Kabanata 1
Chloe Evans
As I walked with pride and confidence, I knew I had captivated almost everyone’s attention. Of course, I am one of the top students in this university. I am also a well-known celebrity. I excel in singing and have produced multiple albums. Even though I’m still in college, I have already accomplished a lot, and I'm not only bragging when I say this. Hell! I don't like those morons who like to boast about accomplishments and things that aren't even theirs.
Nahinto ako nang humarang sa daanan ko ang isa sa mga kinaiinisan ko sa campus. Scarlet Williams. This evil witch! Akala niya siguro ay hindi ko alam na pinaplastic niya lang ako sa tuwing magkukrus ang landas naming dalawa. She always tries to get friendly with me even though it is obvious that she doesn’t like me. And I don’t really care. Ayoko rin naman sa kanya. Hindi ko maintindihan ‘yong mga taong nagkakandarapa upang pansinin ng babaeng ito. My goodness, she’s a total b***h. Akala niya sa kanya lang umiikot ang mundo. She has this pa-main character vibe which I don’t like.
Whatever! I don’t have time for her bullshit, so I ignored her and proceeded to walk. Kaya lang papansin talaga siya at muli nanamang humarang sa dinadaanan ko. Maybe kulang lang sa pansin ang babaeng ito.
What is wrong with this evil witch? Ngumiti siya sa akin na para bang maligayang-maligaya siyang makita ako kahit na alam ko naman kung ano ang totoong nararamdaman niya sa akin.
“Hi, Chloe! Bakit nagmamadali ka yata? Excited mag-review? Why? Are you so concerned about getting a low score on the preliminary exam? Oh, dear, where is your high confidence now?” She pouted her full red lips, like the freaking idiot that she is.
Does she think she’s cute when doing that? Oh, for goodness' sake.
“Think whatever pleases you, Scarlet,” I said with a smirk, but the evil witch pouted her lips even more.
“Oh, that is making me sad. What happened to your confidence, dear?”
Ugh! This witch is getting on my nerves! What the hell does she want from me? Oh, yeah, I forgot. Uhaw nga pala sa atensyon ang babaeng ito. Hindi niya kayang tanggapin na may mas nakakaangat sa kasikatan niya kaya ganito na lang siya kung umasta. As if I care about her pa-main character image. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa kanya, but lately, napapansin ko na talagang sinasadya niyang inisin at sirain ang mga araw ko. I don’t get why she’s like this, because as far as I know, I am not competing with her. I don’t need to. I know that I am awesome. I’m top sa lahat ng bagay. Hindi ko kailangan makipagkompentensya sa katulad niya.
“Look, Scarlet, I don’t have time for your bullshit. Hell, masyadong mahal ang oras ko, and I don’t want to waste it to someone…” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago ipinagpatuloy ang sinasabi. “Like you… If you are so confident that you’re already smart enough to ace the exam without reviewing, then good for you. Pero please lang, huwag mo akong itulad sa’yo. My level of confidence is different from yours. The confidence that comes from hard work and intelligence is different from the confidence that comes from just arrogance,” I said with my overly-confident smile bago ako nagpatuloy sa paglalakad ngunit hindi pa talaga nakuntento ang gaga at nakuha niya pang hablutin ang wrist ko upang mahinto ako sa paglalakad. Mabilis kong pinalis ang pagkakahawak niya sa akin ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na animo’y walang balak na bumitiw.
“What did you say? How dare you talk back to me!” May bahid ng galit niyang tanong habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak sa aking wrist. Ramdam ko ang pagkakabaon ng mga mahahaba niyang kuko sa aking balat.
“What the hell is wrong with you, girl? Get off me!”
“Bawiin mo ang sinabi mo! You don’t have the right to talk to me like that!”
“Like you have the right to waste my precious time!”
“I don’t care about your f*****g time! You’re just a freaking singer, and so what? There’s nothing special about that! Ako? I am the president’s daughter! Sa ayaw at sa gusto mo, you have to obey and respect me!” Pasigaw niyang sabi na dahilan upang matawa ako. Baliw ba siya?
Bakit ko siya susundin? Kahit magunaw ang mundo ay hinding-hindi ako susunod sa kanya o sa kahit na sino pa man.
