“Sabihin na natin na nagising na ako sa isang napakahabang panaginip. And that dream was a beautiful one. A dream that I will cherish for the rest of my life. Thank you for being part of that dream. Everything about us will be just a dream. I’ll treat, and cherish all of our memories together as if it was just dream. Dahil ngayon ay oras na para gumising ako at imulat ang aking mga mata mula sa panaginip na ‘yon. Panahon na para harapin ko ang mga susunod na araw na walangi Jayson Sean Ferrante, sa aking tabi at minahal ko five years ago. Ito na ang panahon harapin at tanggapin ang katotohanan.”
Muli ay ngumiti siya ng mapait sa binata. Mahirap man ay papakawalan na niya ito at hahayaang maging masaya sa piling babaeng mas makakapagpasaya at nagmamahal dito. Sa kaniyang kaibigan na si Jean.
“Justine. I don’t know what to say.” He was shocked by what he had just heard.
“This is where I, we, have to say good bye, and be on separate ways.” Mahinang sambit ni Justine, nang iangat niya ang isang kamay upang haplusin ang pisngi ni Sean, na ngayon ay may mumunting luha pa rin ang pumapatak.
“I guess this was our end, and this is where our story will end. Mahal kita Sean, mahal na mahal.” Justine said with full emotion as she stared at Sean’s eyes. She’s cherishing the last moment she can stare at him.
“But, I’m not the right girl for you, and you’re not the right man for me too. We both happen to come across each other's life to teach us how it was to love, be loved and to get hurt. Kasi hindi naman tayo masasaktan ng ganito kung hindi tayo nagmamahal.” Justine gulped the lump on her throat while her tears was still cascading down from her eyes.
“Kaya naman, Sean, I want to ask a favor from you.”
“Ano ‘yon?” May mga kislap sa matang tanong ni Sean, sa kabila ng mga luhang pumapatak.
“I want you to cherish and love Jean, for the rest of your lives. I want her to be happy, after all she’s my best friend.” Pilit na sambit ni Justine sa pagitan ng paghikbi niya.
Nahihirapan man na magsalita dahil sa p*******t ng dibdib at paghikbi ay ginawa pa rin niya. Masakit man na pakawalan ang lahat-lahat ay pilit niyang kinakaya.
Sandali namang napatulala sa kaniya si Sean, pilit na pinoproseso sa utak kung tunay ba ang lahat ng narinig niya at hindi siya pinaglalaruan lamang ng kaniyang isipan at pandinig.
“I will. T-thank you, Justine.” Nauutal na sabi niya nang makabawi siya sa gulat at pagkamangha. He even pulled her towards him to hug her tightly, because he knew that this might be the last time he could be this close to her.
He was caging her into his tight hug when Justine suddenly took something from her pocket. Her cellphone, and place it beside her ear.
“Hello? . . . Sige na puwede na kayong pumunta dito.” Justine said and instructed to the person at the other line.
“Sinong kausap mo?” Sean asks curiously and confused upon hearing her one sided conversation over the phone.
“It’s a surprise.” Malawak ang mga ngiti sa labing sagot nito, ngunit kahit na gaano pa kalaki at lapad ang ngiti ni Justine, ay hindi nakikita sa mga mata ni Sean, ang lungkot na nagtatago sa likod ng bawat ngiti niya.
Sandali pa silang nanatili sa hardin. At isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Pareho nilang pinakikiramdaman ang bawat isa matapos ang madamdaming pagtatapos nila sa kanilang relasyon. Tahimik lamang na nakaupo si Justine, sa kaniyang wheelchair habang pinaglalaruan ang bulaklak na pinitas ni Sean. Samantalang si Sean, naman ay nakatulala lamang sa tubig na umaagos mula sa water fountain na napaliligiran ng mga namumukadkad na bulaklak.
“Oh! Nandito na pala sila.” Justine exclaimed as she saw the person she called over earlier over the phone walking behind Sean.
