(Eraizha)
"Gosh, speechless girls. May ganun palang tinatago yung babaitang yun." Usal ko sakanila pagkatapos magperform ng Girl band. Shock para tuloy nangyari ay concert na. Grahvity ang babaeng yun may nalalamang pang ganun. Wah, no hindi ako natitibo sakanya pero kasi ang Hot niya kanina lalo na sa red dress na pinahiram ko sakanya. Pero kung nandito lang yun sasabunutan ko na yun.
"Wah, I' m so proud of her. Can't wait to see them win for this round." Sabi naman nitong katabi si Jhoanne.
"Hoy, wag kayong pakampante susunod pa sila oh. "Sabi ni Camilla tinuro niya boy band naman na nagreready iniinterview pa ang band. Haist! kainis nawala sa isip ko na may kalaban pa sila. Para saakin panalo na ang Girls wahhh.
"So, Boys ano naman ang masasabi niyo sa performance ng Girls?" Sabi ng Host
"It's quite astounding, but we are not frightened by that performance, and we'll put up a strong fight with you here on the battlefield as well." Seryosong Sabi ni Zephyr. Wow boses palang akala mo nakikipag bedscene ka sa kanya. Gosh! Ano ba tong iniisip ko. Pero hindi ko maitatangi ang gwapo talaga nito. Kaya hindi ako magtataka kahit maganda ang performance ng girl group. Baka sila ang iboto ng audience halos babae pa naman ang audience namin dito sa cruise.
"My gulay, paki sampal nga ako. Nakagawa na ako ng kasalanan sa diyos. Bakit ganun? Nagsasalita lang naman siya pero pinanasahan na siya ng utak ko." Sabi ni Jhoanne, ginawa ko naman ang sinabi niya hayun muntik pang sumigaw ang loka. Buti na takpan agad ni Camilla ang bibig nito bago pa sumigaw. Nakakahiya bawal maglaway dahil kalaban sila.
"Oh, ginawa ko lang yung sinabi mo." Pagtatangol ko sa sarili ko dahil grabing makatingin akala mo papatay.
"Ang sakit nun ha! Parang natangal ata yung gilagid ko." -oa. Na sabi nito. Hinimas himas naman niya ang pisngi na napuruhan ko. Nag peace sign na lang ako.
"Yan ang daldal niyong dalawa hindi ko na tuloy narinig yung sinasabi nila wag na kayong maingay na dalawa. Mag-istart na oh." - Camilla. Tumingin naman kami sa stage at nakita na nga naming nagreready na rin ang group ng boys.
Hindi gaya ni Gette kanina nung intro niya ay nakayuko ang loka. Pero ito namang kalaban niya ay nakatingin lang sa audience . Para bang dinadahan dahan niya. Ang ganda ng boses niya, ang husky. Para kang hinaharanaan sa isang concert at kinikilig sa idol mo. Alam kung hindi lang ako ang ganun dahil kahit itong mga katabi ko ay ganun ang nararamdaman.
RED DRESS by: MAGIC
She's tried on everything
Every little thing inside her closet
And she knows it's getting late Knows that I been waiting and I'm starving
Cause we been working overtime
She wants to make a night that we'll remember
And I'm staring at the time Thinking it's alright, put on whatever
But I've been on my best behaviour
Pacing back and forth ten thousand life time later when she walk through that door. I said.
Chorus:
Hey you with the red dress on
I gotta find a way to take it off
I got a lot of love and it's growing strong
When I see you with your red dress on Oh.
Hanggang sa matapos ang buong kanta nila marami pa ring kilig na kilig dahil sa mga tingin niyang nakakapang-akit talaga sa mga babae at alam niyo naman girl isa yun sa kahinaan natin lalo na at ang gwapo pa niya. Mapabeke o babae tumitili. Hindi lang kasi siya ang nagdala pati na rin ang buong banda nila.
My gurd! Huhuhu mahihirapan ang judges nito. Pero Girl Team pa rin ako. Kahit anong mangyari.
"Wah!! Ang hirap pumili Era. kung sino sakanila." -sabi ni Jhoanne habang niyuyug ako at si Camilla. Paano nasa gitna namin siya.
"Mahihirapan talaga ang mga judges kong sinong mananalo sakanila." -sabi ni Camilla.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin." Biglang sabi ni Jhoanne.
"Ano?"
"Mahirap pumili kung sinong magiging crash ko sa mga boys. Gwapo rin kasi yung drummer nila tapos yung pianist. Lalo na yung yung vocalist. Wahhh Sino sakanila?! " para bang timang, akala ko na kung ano. Pero tama rin yung sinabi niya may kanya-kanya silang taglay ng appeal.
"Sira ka talaga baka may makarinig na may pagnanasa ka sakanila materminate ka dahil diyan sa laswaan mo." Komento ko.
"Duh, okay lang iyon tayo-tayo lang naman saka for sure ganun rin yung mga boys may mga bet rin sila sa mga girls. Mga tao rin tayo humahanga sa isa't isa hindi naman sinabi na hindi pwedeng magkaroon ng crush dito." depensa pa nito. Ewan ko ba sakanya.
"Ayaw mo yung isang guitarist?"- tanong ni Camilla. Lokang isa nakisama sa kabaliwan ng isa dyan.