“I don’t see any reason for me to respect you. My respect is only applicable to those who deserve it,” sabi ko sabay hawi muli ng kamay niya ngunit ayaw talaga patalo ng gaga at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
Damn! Ang hapdi na, ah! Hindi na siya nakakatuwa.
Marami na ang mga estudyanteng nakatingin sa amin at nakiki-usosyo. What the hell! Wala bang aawat sa bwisit na babaeng ito? Manonood lang sila d’yan? Ang mga bobong ‘to! Hindi ko alam kung paano sila napunta sa school na ito kung parepareho naman silang bobo.
“Aray ko! Nakakasakit ka na, ah!”
“Ang sabi ko bawiin mo ang sinabi mo!”
“Ano ka hilo? Matalino ka naman, di ba? Do you really think na kaya kong bawiin ang mga sinabi ko? Akala mo ba talaga matatakot mo ako dahil sa pinagmamalaki mong titulo? At ano naman ngayon kung anak ka ng presidente? Are you the president of the country? And even if you are the president of this country, I will still not bow down to someone like you.”
“You! b***h!”
Umamba siyang sasampalin ako ngunit bago pa lumapat ang palad niya sa pisngi ko ay agad na may pumagitna sa aming dalawa.
“What the hell are you doing, Scarlet?! You’re causing a scene again!” May bakas ng galit na sambit ng kanyang nakatatandang kapatid na si Shan.
Shan Williams is Scarlet’s older brother. Like me, many people admire and praise him for so many reasons. I’ll start with the fact that he is a basketball expert. He’s even the team captain of our school’s basketball team. And usually, girls are into sporty guys like him. Even me, hindi ko naman itatanggi na gusto ko iyong mga lalaking into sports. Gusto ko sa lalaki iyong malakas ang pangangatawan at hindi lalampa-lampa. Of course, I can protect myself. Nag-aral ako ng self defense at hindi ko kailangan ng lalaking poprotekta sa akin pero dapat lang na malakas din ang lalaking magiging boyfriend ko.
Bukod pa doon, kabilang rin siya sa mga top students ng school. Yes, he’s a genius, and that’s the main reason why he’s quite popular among girls. Sino bang may ayaw sa lalaking sporty na nga nag-e-excel pa sa academics? He’s the ideal type of every girl. He’s also very handsome. May tamang laki ng katawan, mapupungay na mga mata at matangos na ilong. Fine! I admit that he is kind of attractive, but when it comes to intelligence, I am confident that I am still more intelligent than he is. Kaya nga maging siya ay nagkakagusto sa akin.
“Huwag kang makialam dito, Kuya! That b***h deserves to be punished!”
Hindi ko nanaman napigilang matawa. Baliw na yata ang babaeng ito. Kung sabagay, mas bata siya sa akin kaya isip bata rin. Kahit pa sabihing matataas ang mga grades niya, isip bata pa rin siya. Bakit nga ba ako nag-aaksaya ng oras sa isang ito?
Bago ko pa marinig ang naging tugon sa kanya ng kanyang kapatid ay tinalikuran ko na silang lahat at nagsimula ng maglakad palayo habang nakataas ang noo. Ramdam ko ang mga mata ng mga nakikiusosyong estudyante habang tuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta sa library. Hindi ko alam kung bakit ang dami nilang oras para makichismis sa mga walang kwentang bagay.
Habang kumukuha ako ng libro sa ay doon ko lang napansin ko ang mga galos sa wrist ko. Bumakat ang kuko ng loka sa balat ko at dumudugo iyon ngayon. Napairap ako sa iritasyon. Bwisit talaga ang babaeng iyon!
“Chloe, can we talk?”
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at muling napairap nang bumungad sa akin si Shan. Ano naman ang kailangan ng isang ito sa akin? May balak ba ang magkapatid na ito na istorbohin ako buong araw?
“What do you want from me, Shan?”
Shan is older than me. He’s a senior student while I am a sophomore. Two years ang agwat ng edad namin at tulad ko isa rin siya sa mga top students ng school. Pero wala akong pakialam doon. Kung naging ka-batch ko lang siya, baka palagi siyang kulelat sa akin.
“Look, I don’t have time for you and your sister. Get lost!” Tinalikuran ko siya agad.
“Hey, wait!” Mabilis niyang nahawakan ang wrist ko upang pigilan ako sa pag-alis. Dahilan naman upang mapadaing ako sa sakit.
