Kabanata 16

2807 Words
Kabanata 16 Chloe Evans My body felt sore and heavy when I opened my eyes. The sky was already bright, so I could be sure that I had been unconscious for a long time. I was soaked wet and shivering violently from the cold. May liwanag na ngunit makulimlim ang panahon at sigurado akong kanina pa ako nababasa ng tubig dagat sa pwesto ko. Nang magising ako ay nasa tabing dagat lamang ako at kung hindi pa siguro ako nagkamalay ay baka muli nanaman akong tinangay ng alon. Hindi maganda ang panahon at sumasalamin iyon sa rahas ng hampas ng alon sa karagatan. My whole body was covered in bruises and wounds, and I felt so weak. Masakit ang buong katawan ko at nangingig din ako sa pinaghalo-halong dahilan. Hindi ko lubos maisip na nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Alam kong marami akong nagawang kasalanan pero deserve ko ba talagang pagdaanan ang mga ito? I only forced myself to get up and move to a safer spot because the waves were getting stronger. At mas lalo lang rin akong mababasa kung mananatili ako sa pwestong iyon. Even though my knees were shaking and my wounds were still hurting, I managed to find a safer place. Sumilong ako sa isang malaking puno dahil base sa kulay ng kalangitan may posibilidad na umulan ng malakas. Tulala ako habang nakasandal sa isang malaking puno, yakap-yakap ko ang mga binti ko upang kahit papaano ay mapawi ang panlalamig na nararamdaman. I was freezing to death, Sigurado akong nababad ako ng husto sa tubig. Fortunately, I woke up before waves swept me away again. Ang buong akala ko ay mamamatay na ako. When the waves swept me away, I had lost all hope of survival. Naaalala ko pa ang sakit sa bawat pagtama ng katawan ko sa mga bato. I was so scared. I trully thought I wouldn’t be able to survive that danger. I thought I was going to die. But here I am now, still alive and breathing. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na nakaligtas ako sa kapahamakan ngunit hindi ko magawang magpasalamat sa sitwasyon ko ngayon. Lalo na pagkatapos ng pinagdaanan ko. Muntik na akong mamatay, kaya bakit ko ipagpapasalamat ang nangyari sa akin? I may have survived, but I am sure that the fear and trauma of what I endured earlier will haunt me for the rest of my life. “Evans!” I lifted my head when I heard a familiar voice call my name. I didn’t know where the voice came from, but it instantly filled me with hope. Takot na takot ako na baka walang makahanap sa akin dito at mas lumala pa ang nararamdaman kong sakit, kaya agad akong nagkaroon ng pag-asa nang makarinig ng ibang tao. Sa wakas ay mapapanatag na ako. May nakahanap sa akin. May tutulong na sa akin at makakaalis na ako sa wakas dito. “Here! I'm here!” I tried to shout as loudly as I could, hoping that whoever was calling my name would hear me. Nanghihina ako at masakit din ang buong katawan ko, kaya hindi ko magawang tumayo man lang mula sa kinauupuan ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa wakas ay nakahanap sa akin ngunit sa tindi ng pananakit ng katawan ko ay hindi ko magawang kumilos man lang. “Evans? f**k!” Mura ni Calix nang marating niya ang pwesto ko. Basang-basa rin siya katulad ko, na sa tingin ko ay dahil sa ulan. Nagsimula na kasing umulan ng malakas. I was caught off guard when he suddenly pulled me into a tight embrace the moment he saw me. I froze for a second, but the warmth from his body quickly spread through me, easing the chill that I had been enduring. His veined arms wrapped around me so tightly and securely that for a split second, it felt like nothing else existed but the sound of his heartbeat and the comfort of being in his arms. Somehow, ang yakap na iyon ay naging sapat upang pawiin ang lamig at ang takot na nararamdaman ko kanina pa. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa wakas ay hindi na ako nag-iisa dito. May nakahanap sa akin at may posibilidad na makaalis na ako dito. Takot na takot ako at nanghihina. