Chapter 11 Eyeball

1502 Words

Tinanghali ng gising ang binata. Napagod sya masyado sa haba ng byahe at right after work eh lumipad na s'ya. Matagal ng nakahanda ang plane ticket n'ya. Sadyang nilihim n'ya ang pag-uwi. Napakatahimik ng bahay. Umalis na ang ama at kapatid upang pumasok sa shop. Pagbaba ng komedor andun ang ina at nagliligpit ng mga gamit sa kusina.  "Good morning Ma! Nakaalis na sila Papa?" tanong n'ya sa ina.   "Oo kanina pa. Halika na at nang makakain ka na!" aya nito.   Ilang sandali lamang ay nakahanda na ang pagkain.   "Sabay na tayo ma," sabi n'ya rito.  "Kumain na ako kanina pang umaga, kaya kumain ka lang dyan," sagot nito.  Tiningnan n'ya ang relo magtatanghalian na pala. Mabilis na inubos n'ya ang nakahain na pagkain.   "Saan si Aling Linda?" ang tinutukoy n'ya ay ang kanilang katiwala. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD