CHAPTER 22 ROSE POV Hindi ko na alam kung ilang taon akong naghintay. Ang buong buhay ko ay nakatuon sa pangarap na maikasal kay Andreas. Hindi ito pagmamalaki, pero kami ang perfect match. Pareho kaming galing sa mayamang pamilya, parehong nakapag-aral sa Europa, at parehong alam kung paano dalhin ang sarili sa lipunan. Kaya bakit bigla siyang nahulog sa isang kagaya ni Klara? Nasa harap ako ngayon ng malaking bintana ng penthouse suite ng pamilya namin sa Makati, hawak ang baso ng red wine. Sa ibaba, kitang-kita ang mga ilaw ng siyudad, pero ni hindi nito maibsan ang galit at inggit na nararamdaman ko. “Andreas…” pabulong kong sabi sa sarili ko. "Paano mo nagawang palitan ako ng isang tulad niya?" Limang taon ang nakalipas nang magdesisyon ang aming mga pamilya na kami na ang ipapak

