May sariling security team si Mrs. Angela at ang mga bata kaya nagtataka si Kasper kung paano nangyari ang kidnapping. Ayon sa caller ay hindi nila maaring sabihin sa awtoridad ang tungkol dito. “Kasper, anong gagawin natin. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito.” sabi ni Rossie habang umiiyak. Niyakap naman siya ng asawa at hinagod ang kanyang likod. “Don't worry, they will be safe soon.” Tinawagan ni Kasper ang kaibigang si Elmer at ipinaalam dito ang nangyari sa kanyang ina at mga anak. Ipinaliwanag at inilahad ang eksaktong address na natanggap ng mula sa caller. Alam niyang si Elmer ay may lihim na koneksyon sa military dahil ito ay dating sundalo. Tumingin siya sa relo at bumilang ng oras. Meron pa silang 7 oras upang ihanda ang hinihiling ng mga ito. 50 Bilyong Piso kapalit ng

