(JHOANNE)
Nandito kami muli sa function hall. Nakaline kami sa sahig by group. I-aanounce kasi kung sinu-sino ang mga makakalaban namin. Pagkatapos rin nun pwede ba ulit na kaming magpractice. Ang gagawin namin pagkatapos siguro I -fafamiliar muna namin yung kanta tapos saka na lang paghahatian kung sino ang totoka dun.
Ang pinili ko namang song kahapon ay There you'll be song. Kasi hindi naman ako familiar sa ibang songs at ito kasi narinig ko na siya sa dating kong napanuod na movie. At masasabi kong maganda talaga siya. Si Camilla naman ang pinili niya ay Your still the one. Samantalang Yesterday naman ang kay Gette at talagang kasama naman ngayon ni Gette ang kinaiinisan ni Era. Na si Don't mention it. marami naman siyang kinakainisan yan.
"Ngayon naman. Sasabihin ko kung sinu-sino ang makakalaban niyong grupo. Let's start with the..There You'll be Team. Makakatapat ninyo ay ang I don't wanna Missed a thing.. Next group, we have the Everytime ni Britney Spear versus Everytime rin ng A1. The third group that will be performing ang Brown Eyes Vs Hero. The fourth group will be the Group You're Still the One Vs If I Let You Go. And lastly will be the Yesterday's group Vs No Promises." - Host. "So alam niyo na kung sino ang mga makakatapat niyo. Be prepared, do your best, and best of luck. Good morning, you may resume practicing immediately."
Nakapikit naman ako habang pinapakinggan ko yung kanta. Nang biglang magsalita ang leader namin.
"Girls, pwede bang lumapit muna rito lahat." Sabi ni Shane, siya ang leader namin. Mabait siya at hindi rin siya kasama sa top 10. May kasama kaming top nasa top 10 pero ayaw niyang maging leader. Kaya siya ang isa sa pinagbutohan kahapon.
"Gusto kong marinig isa-isa ang boses niyo para naman makabisado ko at titignan ko kung saan kayo pwedeng ilagay na part sa kanta. Pwede rin kayong pumili muna ng part niyo tapos titignan natin kung babagay kayo roon. Okay lang po ba sainyo yun?" Sumangayon naman kami sa gusto niya. Pinakikinggan niyang mabuti ang boses namin isa-isa tapos. Mag-aadvise siya ng kunti. Iyon ang napili niyang strategy para hatiin ang mga part namin dahil hindi rin naman kami familiar sa mga notes raw na kailangan maabot. Meron yung mga ibang kasama ko na gustong-gusto yung part na yun pero hindi siya bagay doon pinapakiusapan niya naman ng mabuti. Ganyan siya kabait kaya wala masyadong awayan na nangyayari.
"Ngayon naman, kailangan kasing paghatian ang killing part dito. Alam kong lahat tayo gusto nating makuha yun kaya kailangan nating pumili kung sino ang pwedeng ilagay dahil hindi naman pwede kung lahat tayo at kung hindi babagay sayo hindi natin kailangan ipagpilitan yun. Okay lang ba? Dahil group performance ito magbebenifit ang lahat pag nagawa natin ng tama at tulong-tulong tayo hindi ba?" Saad pa nito.
"Angela, pwede bang hindi na kita isama sa isa sa killing part na pagbubutuhan kasi. Aprove na ako sa first part sayo." Tumango naman ito.
"Iisahin ko na kayo. Hindi na rin ako makikisama sa killing part. Ipapakanta ko sainyo yung killing part. Mataas yun kaya dapat maganda ang kalalabasan nun sa camera lalo na sa audience. Magstart ako kay Samantha. Kantahin mo yung part na You were right there for me , For Always. ng mataas. Pero alalahanin mo kapag kinakanta mo ang linyang, "You were right there for me, for always," subukan mong damahin ang emosyon. Kung kaya mo, kantahin mo ito nang may taas na tono para mas maramdaman ang damdamin. Pero huwag mong pilitin kung masyadong nakakapagod sa boses mo; mas mahalaga ang kontrol at linaw. Maaari mong unti-unting dagdagan ang lakas at intensidad kung pakiramdam mo ay natural ito. Tandaan mo, ang mahalaga ay maipahayag ang damdamin, hindi lang ang abutin ang mataas na notes." Nakinig rin kami sa mga payo niya mahahalata mong marunong talagang maglead ang group leader namin. Kinanta naman ni Samantha ang part na sinabi ng leader namin at masasabi kong mataas nga ang boses niya kaya hindi rin ako nagtataka na nasa top siya.
