It was him! Sa ilang linggo na hindi ko siya nakita ay marami ng nagbago sa kan'ya. Sa pisikal niyang anyo, pero para sa akin ay siya pa rin ang Chaos na mahal ko. Maaring magbago ang pisikal na anyo, pero ang nararamdaman ko ay malabong magbago. "Oh, the black sheep of the family is finally back, huh. Well, f*ck you!" she yelled and raised her hand to slap him. Ang sampal na sana ay para sa akin, sinalo niya. Agad ko siyang dinaluhan. Sa lakas nang pagkakasampal ay dumugo ang gilid ng labi niya. "Are you okay?" I asked. Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Mahaba na ang buhok niya, sobrang layo sa normal niyang clean cut. Mukha na tuloy siyang bad boy na gitarista. Tumubo na rin ang bigote niya, at talagang makapal na nga ito. What happened to my baby? "Are you okay?" I asked aga

