"You, b***h! Two timer," iyon agad ang salubong sa akin ni Yuna pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila. May suot suot siyang apron nang labasin ako upang salubungin. I rolled my eyes and flipped my hair. "Marami kang dapat i-kwento sa akin, bruha ka!" umirap siya at pabiro akong sinabutan. "But, before that, help me first." Nang pumasok siya sa bahay nila, ay pumasok na rin ako. Tahimik at walang katao tao. I scanned the place and noticed that there were no maids around. Kunot noo kong tiningnan si Yuna na ngayon ay aligaga sa hinahalo. Ibinaba ko ang bag sa couch nila, inipitan ang buhok, at saka kumuha rin ng apron. "Where's tito, and tita?" I asked out of confusion. Hindi lang kasi ako sanay na wala ang mommy niya para i-welcome ako, at kulitin na sumali sa Fashion Show nila. Th

