CHAPTER 31 KLARA’S POV Eight months. Hindi ko namalayang ganito na pala katagal ang lumipas. Sa bawat araw na nagdaan, unti-unti kong tinanggap na ito na ang bagong buhay ko—isang buhay na wala si Andreas, pero puno naman ng pagmamahal para sa anak ko. Muli kong tiningnan ang ultrasound result na hawak ko. Kanina lang, kinumpirma ng doktor na lalaki ang magiging anak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti, kahit pa may lungkot pa rin sa puso ko. "Klaus André Schulz Müller." Iyon ang magiging pangalan niya. Napahawak ako sa tiyan ko, ramdam ang malakas na paggalaw ng sanggol sa loob. Parang sinasabi niya sa akin na hindi ako nag-iisa, na may isang maliit na anghel na darating sa buhay ko para punan ang lahat ng sakit na dinanas ko noon. Pagkauwi ko sa apartment, agad akong dumiretso sa k

