THIRD PERSON Ilang araw din tumagal ang training ni Sam/Mikay at ngayon nga ay handa na niyang harapin ang kanyang dating asawa at ang kinakasama nitong si Magda. Nagpapasalamat si Mikay kay John dahil sa matyaga nitong pag tuturo sa kanya. Sa ilang buwang pagtira niya sa bahay ni John ay malaki na ang ipinagbago niya. Nawala na ang takot niya at hindi na din siya binabangungot malaking tulong ang pag punta niya sa Psychiatrist para sa tuluyan niyang pag galing. "Sam, pwede ba kitang makausap?" tanong ni John, habang si Sam ay nakaupo sa concrete bench sa may garden. Lumingon si Sam kay John sa kaya niya inalok ang binata na umupo sa tabi niya. "Anong plano mo after mong makaharap ang husband mo?" tanong ni John. "Hindi ko pa alam? Pero isa lang ang sigurado ako, I want an annulment. Ay

