Hindi nagkakamali si Millen dahil pagdating n'ya ng bahay ay naroon ulit ang ama. Pero may ibang kausap ito ngayon, si Mark. "Magandang gabi, Millen!" bati ni Mark at ganun din ang ginawa ng ama ngunit hindi n'ya ito masyadong binigyan ng pansin. "Kanina pa po kayo?" tanong n'ya sa Boss. "Hindi naman masyado," sagot nito. "Nay, ano ang mayroon ngayong hapunan?" tanong n'ya sa ina. "Hindi na kami nakapagluto ni Marie dahil may baon si Mark at Berto eh," sabi ng ina na ang tinutukoy ay ang mga bisita. "Dito na muna kayo, magbibihis lang ako." Saad ng dalaga. Hindi n'ya hinaharap ang ama sa tuwing naroroon ito ngunit iba ngayon dahil wala s'yang choice lalo na bisita n'ya rin si Mark. Naghahanda na ng lamesa ang Tiyang Marie at ina nang bumaba ang dalaga. "Kumusta ang trabaho, anak?"

