Sabado. Huling araw ng pasok namin para sa linggong ito. Introduction to Psychology ang subject namin ngayon. Kanina pa dapat simula ng klase namin ngunit wala pa rin si Ms. Reyes, ang proctor namin sa subject na iyon. Mga labinlimang minuto na din itong late. Pero dahil two hours ang Psychology subject namin ay maaari ka lang umalis ng klase kapag thirty minutes nang wala ang proctor mo.
"Wala yata si Ms. Reyes." ani Patis.
"Feeling ko late lang iyon. Malabo pa sa utak mo na aabsent iyon eh." ani Andeng.
"Feeling ah. Sino kaya puro kalandian ang nasa utak?" nakairap na wika ni Patis kay Andrea.
"Patola!" ani Andrea. "Alam mo Patis kung ako sa iyo mag boyfriend ka na. Para di lagi init ulo mo. Konting asar pikon."
"Baka mas lalo lang sumakit ulo ko sa boyfriend na iyan. Imagine? Pag niloko ka niyan iiyak ka lang. Tapos ano? Pagtapos ka paiyakin iiwan ka. Hindi na lang! I'm better off single." saad ni Patis.
Actually naiintindihan ko kung bakit ganoon ang paniniwala ni Patis tungkol sa pag ibig. Sigurado kami na natrauma na ito sa pinagdadaanan ni Tita Tricia. Sino ba naman ang gaganahan mainlove kung simula bata pa lang ay araw araw kang nakakakita nang babaeng nasaktan lang dahil sa pagmamahal. Sabi nga nila ang pag ibig ay di para sa lahat. Kaya maswerte ka kung nahanap mo iyon.
"Okay. Wala na akong sinabi." pagsuko ni Andrea sa pagtatalo nila ni Patricia.
Bumuntong hininga si Patis. "I'm sorry, Andeng. I know it's mean." aniya.
"I don't take it seriously. I know your better than that." nakangiting saad ni Andrea.
Humahangos na lumapit si Elle sa amin. Lumabas kasi ito para pumunta sa comfort room. "Andyan na si Ms. Reyes." aniya.
"Tumakbo ka?" tanong ko. "Ano ka ba wala na tayo sa highschool para pagalitan ka pa ng teacher mo kapag wala ka sa klase mo! My God Elle!"
Inirapan ako nito. "Alam ko! Napatakbo ako kasi may mga kasama si Ms. Reyes."
"Sino?" tanong ni Patis.
"Engineering Students. Sila Enrique." ani Elle.
"O-oooo M-mmmmm G-gggggg!!!" tili ni Andrea.
Tinakpan ko ang tainga ko. "Sh*t Andeng!" naiinis na turan ko sa kaniya. "May nilunok ka bang pito ha! Ang lakas mo makatili."
"Nasira yata eardrums ko." reklamo ni Elle.
"A-am I p-pretty? I n-need to r-retouch." aniya. Kinalikot niya ang bag niya at hinanap ang make up kit nito doon. "A-asan na iyon. T-this c-cant be! D-dapat maganda ko pag nakita ko ni E-enrique my love!"
"Ayan na sila." ani Patis.
Pumasok na si Ms. Reyes sa loob ng room namin. Kasunod naman nito ng mga Engineering students at isa doon si Enrique. Ngunit nabigla ako ng makita ang huling lalaking pumasok. It was Dave. Nakayuko siyang pumasok. Kaya hindi niya nakitang nakatingin ako sa kaniya. Binaba ko ang tingin ko sa desk ko ng iangat niya ang ulo niya.
"Class go back to your seat." utos ni Ms. Reyes. Mabilis naman na tumalima iyong mga kaklase ko. "So, dahil naka sick leave ngayon si Ms. Hernandez, ako muna ang pansamantalang magiging proctor ng block ng mga Engineering students na nasa harapan niyo ngayon. At dahil magkasabay ang time ng klase niyo sa klase nila. I decided na pagsabayin na lang kayo. Is it okay with you, Class?"
