Panay ang singhap ng mga fangirls ni Chaos. I smirked, and secretly mocked them on my mind. Who you kayo sa akin ngayon. "You're wearing it," puna niya sa jacket na suot ko. Ngumiti ako ng matamis bago tumango sakanya. Gusto kong tagalan pa ang pag-uusap namin upang mainggit 'yong mga nanlait sa akin kanina. Back off, girls! Sa akin lang 'to. Sa akin lang si Chaos. "I was about to return it, kaso wala ka sa talyer kanina." "Uhuh," napatango-tango siya habang hawak ang baba. "You came here unprepared just to return my jacket, I guess." "No!" Maagap kong sagot sakanya. "I came here to watch you," I almost whispered. Kinagat ko ang pang-ilalim na labi at ibinaling sa iba ang tingin. Hiyang hiya ako sa kung ano man ang pinagsasabi ko ngayon sakanya. Naiilang lang ako dahil alam kong maram

