“I would like to apologize for my actions and for what I did to you few weeks ago.” Muling nabalik ang atensyon ni Justine sa realidad nang magpatuloy ang binata sa pagsasalita. “I want to say sorry. Ikaw naman kasi, talaga bang hindi mo na ako matandaan, o, kahit naaalala man lang?” He continued. “Kung sabagay eleven years na rin ang nakalipas mula ng huli tayong nagkita.” Sagot ni Aaron, sa sariling tanong. Dahil nanatiling walang imik si Justine, at nakatitig lamang ang dalaga sa kaniya. “Fourteen-years old pa lang tayo ng mga panahon na ‘yon.” Muli ay humugot ito ng hangin at marahang ibinuga ‘yon. “Tungkol naman sa sinabi ko na, I’m going to make you say that you’ll love me too, just forget it.” Nanatili lamang si Justine na tahimik, ngunit ang noo naman ay nakakunot na tila naghah

