Emilia Tatlong araw na magmula nang makarating kami rito sa isla. Tatlong araw na katabi ko si Roman sa iisang kama, kasama namin siya sa bahay at nakikipaglaro sa anak namin. Alam kong bumabawi siya sa mga nagdaang taon. Magkasama naman sila palagi noon sa bahay sa Sout Ridge Village pero hindi sila madalas mag-usap. Dahil palaging abala si Roman sa kaniyang laptop noon na hindi ko alam kung bakit. Nakapamili na rin kami ng mga groceries para sa bahay at iilang gamit na kakailangin namin. Tila bago pa kasi itong bahay at halos walang mga gamit maliban sa mga cabinet na walang laman. Nagtanim din ako ng mga halaman at gulay sa paligid para kahit papaano ay maganda tignan itong bakuran sa labas ng bahay. Hindi ko nga alam kung bakit nagtanim pa ako. Kasi hindi naman kami mananatili rito

