Emilia. "Papa told me that you weren't married." Nagulat ako sa biglang sinabi ng anak ko. Natigilan ako sa paghaplos sa kaniyang malambot na buhok. Nakahiga na kaming pareho sa aming kama at balak na naming matulog. Ngunit ang batang ito'y gusto pang magkuwento hanggang sa ito na ang sasabihin niya? Hindi ako makapaniwala. At, ano na namang gustong iparating ng lalaking iyon? Binaliktad ba niya ako sa anak ko? 'Yan ang mga katanungan sa isipan ko. "A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Rowan. Masyado ka pang bata para sa mga usapang 'yan," imbes na sagutin ang tanong nito'y iyan ang sinabi ko. Ayaw ko lang marumihan ang isipan nito. Kaya hangga't maaari, ayokong pag-usapan namin ang tungkol doon. "I just wanted to know. My classmates have a completed family. They were so happy. Gusto ko rin

