MIKAELA Halos magdamag akong walang tulog kakahintay kay Ronald na umuwi kasama ng anak ko. Namimiss ko na si Elias isang gabi ko pa lang siyang hindi kasama pero pakiramdam ko halos mabaliw na ako. "Anak, hintayin mo si mama ha, babawiin kita sa papa mo." umiiyak kong usal sa aking sarili. Awa ang nararamdaman ko ngayon sa sarili ko. Akala ko magkakaroon ako ng perpektong pamilya kagaya ng sa magulang ko. Hindi pala lahat ng gusto natin natutupad, hindi pa lahat ng pangarap natin nangyayari. Umaga na bumangon ako at tumanaw sa bintana, nag iisip ako kung paano makakalabas. Para akong ibon na nakakulong sa hawla. Lhat ng pinto ay nakalock ang mga binta ay may grills. There is no way to go out, sinusubukan kong buksan ang pinto sa baba pero hindi ko talaga kaya. Hindi ako pwede panghin

