MATAPOS ihatid si Andy sa mansyon ng kaniyang Ina ay agad na bumalik si Dreco sa kastilyo. Pagbaba pa lang niya sa kaniyang kotse ay agad na siyang sinalubong ni Stanley ng isang malakas na suntok sa mukha na kamuntikan na niyang ikabagsak kundi lang napasandal ang kaniyang likod sa kotse. Pero matapos siyang bigyan ng malakas na suntok ni Stanley ay agad siya nitong hinablot sa kuwelyo at malakas na isinandal sa pader. “Gago ka, Damon! Akala mo siguro hindi kita papatulan sa pagkidnap mo sa girlfriend ko! Saan mo siya dinala, ha? Speak!” nanlilingas ang mga mata nitong tanong sa kaniya at itinaas ang hawak na kutsilyo na parang gusto siyang saksakin sa mukha. Nagulat si Dreco, hindi dahil sa malakas na suntok na natanggap kundi dahil sa mga mata ni Stanley na nanlilisik sa kaniya at pag

