THIRD PERSON Nakabalik na si Mikay sa piling ng kanyang asawa, naging maayos naman ang pagtanggap sa kanya ni Ronald. Pero hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam palagi ng takot sa tuwing nakakaharap niya ang kanyang asawa. Madalas naiiwan siyang mag isa sa bahay at magkasamang umaalis sa umaga si Ronald at Magda. Kahit wala siyang maalala pero parang nag hihinala na si Mikay na hindi mag pinsan ang asawa niya at si Magda. Ilang araw nang nakabalik si Mikay sa bahay nilang mag asawa pero ni minsan ay hindi pa ito tumatabi sa kanya. Araw ngayon ng sabado at maagang nagpaalam si Ronald sa kanya na may pupuntahan lang daw ito at babalik bago magtanghali. Kahit masama ang pakiramdam ni Mikay ay pinilit niyang bumangon at bumaba para uminom ng gamot niya. Inabutan niya na nasa sala si M

