"Chaos, dear, you're here. Welcome back!" It was my mom. Kakalabas lang nito sa kwarto nang makita kaming nagtatalo ni Chaos, malapit sa aking kwarto. Tuwang tuwa itong lumapit sa aming dalawa. Niyakap niya pa nga ito nang makalapit sa amin. Yumakap naman pabalik si Chaos, at saka siya binati rin. Okay, so when did they became close? "Tita, you look even more beautiful now. Look at you and Azhia, hindi halatang mag-ina. Parang magkapatid lang, o." pambobola nito. Pabiro siyang pinalo ni mommy, at saka tumawa ng kaunti. Tila naniwala kasi siya sa pambobola ng binata. Ew! "Ikaw talaga, masyado kang honest." Bigla akong na-out of place sa kanilang dalawa. Hindi na kasi maputol-putol ang pag-uusap nila. Baka nga hindi na sila aware na nandito pa rin ako sa tabi nila. Ang sarap tuloy mag

