“May punto rin naman si Meggan. Pina imbestigahan na naming ang black market at wala kaming makitang koneksyon nila sa mga nangyayari. Sa ngayon ito lang ang lead na meron tayo.” Wika Nang general at initusan ang dalaga sa harap nang computer na ibigay sa walo ang isa pang folder. Lamang noon ang mga profile nang 6 pang dalagang nawawala. Noong nakaraang 6 na buwan sabay sabay na nawala ang 10 dalaga. Noong isang buwan lang nila nakita ang bangkay nang apat. Sa ngayon may anim na biktima pa ang hindi nakikita at ito ngayon ang unang misyon nang bagong task force Guardians. Kailangan nilang mahanap ang anim na dalaga bago pa may sumunod na mamatay sa kanila kung paano at kung saan nila hahanapin ang mga ito hindi pa nila alam. “Hunter. I trust you can help with this case. Your skill is e