“Ouch! What the heck! Hindi mo ba ako narinig? I said get lost! Bakit ba ang kulit niyong magkapatid?”
Dumapo ang tingin sa wrist ko.
“You’re bleeding. Let’s go to the clinic. Pagamot natin ‘yan.”
“Bingi ka ba o sadyang mahina lang umintindi? Sabi ko lumayas ka sa paningin ko! Bwisit kayong magkapatid! Inaaksaya niyo talaga ang oras ko! Alam mo ba kung gaano kamahal ang oras ko?”
“How much? I’ll make sure to pay you triple.”
“Stop messing with me, Williams!”
“I’m not messing with you. I just wanted to talk to you about what happened between you and my sister. Please huwag mo na sanang ireport pa ang nangyaring ito.”
“Bakit? You’re very concerned about your sister’s image. Hindi ko alam kung bakit gayong alam naman ng lahat kung gaano ka demonyita ‘yang kapatid mo.”
“I just don’t want her to get in trouble again.”
“You know what? I don’t want to get associated with you and your sister.”
“Then, hayaan mo akong gamutin ang sugat mo para quits na tayo. Hindi na kita guguluhin after that at hindi mo rin irereport ang kapatid ko.”
“Don’t worry, I don’t have any plans to do so. It is just a waste of time and energy.”
“I understand pero hindi ako matatahimik kung hindi ako makakabawi sa ginawa ng kapatid ko. Hayaan mo akong gamutin ‘yang mga sugat mo.”
“Do you think I am stupid na hindi alam gamutin ang sarili ko? Excuse me, huwag mo akong itulad sa’yo.”
“Sungit mo talaga pero bagay lang rin,” aniya ng may nakakalokong ngiti. Nakakairita.
“What the hell are you talking about? Get lost!”
“I’m not leaving kahit anong sabihin mo. Lalo lang maaaksaya ang ‘precious time’ mo.”
“f**k you, Shan Williams!”
“Sure, babe. Anytime,” aniya at nakuha pang kumindat.
“Nakakainis!”
Humalakhak siya na animo’y aliw na aliw sa nangyayari. Hindi ko alam kung may sapak ba ang magkapatid na ‘to o ano. Basta ang alam ko lang ay pareho silang may sakit sa pag-iisip. Mga baliw!
“Tigilan mo ako. Huwag na huwag mo akong susundan!” iritadong sambit ko at tinalikuran na siya ng tuluyan.
“Come on, Evans. Gano’n ba kahirap para sa’yo tumanggap ng tulong mula sa ibang tao?”
Muli akong bumaling sa kanya, iritado pa rin. “Well, I don’t freaking need your help!”
“I know you’re an independent woman. Alam kong kaya mo nang gamutin ang sarili mo. Ikaw na ‘yan, eh. The Chloe Evans, ang babaeng walang hindi kayang gawin. Pero nagmamagandang loob lang naman ‘yong tao. Hirap na hirap ka pang pagbigyan,” aniya na tila nagmamakaawa. Nababaliw na ba siya?
“Hindi ko kailangan ng pagmamagandang loob mo. Kung hindi ko pa alam, baka pakulo niyo lang ‘yan ng maldita mong kapatid. Layuan mo ako. Ayokong magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa inyo ng kapatid mo.”
“Are you accusing me? Tingin mo may masama akong intensyon sa pagmamagandang loob ko? Grabe naman ‘yang trust issues mo, Evans. Sino ba ‘yang tarantadong nanakit sa’yo?”
“Ugh! You’re so annoying!”
Tinaas niya ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko na.
“Fine, Ms. Independent. Hindi na po kita guguluhin baka mapatay mo na ako nyan. Basta ‘yong usapan natin, ah? Hindi ka magsusumbong.”
Mas lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niyang iyon. At sino siya sa tingin niya para diktahan ako?
“Damn it! Sino ka para diktahan ako?”
“O, akala ko ba sabi mo hindi ka magre-report?”
“Yes! But that isn’t because you say so! Hindi mo ako didiktahan, Williams. Naiintindihan mo?”
Muli niyang tinaas ang magkabilang kamay niya na para bang sumusuko nanaman. That’s right.
“Good boy,” mahinang bulong ko bago siya tinalikuran.