"Okay that's good, si Cara naman ang susunod." Kinanta naman niya pero halatang nahihirapan siya. Halos lahat sumubok at si Samantha ang nakikita naming babagay sa part na yun.
"Last naman ikaw Jhoanne ang sumubok." Sinubukan ko naman. Medyo kinabahan ako nung una kaya sinabi ko kung pwedeng umulit. Hindi naman siya tumanggi kaya ginawa ko ang lahat para mapunta saakin ang part na ito. I want to take this part also.
Inalala ko ang kaninang mga bilin niya. Pinakalma ko muna ang sarili ko para maging stable ang boses ko. Huminga ako nang malalim, pumikit saglit, at inipon ang lahat ng lakas ng loob. Unti-unti kong binuksan ang mga mata at sinimulang kantahin ang linya, pilit na nararamdaman ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
"You were right there for me
For Alwayssss" Sinubukan kong iparating ang damdamin sa bawat nota, hinayaan ang emosyon na magdala sa akin sa bawat himig. Pero hindi ko alam kung nagustuhan nila.
"I think you can do it, but my advice for you, is simply maintaining your larynx relaxed; if you continue to do so, you will get strain. ." Pinaulit naman niya at sinunod ang advice niya saakin kaya nagawa ko ng tama kahit papaano.
"Sige, dalawa kayo ni Samantha ang pagpipilian so do your best kung karapat dapat kayo sa killing part. Kakantahin namin yung brige hangang papuntang killing part then hihintayin niyo yung part niyo okay. We're gonna do a second voice, Mauna ka Jhoanne"
"'Cause I always saw in you my light, my strength
And I want to thank you now for all the ways
You were right there for me
(You were right there for me)
(Jhoanne)
"You were right there for me
For always"
"Yan very good next naman si Samantha." Inulit naman nila at nakuha rin niya. Hindi ko alam pero gusto kong makuha ang part na ito.
"Hala, pareho niyong nagawa ng tama. So voting na talaga ang gagawin. Itataas ang kamay kung sino yung gusto niya ay sa killing part ito. Sino kay Samantha?" Nagtaasan naman yung ibang mga apat plus siya.
"Jhoanne has won the majority vote. Congratulations! Pag-iigihan natin lahat okay dahil lahat tayo may purpose at mahalaga ang bawat kakantahin natin. Bukas ulit tayo magkikita. Pagbutihan natin lalo ka na Jhoanne nasa yung pinakamalaking responsibility ng song. Hindi kita tinatakot, dahil naniniwala kami sayo na kaya mo yang ibinigay sayo at pagbubutihan mo pa lalo. Bukas manunuod ang mga trainor natin kaya kailangan handa tayo. Good luck saating lahat." Naiiyak naman ako dahil sa tuwa. Kailangan ko na lang i-practice ng mabuti. Nakakapressure man pero naeexcite ako.
👑👑👑👑👑
Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Siguro dahil yun sa nangyari kanina masyado akong na overwhelmed yan tuloy hindi ako makatulog. Kumuha ako ng tubig tapos tatambay ako sa Veranda.
Huminga ako ng malalim at lumanghap ng sariwang hangin. Haist, nakakagaan pala dito sa isla. Maganda yung ambiance tahimik halos mga kuliglig ang mga naririnig mo na tunog tapos sa umaga huni naman ng ibon haist nature nga naman oh. Pagdilat ko ng mata ko parang may nakita akong tao tumakbo papunta ata sa may dalampasigan. Tao ba yun, baka namamalikmata lang ako. Haist heto nanaman ang sakit mo Jhoanne hayaan mo na lang yun wala kang pakealam kunwari wala kang nakita. OMG! baka magpakamay pala siya at magpapakalunod sa dagat. Hala nakonsenya naman ako. Kaso kasi disisyon niya yun alam niya ang tama at mali. Ano ba yan pati utak ko nagdedebate na. Buti na lang nasa first floor lang kami ng Hotel kaya dito na lang ako dadaan sa veranda. Nakababa naman agad ako at hinanap ko yung tao kanina. Nagpalingalinga lang ako baka sakaling makita ko siya. Pero hindi ko pa rin ito makita nasan na kaya yun. Hala baka nalunod na talaga siya. May nakita naman akong nagflaflaslight kaya pupuntahan ko sana kaso may gumuyod saakin at tinakpan ang bibig ko. Nagpupumiglas naman ako pero ayaw parin akong bitawan nito.
"Wag kang maingay gusto mo bang mapahamak." Isang malalim na boses ang narinig ko at medyo namamalat iyon. Halatang lalaki ang nagmamay-ari. OMG! Did I said lalaki ang nagmamay-ari lalong akong mapapahamak nito.
"Hmmmmmmmhmmmm." Pagpupumiglas ko pa rin.
"Wag kang maingay sabi. Baka marinig tayo ng mga staff. Ikaw ang mag-isang magpapaliwanag kung tinanong tayo kung anong ginagawa natin dito''. Sabi pa nito. Maya-maya pa tinangal niya rin humarap naman ako at tinago ang pagkagulat. Bakit parang familiar saakin ang boses niya? Shocks! Bat siya nandito.
"Gusto mo ba akong patayin kanina?!" Mariin na sabi ko sakanya. Ayaw ko namang maiskandalo rito at ng ganitong oras pa.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito.?Nandito ka pa ng ganitong oras? May kameet ka siguro dito no. Alam ba to ng production? "
"Ikaw kayang tanungin ko rin niyan. Tsaka wala kang pakialam, buhay ko to. May hinahanap ako na dumaan dito."
"Sigurado ka?"
"Oo dito siya dumaan kaya nga sinundan ko baka magpapakamatay ata. Konsenya ko pa, akong nakakita kasi sakanya."
"Wala naman akong nakitang dumaan dito. Kanina pa ako nakatambay dito sa niyugan."
"Imposible, tumakbo pa nga dito yun tapos biglang nawala. Hala baka minumulto na ako."
"Psh. Baka ako yung nakita mo. Tumakbo kasi ako dahil muntik na akong makita ng mga staff kanina."
"Kaya pala. Makaalis na nga." Inirapangsabi ko. Wala ring kwenta ang pagpunta ko.
"Ano palang ginagawa mo dito?" Seryosong tanong nito. Kaya napatigil ako at humarap sakanya.
"Di ba sinabi ko na sinusudan ko...."
"No! What I mean. Ba't ka sumama dito?" Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hindi ko alam at hindi tayo close para sabihin ko sayo." Sabi ko sakanya. Inirapan ko na lang siya. Maya-maya bigla akong may narealize. Kaya napalaki ang mga mata ko at tumitig sakanya.
"Isipin mong hindi tayo nagkita. Naiintindihan mo." Tinuro-turo ko pa siya. Napakunot naman ito ng noo. "Mangako ka saakin."
"Ba't naman ako mangangako sayo? Di ba nga hindi tayo magkakilala na sabi mo?" walang emosyong sabi nito.
"Good, kung ayaw mong maelleminate agad dito. Wala kang nakita at hindi nangyari ito ngayon. Kalimutan lahat at wag na wag kang magtatangkang gumawa ng mga bagay na makakasira sa plano. Naiintindihan mo?" Nauna naman na akong umalis at hindi na ito nilingon wala rin naman akong pakialam sakanya. Maingat na nagpalinga-linga ako sa paligid baka may makakita saakin. Last na itong pag-uusap natin Clarke Steven Robertson. Pinagsisihan kong nagkita pa tayo dito. Bakit kaya hindi ko siya napansin noong mga nakaraang araw? At bakit ko pa pinoproblema iyon?
👑👑👑👑👑
Disclaimer: hindi ako professional sa vocal coaching kaya kung may mali sa mga sinabi ko paki sabihan ako. Salamat!!