Chapter 8 (It's time)

649 Words
Weeks LATER "Ate!!" Bigla akong napatakip ng unan sa ulo ko ng marinig kong sumigaw ang kapatid ko. Ano nanaman ang problem ng kutong lupa na yun? ng bubulabog ng mga kapitbahay ang aga-aga. Isang linggo na rin ang nakakaraan ng maisipan ng mga kaibigan ko na mag-audition. Pero wala na saakin yun kung hindi man ako nakuha. Pero kasi ngayon ko lang narealize na ang kapal pala ng pagmumukha ko.. Nakakainis tinutukso tuloy ako ng mga kaklase ko nagmemessage sila saakin, tapos sa isang linggong yun marami tuloy nabago. Marami tuloy nakakakilala na saakin kahit saan ako magpunta. At talagang yung kapatid ko inabangan pa yung audition ko sa tv dahil tuwing sabado at linggo lang napapanuod yung show na yun. "Atee! Gising kana may maganda akong balita sayo. Ahh!" Sa sobrang inis ko kaya binuksan ko na yung kwarto ko at hinarap ito. "Ano bang problema at bakit nandito ka di ba may summer class ka?" Sabi ko sakanya ng may pagkabagot "Duh! Ate, next week pa mag-uumpisa yung klase namin." "K.. Ano ba kasi yung sinisigaw mo? Buti wala na sila mama at papa dito." "Ito kasi ate oh, Ahhhhh I'm so proud of you." Binigay nito ang gold envelop. Parang hindi tuloy ako makagalaw habang nakatingin sa hawak ko. Binuksan ko naman at nakita dun ang isang papel na nakasulat pa sa cursive ' Welcome to The Fame' Miss Brigette B. Fiore. Yun lang ang nakalagay sa papel at meron pa palang laman yung envelop isang Black card na may picture ko at pangalan. Hindi lang siya basta black card dahil para ito atm card na itim tapos sa gilid niya ay gold at ang lettering ay silver. At may golden pin pa na nakaingrave ay The Fame. "Ate, ito ata yung magiging i.d niyo dun wahhh. Ang ganda akina picturan at ipapakita ko sa mga kaklase ko, maiingit sila. Nung nag-audition ka nga grabeng makapuri na sila sayo." "Tse, Sa akin nga yan. Lahat na pinapakialaman mo. Pati f*******: ko pinakialaman mo. Wag ka nga mag-aaccept ng hindi mo kilala." "Ano ka ba, ang gwagwapo kaya ng mga nag-add sayo buti nga napagtyagaan ka nilang i-stalk." At tumakbo na ito. "Anong sabi mo? Hoy! Bumalik ka dito.!! Psh akala mo kung sinong maganda rin yun na isa." Yung mga kaibigan ko kaya may natanggap na rin sila. Matawagan nga yung mgan yun. 👑👑👑👑👑 👑👑👑👑👑 "Hello? Who's this?" "Wag mo akong binabadtrip dito Driana. May nagpadala na ba sayo ng invatation diyan?" Tinatanong niya ay yung invatation ng The Fame. "Wala pa" bored na sagot ko. Kahit hawak ko naman na. Ang kulit kasi ang sarap tuloy asarin niya. Gusto daw kasi niya kasama niya ako dun sabi ko mas maganda nga yun dahil hindi ko na siya makikita. "Baka nakakalimutan mong hindi ka actress. Hindi ka marunong magpanggap." Asar pa nito kaya napairap ako kahit hindi ko siya nakikita. "Kahit pumunta ka dito sa condo unit at maghaloghug ka ,wala kang makikita dito." "Anong malay ko kung tinapon mo pala?" Bwisit mautak rin ang isang to. Hindi patalo. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." "Talaga hindi ako maniniwala titignan ko na lang ang cctv footage ng loob ng condo mo." " Psh wala akong cctv sa loob ng unit ko." "Ows!! Eh, ano yung nakikita kong hawak mong sobre." Bigla naman akong kinabahan at nagpalingalinga sa paligid baka may makita akong hinahanap niya mapapatay ko yung lalaking yun. "Oh, Ba't bigla ka atang nagulat sa sinabi ko. Nakatago yung mga hinahanap mo." Tumawa pa ito na parang baliw. " Bwisit ka talaga!! Mapapatay kita pag nagkita tayo. "Galit na sabi ko tutal nakikita naman pala niya yung ginagawa ko pwes ipapakita kong naiinis ako sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD