MIKAELA Nahihirapan ako sa aking pagbubuntis konting tayo sumasakit ang balakang ko. Ang sabi ng doctor mas mainam kung mag bebedrest muna ako hanggang sa magtatlong buwan ang tiyan ko para kahit papaano ay safe na ang baby namin ni Ronald. "Love, baka kailangan na natin kumuha ng makakasama mo habang wala ako dito sa bahay para hindi ako nag aalala sayo." sabi ni Ronald. Kasama ko siya ngayon dito sa kwarto at pinapakain niya ako ng prutas. "Kaya pa ba nating bayaran kapag kumuha tayo nag kasambahay?" "Huwag mo nang isipin yon, ako na ang bahalang magbayad. Malaki naman ang sahod ko kayang kaya kong magbayad kahit pa ng dalawang katulong." Sagot niya sa akin. "Ikaw ang bahala, ang inaalala ko lang naman ay baka mahirapan ka. Lumalaki na ang gastos natin at may binabayaran pa tayong i

