Alas sais pa lang ay papunta na ng opisina ang dalaga. Naging daily schedule na niya ang pumasok ng maaga. "Kumain ka muna," saad ng ina nang mapansin na nakabihis na s'ya. "Magbabaon na lang po ako. Sa trabaho na ako mag-aalmusal," sagot ng dalaga. Kumuha s'ya ng mababaon na pagkain saka nilagay ito sa kanyang bag. "Nay, alis na po ako." Paalam ng dalaga sa ina. "Sige, mag ingat ka." Bilin nito. As usual bago s'ya dumiretso sa pinapasukan ay dumaan muna s'ya sa palengke upang bumili ng prutas. Wala pang tao sa opisina pagdating n'ya. "Bakit parang nagulo ang mga papeles dito?" nakakunot ang noo na tanong n'ya. Iniisa-isa n'ya ang mga dokumento. Mukhang kumpleto naman ito kaya sinalansan n'ya ito sa tamang pwesto. Nagsisimula na s'ya sa trabaho nang biglang bumukas ang pintuan