“Chuck? Jean? Anong ibig sabihin nito?” Naguguluhang tanong ni Sean, nang makita kung sino ang dumating.
“Jean, narinig mo naman siguro ang pinag-usapan namin ni Sean, ‘di ba?” Walang patumpik-tumpik pa na tanong ni Justine kay Jean, na tumango lamang bilang sagot sa kaniyang tanong.
“Kung ganoon iiwanan na namin kayong dalawa ni Sean, para makapag-usap kayo.” Justine continued, as she keep on ignoring the confuse, and questioning pair of eyes that was settled on her as she maneuvered her wheelchair.
“Teka lang Justine!” Pigil ni Jean, bago pa man siya tuluyang makalayo. “Thank you, and I’m sorry.” Mahinang sambit ni Jean, nang lingunin niya ito.
Justine can see the sincerity, sadness, and guilt in Jean’s eyes. She just smiled at her as a reply before she and Chuck left the two to talk and fix things between them. Chuck helped her by pushing her wheelchair as they went back to her room.
“Are you sure about it Justine?” Kuryosong tanong ni Chuck, nang makalayo na sila sa dalawa.
“Oo naman. I already told you, ‘di ba? Everything that happened was just like a dream for me now. And I’m already awake from that dream. At isa pa ayokong pahirapan pa ang mga sarili namin. That’s why I gave way for them. Dahil kung hindi ko ‘yon gagawin ay pare-pareho lang kaming patuloy na masasaktan at magiging miserable. At least, I know na sa pag paparayang ginawa ko ay may dalawang pusong magbubuklod at magiging masaya. Kahit pa na ang kapalit nito ay ang pagkawasak at durog ng sarili kong puso.” Walang pagaalinlangang sagot niya.
She asked Chuck a favor the day when he visited her. She told him that if ever, and if possible when Sean visits her, he will help her reconcile those two. She will text him if Sean sees her so he can fetch Jean, and then they will head to the hospital as fast as he can. And while they were talking, he called Chuck so that Jean would hear what they were talking about and what Justine was about to say. Justine’s hoping that through it, she will come back to Sean. And that’s the story of why they were there, standing in front of each other.
At mula sa bintana ng kwarto ni Justine, ay nakikita nila ni Chuck, na nagkaayos na ang dalawa dahil magkayakap na ang dalawa nang makarating sila sa kaniyang silid. She’s genuinely happy seeing them reconcile, and she’s sincerely happy for the both of them. Even though, deep inside ay nasasaktan siya, nadudurog at nagdurugo ang pusong sugatan. Ngunit alam niya na makakayanan niya ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanyang buhay. She knew that she can go through it because she still have her family with her, her family who loves her and supports her for whatever her decisions are.
“Darating din ang lalaking para sa ‘yo. At kapag dumating na siya sa buhay mo isa ako sa mga taong magiging masaya para sa ‘yo.” Chuck said as he stand beside her to watch Sean, and Jean happily giggling at each other while they intertwined their hands together.
“Alam ko Chuck, at ikaw din. Darating din ang babaeng nakalaan para sa ‘yo.” Tugon niya rito nang pihitin na niya ang kaniyang wheelchair patungo sa kaniyang kama. Masyado nang maraming nangyari sa loob lamang ng isang araw at pakiramdam niya ay naubos ang lahat ng kaniyang lakas.
“This was just your first heart break, Justine. For sure darating din ang lalaking inilaan para sa ‘yo. Everything you’ve pictured out before for you, and Sean’s future will be just a dream now. It will remain as a dream, a beautiful but painful dream. Your dream to have your own family like your parents still have a long way to go, bata ka pa. Marami pa ang puwedeng magyari sa paglipas ng panahon.” Usal ni Justine sa kaniyang isipan bago tuluyang makatulog dala ng kapaguran. She’s tired both mentally and physically.