"You're kidding, right?" paniniguro ko. Baka naman kasi prank lang ito, tapos may palihim na device siya sa katawan para kunan ako nang video. Baka kasi scripted lang ito. Baka kinuntsaba lang siya ni Chaos para alamin kung may pake pa ako. "How I wish I was," he answered with a sigh. So it was all true? All along akala ko iniwan niya ako, pinabayaan, at ginawang karakter sa laro niya. Ilang taon akong naniwala sa gan'yan, pero lahat pala ng iyon ay kathang isip ko lang. Lahat pala ng sama ng loob na kinimkim ko ay balewala lang. I should have dig deeper before, siguro ay nalaman ko. Sana ay natulungan ko siya o nadamayan man lang. "Bakit siya nakulong?" "It was not my story to tell," aniya. "I'm sorry. Hanggang diyan lang ang pwede at kaya kong sabihin sa 'yo." And with that, he

