THIRD PERSON Kinaladkad ni Mikay si Magda palabas ng bahay nila para palayasin, hindi niya inaasahan na babalik si Ronald kaya nakiy niya si Mikay habang hawak sa buhok si Magda. "Mikay, anong ginagawa mo kay Magda?!" galit na tanong nito sa kanyang asawa. "Honey, niloloko ka niya, sabi ko na sayo wala siyang amnesia. Nagpapanggap lang siya para makaganti sa atin." umiiyak na sumbong ni Magda kay Ronald. Biglang dinapuan si Mikay ng takot, takot dahil sa nakikita niyang itsura ni Ronald na galit na galit sa kanya. Si Magda naman ay animo baliw na napapangisi pa na akala mo nakakaloko. "Totoo ba? Totoo bang wala kang Amnesia?!" gali na galit na sigaw ni Ronald. Napaatras si Mikay dahil sa takot, naguumpisa ng mangatog ang kang tuhod at manginig ang kanyang katawan. "Sagot! totoo ban