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. “f**k! Mainit ka,” aniya nang ilapat niya ang kanyang palad sa aking leeg. “Nanginginig ka at mataas ang lagnat,” aniya bago natuon ang pansin sa mga galos sa katawan ko. His forehead creased and his jaw tightened as he checked my body as if he was examining it thoroughly. Bakas ang galit sa kanyang ekspresyon habang sinusuri ang mga tinamo kong sugat. “Sinong may gawa nito sa’yo?” Umigting ang kanyang panga at nagdilim ng husto ang kanyang ekspresyon. “I want to go home…” Nanghihinang sabi ko, hindi sinagot ang kanyang tanong. Muli siyang napamura at niyakap ako muli ng mahigpit. Muli akong nakaramdam ng ginahawa sa yakap niya dahil kahit papaano ay nakaramdam ako ng init mula sa kanyang katawan. I could feel his heart beating so fast and loud as he embraced me. I felt a comfortable warmth from his body that eased the fear I had been feeling since earlier. Tila ayaw ko ng kumawala mula sa kanyang mahigpit na yakap. Kahit papaano rin ay nawawala ang panlalamig ko dahil sa yakap niya, kaya kahit ayaw ko sa lalaking ito ay hindi ko magawang itulak siya palayo. Kumportable ako sa init na binibigay ng yakap niya. Gusto kong yumakap na rin sa katawan niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa naman ako nasisiraan para makalimutan na kaaway ang tingin ko sa lalaking ito. But for some reason, I don’t feel like he is my enemy right now. In fact, I feel like he’s a savior who will save me. “Paano mo ko nahanap?” Hindi ko napigilang maitanong pagkaraan ng ilang minuto na yakap niya lamang ako at hindi kumikibo. Naramdaman ko ang pag-iling niya. “I don't know. Hindi ko rin alam,” napapaos niyang sabi, tila maging siya ay hindi rin makapaniwala na nahanap niya ako dito. “Noong marinig ko na may nakitang tumaob na bangka… Hindi na ako nagdalawang isip pa na hanapin ka,” aniya sa seryosong tono. Bigla kong naalala si Shan. Sigurado akong hinahanap niya rin ako. Tinulak ko si Calix palayo sa akin upang makawala sa yakap niya. Naabutan ko ang namumungay niyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon at wala na akong panahong alamin pa iyon. Kailangan kong malaman kung nasaan si Shan at kung ligtas ba siya. Baka mamaya ay may nangyari ring masama sa kanya. “Si Shan? Nasaan siya? Ligtas ba siya? Hinahanap niya rin ba ako? Sigurado akong nag-aalala na iyon.” Agad na sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong iyon kahit sigurado naman na akong hinahanap niya ako sa mga oras na ito. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa akin ngayon. I am not sure if my eyes are just playing tricks on me, but I swear, I saw a hint of disappointment on his face when I asked that question. Tiningnan ko lang siya, naghihintay ng sagot niya. Dahan-dahan siyang tumango at iniwas ang tingin sa akin. Naabutan ko pa ang pag-igting ng kanyang panga habang nakatanaw sa malayo. Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon sa hindi ko makuhang dahilan. “Huwag kang mag-alalaa, ligtas ang boyfriend mo at hinahanap ka rin niya. Nagkagulo pa nga dahil hindi siya pinayagang pasamahin sa rescue team. Masyado na kasing delikado pumalaot dahil sa paparating na bagyo. Anak siya ng presidente kaya kahit anong pilit niyang sumama ay hindi siya pinagbibigyan. Tingin ko hindi rin talaga papayag ang resort na may mangyaring masama sa anak ng presidente,” pagkukwento niya habang nakatingin pa rin sa malayo. “Then, why are you here? Paano mo ako nahanap?” Lito kong tanong dahil hindi ko pa rin maisip kung paano siya napunta dito. Sa lahat ng pwedeng makahanap sa akin, bakit siya? And why did he look for me in the first place? Hindi naman niya trabaho na hanapin ako, kaya bakit? “I volunteered to join the rescue operation, pero hindi rin ako pinayagan dahil sa masamang panahon. Kaya nang makakita ako ng bangka hindi na ako nagdalawang isip pa.” Why? Gusto kong magtanong kung bakit niya ginawa iyon pero sa hindi malamang dahilan hindi ko magawang isatinig ang katanungan sa aking isipan. Wala akong maisip na dahilan para gawin niya iyon. Pwede siyang mapahamak sa ginawa niya at higit sa lahat nagnakaw siya ng bangka para lang hanapin ako. Nag-iisip ba siya? Nilalagay niya sa panganib ang sarili niyang buhay para lang sa akin? Ganoon ba siya kabuting tao para walang pagdadalawang isip na saklolohan ako kahit na wala akong ginawa kundi ang sungitan siya tuwing magkukrus ang landas namin? Nahihibang na ba siya? Nilalagay niya sa kapahamakan ang sarili niya para lang sa ibang tao. “Are you insane? You just took that boat and rode it? You stole a boat!” Hindi ko napigilang sumbat sa kanya. He turned to me again, irritation written all over his face. “Iyan talaga ang concern mo? Tingin mo may pakialam pa ako kung kaninong bangka iyon? Tingin mo ba may panahon pa ako para hanapin at magpaalam sa may-ari ng bangka? Nag-aalala ko na baka may nangyari na sa’yong masama. I need to find you. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nasisiguradong ligtas ka at nasa maayos na kalagayan,” aniya, may bakas ng iritasyon sa boses. Again, why? Bakit ginagawa mo ‘to? Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Siguro kaya ako inis sa kanya noon pa ay dahil hirap na hirap akong basahin siya. Magkaibang-magkaiba kami at hindi ko siya maintindihan. Nawala ang iniisip ko nang biglang lumakas ang buhos ng ulan. Napamura ng malakas at paulit-ulit si Calix ngunit halos hindi ko na iyon marinig dahil sa lakas ng buhos ng ulan. A wave of fear washed over me as I realized we might end up getting trapped here if we didn’t leave soon. Pero paano nga ba kami makakaalis ngayon kung ganito kalakas ang ulan? Delikado kung sasakay pa kami sa bangka ng ganito ang panahon. Kinilabutan ako bigla nang maalala ang nangyari sa akin kanina. Ayoko ng maulit pa iyon. Sobrang lakas rin ng hangin at mas lalo akong nakaramdam ng ginaw dahil doon. “Umalis na tayo,” wika ko, pilit nilalabanan ang lamig. Magdamag akong basa at hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay dito sa islang ito. Ni hindi ko maisip kung paano ako nahanap ni Calix dito. Paano niya nalaman kung saan ako hahanapin? “Hindi tayo makakaalis agad. Lumalakas ng husto ang ulan. Baka mas lalo lang tayong mapahamak kung aalis tayo sa ganitong sitwasyon.” Alam ko ‘yon pero gustong-gusto ko ng makauwi at matapos na ang lahat ng ito. “Gusto ko ng umuwi,” sabi ko, bakas ang pagod sa boses. Gustong-gusto ko ng makaalis sa lugar na ito at makapagpahinga. Hindi ko na rin yata kayang tiisin pa ang lamig. Masakit din ang buong katawan ko dahil sa natamong mga galos. “I know… I know. Iuuwi kita. Pangako, iuuwi kita ng ligtas. Just trust me, okay?” He said with assurance in his tone. Pumikit ako ng mariin at niyakap na lang ng mahigpit ang mga tuhod. Hindi mawala ang panginginig ko dahil sa lamig. Basa pa rin ako at malamig pa ang ihip ng hangin. Ni wala man lang kaming maayos na masilungan kundi ang malaking puno na ito. Hindi na ako nakahanap pa ng mas maayos na masisilungan kanina dahil sa sakit ng katawan at ayoko ring lumayo masyado sa dalampasigan sa takot na baka mas lalong walang makahanap sa akin. Mabuti na lang din at hindi ako masyadong lumayo dahil kung hindi ay baka hindi ako nahanap dito ni Calix. It’s weird na siya pa ang nakahanap sa akin dito pero inaamin ko na kahit papaano ay gumaang ang pakiramdam ko na nandito na siya. “Kailangan mong hubarin ang damit mo,” ani Calix. Agad akong dumilat at nakita kong seryoso ang mukha niya. Seryoso siya sa kanyang sinabi. “No way,” agad na tanggi ko, nanghihina pa rin. He sighed. “Basang-basa ang damit mo. Mas lalo kang giginawin kung hahayaan mong nakasuot sa’yo ‘yan. Basa rin ako kaya hindi ko maipapahiram ang damit ko sa'yo.” “Ayoko sabi,” pagmamatigas ko. “Do you seriously think I’d take advantage of your condition right now? Is that how lowly you think of me?” aniya, halata na ang iritasyon at pagkadismaya sa tono. Umiling ako. “Wala akong sinabing ganyan. Basta ayokong maghubad.” “Ang tigas ng ulo. Lalo kang magkakasakit kung ganyan ka. Ang taas ng lagnat mo. Mas lalo kang giginawin kung hindi mo huhubarin ang basang damit mo,” aniya, salubong ang mga kilay. “Please, ‘wag naman makulit. Kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin at para sa’yo rin naman ito,” pagmamakaawa niya. Umirap ako. I really don’t understand this guy. Why is he doing all of this? Why is he so concerned about me? Bakit siya nagmamalasakit sa taong walang ginawa kundi ang maging masama sa kanya? Wala akong maalalang magandang ginawa ko para maging ganito siya kabuti sa akin. Siguro mabuting tao lang talaga siya kaya niya ‘to ginagawa. Pero kung ako ang tatanungin, kahibangan itong ginagawa niyang ‘to. He risked his own life just to find me. Hinding-hindi ko kayang gawin iyon para sa ibang tao, kaya hindi ko talaga siya maiintindihan. Sinong nasa matinong pag-iisip ang uunahin ang ibang tao kaysa sa sariling kaligtasan? Wala. People are naturally selfish. “Fine, kung ayaw mong maghubad, hayaan mo akong yakapin ka,” he offered. Matalim ko siyang tinignan. “Ano? Basa tayo pareho at giginawin tayo ng husto kung hindi tayo magtutulungan. Huwag kang mag-alala, wala itong malisya para sa akin. Hindi ito ang oras para doon. Gusto ko lang bumuti ang pakiramdam mo,” agad na dahilan niya. I sighed. “I'll just take off my dress,” nag-aalangan na sabi ko. Tumango lamang siya at nanatiling nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Ang sabi ko huhubarin ko ang dress ko. Hindi ba pwedeng tumalikod ka muna?” Tila napagtanto niya naman ang kamalian at agad akong tinalikuran. “Pasensya na. Ibigay mo sa akin ang damit mo pagkatapos para maisabit ko at kahit papaano ay matuyo,” aniya habang nakatalikod pa rin sa akin. Umirap lang ako at hinubad na ang dress ko. I was left wearing only my two-piece swimsuit, and I still shivered every time the cold wind brushed against my skin. Mahapdi rin ang dulot ng hangin sa mga galos sa katawan ko. “Tapos na ba?” tanong niya. Ngumuso ako at muling bumalik sa posisyon kanina na nakayakap sa aking mga tuhod. Naramdaman ko naman ang paglingon niya sa akin. Inabot niya ang dress ko at sinampay sa sanga ng punong sinisilungan namin. Nakita kong hinubad niya rin ang pang-itaas at ang shorts niya. I quickly looked away, feeling my cheeks burning as he stood there wearing nothing but his freaking boxers. I couldn’t deny that he had an imposing physique. His chest and shoulders were broad and perfectly sculpted, as if he spent a lot of time at the gym. Kung hindi ko lang siya kilala, I might have mistaken him for a professional model. Every line and contour of his body looked flawless– each muscle was in its right place. Mas lalo kong naintindihan kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. At alam kong hindi lang dahil sa kanyang hitsura iyon, kundi maging sa aura na dala niya, na kusang pumupukaw ng atensyon kahit hindi niya sinasadya. Gusto ko siyang sitahin dahil sa paghuhubad niya ngunit tama siya, mas lalo siyang giginawin kung hindi niya huhubarin iyon. Basang-basa rin ang mga damit niya dahil inabutan na siya ng ulan bago pa man siya makarating dito. Bigla ko tuloy naisip kung ano ang maaring mangyari sa kanya kung sakaling inabutan siya ng mas malakas na ulan sa kalagitnaan ng karagatan. Mabuti na lang din at nahanap niya agad ako dito. Hindi ko talaga maintindihan kung paano niya nagawang i-risk ang buhay niya para lang mahanap ako. Ganoon ba kabuti ang lalaking ‘to para gawin ‘yon? Tapos ito ako… Hindi ko man lang siya magawang pasalamatan. The least I can do is be kind and obey him, pero hindi ko pa rin magawa. Ikaw na talaga ang may mataas na pride, Chloe Evans.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD