Kabanata 3

2871 Words
Kabanata 3 Chloe Evans “Look, Shan Williams is in the house! Ang gwapo at ang hot ng dating,” ani Rebecca habang kumikinang ang mga matang nakatingin sa direksyon nila Shan. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapairap. Rebecca is also a singer like me, but there's no doubt that I'm still better than her and definitely more famous. Nilandi lang naman niya iyong isang judge sa singing contest na sinalihan niya kaya siya nanalo doon at naging isang celebrity. At hindi iyon chismis lang. Wala akong panahon sa mga fake news na ‘yan. I have a source. A very reliable source. Marami akong mga mata sa industriya dahil gusto ako ng lahat. Everyone wants to be on my side, dahil magaling ako. Hindi na kailangan turuan dahil nag e-excel sa lahat ng bagay. “I’ll make him mine tonight,” she confidently said. “Kung kaya mo,” I whispered, but Anais, who’s sitting beside me, heard it. Lumingon ito sa akin at tumawa. Napabaling tuloy sa amin ang hitad. “What's so funny?” Maarteng tanong nito. You, delusional dumbass! You are funny. Umiling si Anais kahit natatawa pa rin. Sa lahat ng mga nakasama ko sa showbiz siya lang ang nagustuhan ko. Ang dami kasing plastic sa industriya at naiintindihan ko naman kung bakit kailangan nilang gawin ‘yon. Alam kasi nilang wala silang ibubuga kaya nagpapa-impress na lang. I’m not like that. Hindi ko kailangan makipagplastikan para makakuha ng projects. I have talents, kaya pinag-aagawa. Sila ang kusang lumalapit sa akin. I easily get big projects because of my talent. I don't have to please anyone, sila ang naghahabol sa akin dahil magaling ako. Kaya natatawa ako sa mga taong kailangan pang magpanggap para lang magustuhan sila ng mga tao. I don’t do that. Hindi ko kailangan mag effort para magustuhan ako ng mga tao. Mabilis akong nagugustuhan dahil magaling ako. Kung hindi ka magaling, bakit ka pa nandito? Para sa akin hindi ka nababagay sa industriyang ito kung wala kang talento. “Let’s go dance?” aya ni Anais at nauna nang tumayo. I smirked before I stood to join her. Ugh, I missed this life! Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng oras para mag night out. Sunod-sunod ang mga projects ko at kailangan ko pang tanggihan ang iba para lang magkaroon ako ng pahinga. I'm not complaining that I'm always busy because that just means my beauty is in demand. Marami akong projects dahil gusto ako ng tao. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa dance floor ni Anais. Nang nakarating sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao ay nagsimula na kaming sumabay sa musika. Itinaas ko ang kamay ko habang nagsasayaw at inindayog ang balakang kasabay ng musika. God, na miss ko ‘to. Ang tagal rin ng huli kong labas. As I spun around, my hips swayed in rhythm. Besides singing, I also love dancing. My hands seductively moved from my hips up to my chest while my waist still swayed in sync with the rhythm. I enjoy dancing as much as I enjoy singing on stage. It wasn’t long before I felt the presence of someone on my back. I turned my head to see Calix with a smirk on his sexy lips. Oh, his usual playful smile. Hindi ko maitatanggi na he’s really hot. May dating siya. “Hindi ka lang pala sa pagkanta magaling. Ang galing mo rin sumayaw,” aniya may ngisi sa mga labi. Gusto kong mainis ngunit pakiramdam ko hinahamon ako ng lalaking ito kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw. Ipinikit ko ang mga mata ko habang sumasayaw nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. “Curious tuloy ako kung ano pa ang mga kaya mong gawin,” aniya na para bang nanunukso. Nagmulat ako at naabutan ko ang nanunuyang ngiti sa mga labi ni Calix. Talagang sinusubukan ako ng lalaking ito. Alam kong hinahamon niya ako pero ayoko siyang patulan, kaya ngumisi na lamang ako. “It’s for you to find out,” sabi ko at tinalikuran na siya ng tuluyan. Nang bumaling ako kay Anais ay may kasayaw na itong matangkad na lalaki. Agad kong nakilala ang lalaki dahil isa itong actor. Iba rin talaga ang ganda ng babaeng ito. Habulin din siya ng mga lalaki sa industriya pero tulad ko ay hanggang laro lang rin si Anais. For sure, naglalaro lang din naman ang mga lalaking ito. Kaya bakit naman namin sila seseryosohin? Sa mundo namin, bihira lang ang nagseseryoso. Maraming tukso sa trabaho namin, kaya talo ka kung magpapakatanga ka. I started dancing again when I felt that familiar presence of someone next to me. I looked at Calix, who now had dark eyes. His palm sensually ran down my back to my hips and stopped at my waist. “What do you think you’re doing, Sandoval?” “I thought you said it’s for me to find out…” Umirap ako at kinuha ang kamay niya mula sa baywang ko. Akala niya siguro ay itataboy ko iyon ngunit laking gulat niya ng hilahin ko siya palabas ng bar. “f**k! Saan tayo?” anito habang nakasunod lang sa likod ko, hila-hila ko pa rin ang kamay niya. “Huy, Evans! Saan mo ako dadalhin?” aniya nang huminto kami sa harap ng sasakyan ko. Agad kaming pinagbukas ng pinto ng driver ko at halos itulak ko pa si Calix papasok sa loob ng sasakyan. “You know what to do. Huwag kang babalik hanggat wala akong sinasabi,” bilin ko sa driver nang pareho na kaming nakapasok sa loob ng sasakyan. Tumango lamang ito at isinarado na ang sasakyan mula sa labas. “Ano ‘to? Papakidnap mo ba ako? Hindi ako mayaman, Evans, ah? Walang tutubos sa akin.” Umirap ako at agad siyang hinila palapit sa akin. “God, you’re so annoying,” sambit ko bago siya siniil ng halik sa labi. Hindi niya siguro inasahan iyon kaya hindi siya agad nakatugon sa mga halik ko. Ngunit nang mahimasmasan siya ay agad niyang sinuklian ang bawat halik ko. Hindi ako nagkamali. He’s good. I know kasi ilang beses ko na rin ba siyang nahuling nakikipaghalikan sa kung sino-sinong babae? Pero sigurado akong wala pa siyang nahalikan ngayong gabi dahil nakita ko siyang kadarating lang kanina. Hindi ko siya hahalikan kung alam kong may ibang labi ng nakahalik sa kanya ngayong gabi. That’s gross! Halos kumandong na ako sa kanya habang naghahalikan kami. Kung saan-saan na rin dumadapo ang malilikot niyang mga kamay at ganoon rin ang akin. Hindi ako papayag na siya lang ang makinabang dito. Hindi ko ikakailang gusto ko rin talaga siyang mahawakan. Sinong hindi matutuksong hawakan siya? He’s f*****g hot! Kung hindi lang siya mahirap pwede na siyang boyfriend. Kaya lang hindi ko gusto ang tabas ng dila niya kung minsan. Nakakairita. Kung saan-saan napapadpad ang hawak ko sa kanya, ngunit nang nasa pagitan na ng mga hita niya ang palad ko ay agad niya itong hinuli. Nahinto ang halikan namin at namumungay ang mga mata niyang tinitigan ako. Iritado ko naman siyang tiningnan. Anong problema ng lalaking ito? “What are you doing?” “Oh, come on, Calix. Don’t play inoccent. Akala ko gusto mong malaman kung saan pa ako magaling?” Ngumisi siya at dinala ang palad ko sa kanyang dibdib. “Hanggang d’yan lang ‘yan,” aniya ng nakangisi bago ako muling siilin ng halik sa labi. Umirap ako. So boring… Alam kong hindi naman siya ganito sa ibang mga babaeng nakaka-fling niya. Alam ko dahil ilang beses na rin siyang napag-usapan sa circle namin. Hindi siya mayaman o galing sa marangyang pamilya tulad ni Damon pero may reputasyon siyang binuo sa campus. He’s a playboy. Gwapo kasi at malaki ang katawan kaya kahit walang pera marami ang nagkakandarapa. Saka marami ang nagsasabi na magaling talaga. Muli lang uling bumaba ang kamay ko mula sa kanyang dibdib pababa sa kanyang abs, ngunit bago pa iyon tuluyang makarating sa parteng gusto kong mahawakan ay nahagip na niya ang kamay ko. Mariin niya akong tinitigan na ginantihan ko naman ng matalim na tingin. Ano bang problema ng lalaking ito? “What’s wrong with you?” “Huwag kasi don,” sabi niya na hindi ko maintindihan. “Bakit ka pa sumama dito kung ayaw mo pala?” Inis na inis kong tanong. “Hinila mo ako. Malay ko ba kung saan mo ako dadalhin.” “So, ayaw mo?” Inis na tanong ko. Sobrang nakakairita ang lalaking ito. Kahit kailan wala pang tumanggi sa akin. “Gusto ko. Sinong tatanggi sa’yo?” “Eh, bakit ayaw mong pahawak?” Bumuntong hininga siya at muli akong hinatak upang mahalikan. Agad ko namang tinugunan ang mapupusok niyang halik hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko. Pumalupot ang mga bisig ko sa batok niya habang hinahalikan niya ako pababa sa aking panga. Ang kamay niyang nasa ibabaw ng dibdib ko ay unti-unti niyang ipinasok sa loob ng dress ko. He palmed my bare breasts in the most erotic way. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang daliri niyang naglalaro sa tuktok ng isang dibdib ko. Patuloy ang paghalik niya sa panga ko habang ang kamay ko ay nasa kanyang likod na. Halos kumandong na ako sa kanya. “You like this, huh?” aniya habang nanunuya ang daliri sa aking dibdib. Napaliyad ako sa elektrisidad na idinulot noon sa katawan ko. Bumaba ang palad niya sa aking tiyan at pababa pa lalo ngunit agad kong nahagip ang kamay niya bago pa iyon tuluyang makarating sa pagitan ng mga hita ko. Nagmulat ako at nagkatinginan kaming dalawa. “Off limits,” sabi ko ng may ngisi sa mga labi. “Fair enough.” Ngumisi siya at muli nanaman akong pinaulanan ng mga halik sa labi habang ang mga kamay niya’y abala sa aking dibdib. Masyado niyang inapakan ang pride ko. Kung ayaw niyang pahawak then hindi niya rin ako mahahawakan. Pareho kaming hinihingal pa nang tumigil sa paghahalikan. Namamanhid na ang mga labi ko kakahalik niya. Inasahan ko naman na ganito siya pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw niyang hawakan ko siya. Imposibleng ayaw niya iyon dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa kanina. Isa pa siya na rin ang may sabi, sino ba ang hihindi sa akin. Sumandal ako at pumikit habang pinapakalma ang sarili. Para akong mawawalan ng hininga. Naghalikan lang kami pero ganito na. Paano pa kung tinuloy-tuloy namin iyon? Naramdaman kong inayos niya ang suot kong dress. Ibinaba niya iyon hanggang sa hita ko. Nagmulat ako at diretso ang tingin sa kanya. Gulo-gulo pa ang buhok niya kaya napangisi ako. Kumunot ang noo niya dahil sa ngisi ko. “What?” Umiling lang ako at sinimulan ng ayusin ang sarili. Tinulungan niya pa ako sa pag-aayos ng damit ko na bahagyang nagusot. Kinuha ko ang compact mirror ko sa pouch at tiningnan ang sarili sa salamin. Magulo na rin pala ang buhok ko. Damn it! Bigla akong nainis nang maisip na nakita ng lalaking ito na ganoon ang ayos ko. Imbes na mainis lalo ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng make-up ko pati na rin ng buhok ko. Pinanood niya lang ako habang nag-aayos kaya nilingon ko na siya at pinagtaasan ng kilay. “Ano pang ginagawa mo dito? Leave!” Pagtataboy ko sa kanya. Ngumisi siya ng nakakaloko at madramahang humawak sa kanyang dibdib. “Aw. Pagkatapos mo akong gamitin papalayasin mo na lang ako? I feel so used.” Umirap ako. Ang feeling talaga ng isang ito. Akala mo naman ako lang itong nakinabang sa nangyari. Nagpatuloy na lang ako sa pag re-retouch ng make-up ko habang siya ay nakatunghay lang sa akin. Pinapanood ang ginagawa ko. “Huwag mong sabihing babalik ka pa don.” Nagtaas ako ng kilay. “Why not?” “Basa na ang panty mo.” Sinamaan ko siya ng tingin. This man! Kailangan niya ba talagang sabihin pa iyon? “No offence. You’re hot, but you didn’t make me wet.” Lumawak ang ngiti niya at napaawang ang mga labi. “Ah, talaga? Patingin nga kung talagang hindi?” Hamon niya. “No, thanks. Babalik na ako,” sabi ko at agad na pinasok ang mga gamit sa pouch ko bago lumabas ng sasakyan. Agad naman siyang sumunod sa akin hanggang sa makapasok muli kami sa bar pero agad din kaming nagkahiwalay dahil dumiretso ako sa lamesa namin. Hindi naman siya pwedeng sumunod sa akin dahil puro mga sikat ang kasama ko. “Saan ka galing?” paunang tanong ni Anais nang naupo ako sa tabi niya. “Powder room,” simpleng sagot ko. “Magkasama kayo ni Calix?” nakakunot ang noong tanong niya. Patay malisya akong umiling. Hindi ko alam na magkakilala rin sila. I wonder kung naging mag-fling rin ba sila. Knowing Calix… Alam kong marami na siyang naging babae. “Anyway, mukhang nagtagumpay ang hitad sa paglalandi kay Shan,” aniya sabay nguso sa direksyon ng grupo nila Shan. Naroon na sa tabi niya si Rebecca at talagang nakakalong pa ito sa kanya. “Akala ko ba ikaw ang gusto. Bakit iba ang kalong?” Tila may panunuyang tanong ni Anais. Umirap ako. Matagal ng usap-usapan na may gusto sa akin si Shan Williams. Sa kanya mismo nanggaling na ako ang type niya pero kahit ganoon ay madalas pa rin siyang makita kasama ang ibat-ibang babae. “I don’t know with him, and I don’t give a f**k,” sabi ko bago sumimsim sa alak. “Ayaw mo ba kay Shan? He’s every girl’s fantasy.” Hindi ako nagsalita. Ayokong magsabi ng mga bagay na alam kong kakainin ko lang din sa huli. He’s actually good. Hindi ko ide-deny iyon. Pero hindi ako kailanman mauunang lumapit sa kanya. Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa sasakyan ko. Si Calix ang naunang lumapit sa akin pero ako ang humila sa kanya doon. Ako ba ang nag-first move sa aming dalawa? No, right? Siya ang unang lumapit sa akin habang nagsasayaw ako, kaya siya ang nauna. “Ah, alam ko na. Ayaw mo ng maraming kaagaw, ‘no? Sino ba ang gusto mo? Si Damon? Marami din namang nagkakagusto doon kahit tahimik at snob.” Umirap ako. “He’s just my friend, Anais.” “So, hindi mo siya type?” Napaisip ako sandali. Gusto ko sa lalaki iyong kapantay ko ng estado sa buhay pero bukod doon wala na akong hindi gusto kay Damon. Siya ang definition ng tipo kong lalaki except the fact that he’s poor. “Kung sa bagay, ang layo ng agwat niyo sa buhay. But he's a great guy, huh? Kung manligaw sa akin ‘yon, automatic yes agad. Katawan pa lang panalo na. Kayang-kaya siguro akong buhatin noon sa kama.” Natawa ako sa itsura ni Anais habang sinasabi iyon na para bang ini-imagine niya talaga ang mga sinasabi niya. “Nasaan na ba iyong kasayaw mo kanina at kung sino-sino ang ini-imagine mo d’yan?” Bigla siyang sumimangot na para bang may naalalang hindi magandang pangyayari. “Wala. Iniwan ko. Ang baho ng hininga. Nakakadiri!” Mas lalo akong natawa at nagsimula na siyang magkwento sa nangyari kanina sa kanila ng kasayaw niya sa dance floor. Habang natatawa at nakikinig sa kwento niya ay nahagip ng tingin ko ang paglabas ng bar nina Shan at Rebecca. Bigla akong nakaramdam ng iritasyon. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na ipagkalat na ako ang gusto niya tapos kung sino-sino naman ang kinakalantare! Bigla akong nawalan ng gana. Sa dami ng kwento ni Anais ay di ko na namalayan na naparami na pala ako ng inom. Hilong-hilo ako habang papalabas ng bar. Mabuti na lang at may umalalay sa akin papunta sa sasakyan ko kung hindi ay baka di na ako nakaabot doon. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakaakyat sa kwarto ng gabing iyon. Nakabukod na ako sa mga magulang ko mula ng mag eighteen ako. May sarili akong penthouse na binili ko gamit ang sarili ko ring pera. “Kuya, natandaan niyo ba kung sino ang naghatid sa akin kagabi sa sasakyan?” Tanong ko sa driver ko dahil hindi ko na talaga maalala kung sino ang umalalay sa akin palabas ng bar. “Iyong kasama niyo rin po kagabi, ma’am. Si Sir Calix po. Hiningi niya rin po ang number ko para makibalita kung naihatid ka ng maayos.” Napataas ang kilay ko. Talagang nagpakilala pa siya sa driver ko at hiningi ang number? Baliw din ang isang iyon. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi sa sasakyan ko. Hindi kahit kailan pumasok sa isip ko na mapapasama si Calix sa mga lalaki ko. He’s definitely not my type. Pero hookup lang naman kaya pwede na rin. Ang mahalaga pareho kaming nag-enjoy. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang imahe ng magkasamang lumabas ng bar kagabi na sina Rebecca at Shan. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip iyon. Nakakasira lang ng umaga. Naiinis ako dahil pakiramdam ko naaapakan ang pride ko. Inanunsyo niya sa lahat na gusto niya ako pagkatapos ay makikita siyang may kasamang ibang babae? Ang kapal naman ng mukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD