"Ang aga mo naman naghanda anak, may lakad ka ba?" nagtatakang tanong ng ina kay Diego dahil wala pang alas sais ay nakapag-shower at bihis na s'ya. "Sa shop po," sagot n'ya na hindi nagpapahalata sa ina. "Ngayon ka lang yata nakapaghanda ng ganito ka aga papuntang shop," puna nito. Kibit balikat lang ang binata. Nagkape s'ya at nakailang subo lang ng almusal. Ilang sandali lang ay nagpaalam na s'ya sa ina. Nakakunot ang mga noo nito habang nakasunod ang mga mata sa panganay na anak na excited sa kanyang lakad. Napapangiti lang ito sa napapansing pagbabago sa galaw at pag-uugali nito. Pasipol-sipol habang nagmamaneho ang binata hanggang sa makarating sa bahay ng dalaga. Sakto ang kanyang pagdating dahil hindi pa ito nakakaalis. Masaya s'yang sinalubong ng ina ng dalaga. Napansin n'yan

