Chapter Three
Greatest Love
Nagpahinga ako, nagpakatatag at pinilit na maging masaya para lang hindi na mag-alala sa akin ang mga magulang ko kahit na alam kong imposible iyon lalo na ngayong malaki ang bayarin namin sa hospital.
Dalawang araw na lang ay ililibing na si Wade kaya gano'n na lang ang pagsunod ko sa mga utos ng magulang ko para gumaling kaagad.
The day before he'll put to rest, hindi ko na naiwasang humingi ng tulong dahil sa pagkakataong 'yon ay hirap na akong magpakatatag.
"Naku, hindi ka pwedeng umalis ng hospital Anastasia."
"Pero ang sabi ay pwede na naman na akong lumabas, 'di ba? Magaling na naman ako, Ate Nurse Juna."
"Hindi ka pa pwedeng lumakad. Makakasama kapag bibiglain mo ang katawan mo."
"Kaya nga ako nanghihiram ng wheelchair, please? Gusto ko lang puntahan si Wade dahil bukas ay hindi ko na siya makikita. Please... Hindi pa ako pormal na nakakapag-paalam sa kanya. Kahit sandali lang. Sandaling-sandali lang talaga. No one needs to know." naluluha ko nang pagmamakaawa.
Hindi ko man sigurado kung kakayanin kong makita si Wade na wala nang buhay pero desidido na ako. I just wanted to say thank you to him for saving my life.
"Please?" hinawakan ko na ang kamay ni Nurse Juna. "I just wanted to say good bye, nagmamakaawa po ako..."
Huminga siya ng malalim at agad na pumunta sa pintuan. Siniguradong sarado iyon.
"Dalawang oras lang ang kaya kong ibigay sa 'yo ngayon, Tasia. Kung hindi ko lang talaga naging kaibigan ang kuya mo noon ay hindi kita papayagan."
Napangiti na rin ako sa kabila ng mga luha sa aking mata. I remember that, too. Kaya nga siya ang hiningan ko ng pabor dahil alam kong maiintindihan niya ako.
"Saglit lang, kahit sa huling pagkakataon na lang, Ate."
"Okay, pero paano ka pupunta ro'n? Hindi naman kita pwedeng samahan. May duty ako."
"My friends will fetch me later. Nasabihan ko na sila."
"Sigurado kang kaya mo?"
Tumango ako at pilit na pinatatag ang sarili.
"Kakayanin ko."
Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango. Maya-maya ay dala na niya ang wheelchair at inalalayan akong maupo doon.
Napangiwi ako sa kirot ng mga paa ko, pero hindi ko na iyon ininda. Ang mahalaga ngayon ay mapuntahan ko si Wade.
"Sigurado kang kaya mo?" nag-aalalang tanong niya ulit ng makaupo na ako sa wheelchair.
Tumango ako kaagad.
"I really wanted to do this."
"Oh sige, basta kapag tinawagan kita ibig sabihin bumalik ka na, ha? Naghihintay pa tayo ng result sa huling test mo."
"Thank you, Ate Juna. Thank you talaga."
Isang tango na lang ang isinagot niya sa akin. Tinawagan ko ang mga kaibigan kong gaya ni Ate Juna ay marami ring pag-aalinlangan sa gusto kong mangyari, pero wala na ring nagawa kung hindi ang tulungan ako.
"Sigurado kang kaya mo na, Tash?" si Summit na nasa driver's seat at nag-aalalang sumulyap sa akin gamit ang rear view mirror.
"I can do it."
"Sure ka talaga?" si Glacer naman na nasa tabi ko. "Sa malayo lang tayo, ha?" dagdag niya ng umalis na kami sa hospital.
"No, I want to see Wade kahit ilang segundo lang."
Naramdaman ko ang bahagyang pagpreno ng sasakyan para muli silang magtitigan.
"Please?"
"Pero nando'n ang pamilya niya."
"Sandali lang." giit ko.
Their eyes battled for a solid ten seconds before they both gave up. Alam nilang hindi na ako mapipigilan ngayon.
The place were crowded when we arrived. Lahat ng tao ay nakasuot ng itim maliban sa aming tatlong rainbow ang kulay. Ako na naka-green , si Summit na naka-yellow at si Glacer na naka-blue. Matapos nila akong tulungang makababa ay pumasok na kami sa loob.
Sa b****a pa lang ay kumawala nang muli ang mga luha ko. Everyone was minding their own business.
"Kaibigan namin si Wade, kuya guard. Narito kami gabi-gabi. My parents are inside." paliwanag ni Glacer sa gwardiyang humarang sa amin kaya wala nang nagawa kung hindi ang patuluyin kami.
Para akong mabibingi sa sarili kong puso. Sa dulong upuan muna kami pumwesto lalo na ng makita ang pamilya ni Wade na nasa unahan.
"Naku, paano 'yan? Hindi ka makakalapit, Tasia." kinakabahng bulong ni Summit sa aming dalawa.
I am not welcome here and I am aware of it, but I really wanted to say good bye to Wade. Wala namang may gusto ng aksidente lalong-lalo na ako. Isa rin ako sa nawalan kaya siguro naman ay karapatan ko ring magpaalam sa kanya. I know he would be so happy to see me for the last time, too.
My Wade... kumurap-kurap ako ng matulala sa kabaong na nasa harapan. Akala ko kanina nakaipon na ako ng lakas pero ngayong nakikita ko na kung nasaan siya ay parang unti-unti akong nauupos.
"Let's buy time. Hindi naman siguro sila habang buhay diyan." Si Summit kaya bumalik ang atensiyon ko sa kanila.
"But she only have two hours. Tasia needs to go back to the hospital before anyone notices."
Hindi ko na sila inintindi, nanatili ang mga mata ko sa labi ni Wade. Sa pagtulong muli ng aking mga luha ay tuluyan na silang natigil. Naitakip ko ang mga palad sa aking bibig upang doon ibuhos ang lahat ng sakit. My friends comforted me.
Hinayaan ko ang sarili kong maghinagpis sa pagkawala ng lalaking mahal ko at alam kong habang buhay kong mamahalin.
Wade taught me so much in life and it's unfair that he already lost his battle. Masyado pa siyang bata para iwan kaming lahat pero anong magagawa ko? If I can only trade my life for him, I will do it in a heart beat.
"I have an idea." si Summer na hindi na nakatiis.
Sinabi niyang kakausapin niya ang mga magulang ni Wade at yayayain sa kung saan para lang sadaling mawala ang atensiyon ng mga ito sa anak ay magkaroon ako ng pagkakataong makalapit at makapagpaalam dito.
"You ready?" maya-maya'y sabi niya ng matapos siya sa pagpapaliwanag.
"Kinakabahan ako." parang naiiyak nang sabi ni Glacer habang hawak ang kamay ko.
"I'm ready." sagot ko naman.
Tumango si Summer at saka tumayo.
"Hahanapin ko lang si Daddy tapos kami nang bahala. Kapag tinapik ko si Daddy sa balikat ibig sabihin tuloy ang plano."
Parehas kaming tumango ni Glacer.
My heart was beating so fast. Hindi ko alam kung alin ang mauuna. Ang pagkawala ko ba ng malay o ang paglapit kay Wade.
We waited for Summit's cue kaya naman nang magsitayuan ang mga magulang ni Wade at tinapik na ni Summit ang kanyang ama ay naghanda na kami. We waited for them to move away from the casket. Hila ni Glacer ang wheelchair kong iginigiya sa gilid ng lugar para hindi makatawag ng pansin.
"Bilisan mo lang, ha?"
"Oo." sagot ko sa kanya.
Nang mapunta na sa kabilang dulo sila Summit ay agad nang itinulak ng mabilis ni Glacer and wheechair palapit kay Wade.
Kahit na nanghihina ang katawan ko't masakit pa rin ang ilang galos sa katawan ay nagawa kong umahon sa pagkakaupo upang dungawin siya.
My heart ached more when I see his face. Wala na doon ang bakas ng dugong huli kong nakita sa kanya bago ako mawalan ng ulirat. Maging ang paghihirap ay wala na. He looks like he's peacefully sleeping.
"Hi baby..." nangarag ang boses ko habang pilit na ngumingiti. "Ang gwapo-gwapo mo naman... Alam kongg ayaw mong ipangalandakan ko 'yon dahil nahihiya ka pero iyon ang totoo. Sobrang miss na kita, baby... Araw-araw umaasa ako sa good morning texts mo. Sa mga pangungulit mo at lalo na sa tuwing sinasabi mong mahal mo ako. Miss na miss ko na ang boses mo."
Marahan kong hinaplos ang salamin ng kanyang kabaong. I felt like breaking down, but I just can't. Not now, not in front of him.
"I love you, Wade... I love you so so much and thank you for saving my life. Hanggang sa dulo ako pa rin ang inisip mo."
I can hear Glacer sobbing behind me. Hinawakan niya ang balikat ko nang tuluyan na iyong manginig. Kung hindi nga lang sobrang atensiyon ang makukuha ko ay talagang yayakapin ko si Wade sa loob mismo at paulit-ulit na sasabihin ang pagmamahal ko para sa kanya.
"Pahinga ka na, ha? I hope you're happy now..." marahan kong hinaplos ang gintong kwintas na huling regalo niya sa akin noon.
"Thank you for everything, baby. I will always love you. You're my greatest love and I will never ever forget you." pagpapatuloy ko ngunit bago pa mayakap sa huling pagkakataon ang nasa harap ko ay nagulantang na ako sa malakas na sigaw na umugong at pumukaw sa katahimikan.
"What the hell are you doing here?!"
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
~~
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva