PASADO alas tres na ng hapon, maganda ang sikat ng araw pero hindi naman gaano mainit, katamtaman lang din ang ihip ng hangin, kaya kalmado ang karagatan. Mula sa upper deck ng yate, nakahiga si Andy sa isang sofa bed habang mahimbing pa rin ang tulog. Nakaupo naman si Damon sa katabing couch, komportableng nakasandal habang umiinom ng kaniyang favorite wine. The scenery of the ocean added to the romantic atmosphere, making Damon's emotions even more profound. “Boss, baka naman matunaw na ang mahal mo niyan dahil sa kakatitig mo sa kaniya,” puna ni Seven at nilapag ang dalang food tray sa table. “Heto, boss, magmeryenda ka muna. Baka paggising ng mahal mo niyan lasing ka na kung alak ang iinumin mo habang naghihintay sa kaniyang paggising.” Damon simply smiled, swirling the wine in his

