CHAPTER 9 Still Third Person POV Pagkatapos ng magulong araw sa kumpanya, ramdam pa rin ni Andreas Viktor Müller ang bigat ng sitwasyon. Ang pagkawala ng malaking halaga ng pera ay isang dagok hindi lamang sa negosyo kundi pati na rin sa kanyang reputasyon bilang isang walang palya sa larangan ng negosyo. Sa likod ng seryosong ekspresyon niya, naglalaban ang galit, dismaya, at kawalan ng tiwala sa mga taong inaasahan niya. Conference Room Nasa isang meeting ulit si Andreas kasama ang key officers ng kumpanya. Sa gitna ng mahabang mesa, hawak niya ang isang folder na naglalaman ng preliminary report sa nangyaring discrepancy. Tahimik ang buong silid habang binabasa niya ang mga detalye. “Hindi ko alam kung saan tayo nagkulang,” simula ng finance manager, halatang kabado. “But we’re wor