"Okay lang yung isang guitarist saakin pero yung isa hindi ko bet. Although gwapo siya pero masyadong seryoso ata sa buhay, tinitignan ko siya kanina hindi man lang ngumiti hindi gaya ng mga kasama niya lalo na yung vocalist Wah! Nakita mo yung dalawang dimples niya parang gaya ng kay Gette pag ngumiti. Pero yung isa ano nga bang pangalan nun? Ah basta bahala na siya hindi ko siya bet. Bagay sila ni Eraizha hahahaha." -jhoanne.
"At ba't nasama ako aber?"
" Wala lang ...para may pair ka naman. Pag siya nakapair mo bagay kayo. Maingay ka, siya tahimik kulayan mo yung buhay niya pag nagsama kayo. Katuwaan lang ito kaya sumang-ayon ka na. Ang tagal ng announcing ang boring tuloy hindi sila makapili kaya dalawa na lang daw ang winner. hahaha." Sabi nito. Parang baliw lang mas bagay nga siya dun dahil siya ang pinakamadaldal saamin.
"Wow, you two put on an amazing show. It looks like our judges might have a tough time with this one. —Host, Mabuti nariing na rin ang hinaing namin. "Let's start with Miss Lorraine and hear her thoughts on your performance."
"Oh gosh, ako talagang inuna. Well, ang masabi ko lang rin.I'm quite impressed with both teams; you showcased different genres with remarkable skill. It's difficult for me to choose between you because I genuinely appreciate how well you both performed. What stood out was the level of vocal control and emotional expression from each team. So, good luck, and you both did a fantastic job!" -ngiting sabi ni Miss Lorienne.
"Let us now turn to Judge Marco: who do you believe will win tonight?"- host.
"Both teams served us a variety of 'side dishes,' making it difficult to decide which to choose first. Each team presented us with a unique take on their performances. One team delivered a powerful voice, while the other offered a captivating voice. Congratulations and good luck to you both." — Judge Marco.
"How about you, Judge Troy?"
"We have two major vocalists tonight, and I'll base my decision on who I believe made the most significant contribution to their group. If Marco mentioned that you provided us with various sides, then you gave me distinct flavors—sweet and spicy, which are both my favorites. For the sweet, you delivered the flavor I was seeking, to the point that even the girl on my side wants to try it as well. As for the spicy, I was looking for just the right amount of heat, and you delivered so much that it awakened my senses. That's all for now, and congratulations to both teams."- Matalinghang sabi nito pero may dating kung sinong nagugustuhan niya.
"Oh, right! Mukhang nahihirapan talaga ang mga judges na pumili. Dahil kung ako rin ang tatanungin ang hirap niyong pagpilian. If only we could pick both of you, but that's impossible. Therefore, Let's hear what our mastermind has to say, Miss Kyra." - Host
"Well, I'd want to congratulate both of your teams. You performed an excellent job. First, Kung sa audience impact ang pagbabasehan rin tabla rin kayong dalawang team. You have your own unique style of pleasing us, which I believe is a fantastic notion. Zephyr did an excellent job at capturing our hearts, which I feel is a decent strategy given that the majority of the audience here is female. Am I right? Additionally, it is impactful for Brigette, and I think the audience will agree. I actually think I'm in a stadium for a concert. You never cease to amaze us. That's all, and best of luck to you both."- Miss Kyra, O My! wala akong mapredict kong sinong favor ang sa mga judges.
"All right, as of now, we'll wait for our judges' and audience's decisions, and we'll be right back after the break."- Host.
Bumalik muna nga mga participant sa kanya-kanya nilang table. Nakita naman namin na papalapit na sila Gette at Ellesse.
"Wah,, congrats sainyo kahit anong maging decision nila." Bungad ko pagkarating nila yumakap naman sila saakin.
"Thank you." Sabay na sabi nila.
"Wah, angaling niyo. For sure Panalo na kayo." -Jhoanne.
"Sus, balimbing. Kanina nga kilig na kilig ka sa mga boys tapos ngayon kung makapuri akala mo." -Camilla.
"Duh, wala lang yun noh. Tsaka sila pa rin ang magaling para sakin dahil friends natin sila. Pero wag ka nga kinikilig ka rin naman kanina ha." - sinudot sundot pa ni Jhoanne si Camilla sa tagiliran.
"Pero infairness Gette parang bagay kayo nung Zephyr hahaha. Feeling ko tuloy para sayo yung Red Dress song." -sabi ni Jhoanne at ang luka sinudot rin sa tagiliran si Gette at nakakunot naman ang lola ninyo. Hay naku, nag-umpisa nanaman siyang magpair ng kung sino.
" Hoy! Kanina ka pa nagloveteam dito. Kanina si Eraizha ang hinanapan mo ngayon naman si Gette." Sabi naman ni Camilla.
"Wag kang mag-alala Carms.. Ihahanapan rin kita ng sayo. Basta ako yung drummer na lang dahil na kay Gette na si Zephyr. Hahaha peace Gette." At nag pacute pa ito sa harap namin habang naka peace sign. Para bang matagal na kaming magkakakilala at alam nanamin ang ugali ng isa't isa. Ngayon ulit ako naging masaya ng ganito.