(BRIGETTE) Isa na namang malaking araw para sa amin. Sa buhay, walang permanente. Gaya ng tinatahak naming landas ngayon, alam namin mula pa lang sa umpisa na darating ang araw na may matatanggal o maaalis. Kung gusto naming makasurvive, kailangan naming magpatuloy—para sa pangarap namin. Dati, simple lang ang gusto ko: makapag-perform. Hindi ko naman inambisyong mapansin o sumikat, kaya isa sa mga dahilan kung bakit pinili kong maging drummer ay dahil gusto kong manatili sa likod—hindi gaanong napapansin. Pero ngayon, unti-unti nang nagbabago ang pananaw ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal sa show na ito, pero isa lang ang alam ko—ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko. Maaga akong nagising kanina. Minabuti ko nang mag-ayos para mamaya. Elimination at Ranking day n