"Yes, Ms. Reyes." kinikilig na sagot ng mga classmates ko. Iyong iba ay nagpapa cute pa. Parang mga sinisilihan ang mga pwet eh.
"Okay. Boys, you may take your seat. Madami naman bakante pa na upuan." ani Ms. Reyes.
Nag umpisang umupo ang mga Engineering students sa mga bakanteng upuan. At kapag siniswerte ka talaga. Pinagkaisahan na naman ako ng mga kaibigan ko. Dahil hindi ko napansin na biglang umalis si Elle sa tabi ko. Kaya ang nangyari ay nabakante ang upuan sa tabi ko.
Napatingin ako sa harapan at nakita kong si Dave na lang ang hindi pa umuupo. Napapakamot sa ulong napatingin siya sa akin. Lumingon ako sa buong classroom. At tanging sa tabing upuan ko na lang ang bakante.
Malalim na bumuntong hininga ako. Pagkatapos ay tipid na ngumiti kay Dave. Alam ko naman na humihingi siya ng permiso. At hindi naman ako ganoon kasama kahit bwisit ako sa kaniya.
Lumapit siya sa pwesto ko at umupo sa bakanteng upuan katabi ko. Iniayos ko ang sarili sa pagkakaupo. Nilingon ko sila Elle, Andeng at Patis sa likod ko ng tumikhim sila. Kinikilig na nag thumbs up pa ang mga loka loka. Kaya naman inirapan ko sila ng sobrang talim. Iyong tipong patay na sila sa utak ko.
"Before we start our lesson for today. Mayroon lang akong sasabihin sa inyo tungkol sa semester project niyo." ani Ms. Reyes. "Kailangan niyong mag interview ng Powerful Couple. At ang mga couple na dapat niyong interviewhin ay mayroon na akong prinipare na listahan. Nakalagay na din dito sa folder ang files nila. At mga contact details nila kung paano niyo sila kokontakin. Don't worry dahil lahat ng mga couple's na nandito ay alam naman ang semester project na gagawin niyo."
"At dahil dalawang block kayo. At sakto naman ang bilang niyo sa isa't isa. Ang gagawin natin ay magpapartner ang tig isang block. So, it means isang engineering student at isang business student." pagpatuloy ni Ms. Reyes. Kinuha niya ang mga index card namin. At index card ng mga engineering students. "Para fair, bunutan na lang ang gagawin natin. Okay lang ba iyon sa inyo?" tanong ni Ms. Reyes.
"Opo." sagot naman namin.
Nagsimulang magbunot ng index card si Ms. Reyes. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Nang matawag si Andrea ay nilingon ko siya.
Todo dasal ang g*ga! natatawang saad ko sa isip.
"Andrea, your partner will be Enrique." ani Ms. Reyes.
Kitang kita namin kung paanong impit na tumili si Andeng. Kilig na kilig na naman ito sigurado. Dahil magkakaroon siya ng chance mapalapit kay Enrique. Tapos nang natawag sila Elle at Patis. At nang mabunot ako ay mabilis na napatingin ako kay Ms. Reyes.
"Relax." ani Dave sa tabi ko. "Sobrang ayaw mo ba ko makapartner kaya ganiyan ka."
"Hindi ko lang sure kung makakagawa tayo ng project dahil baka asarin mo lang ako the whole duration." nakairap na sagot ko.
"Let see." nakangiting saad niya. "Pray harder, baby."
Inismiran ko siya at sinimangutan ng malala.
"Louise, your partner will be Dave." ani Ms. Reyes.
Biglang bumagsak ang balikat ko. At parang awtomatikong napatingin ako sa katabi ko. Natatawang nakatingin din sa akin ang loko.
"I'm sorry, baby. Mas mabisa iyong prayer ko." naiiling na wika pa ni Dave.
Inirapan ko siya. "I'm not your baby."
"You'll be." aniya. Kinuha nito ang cellphone nito sa bulsa ng pants nito at inabot sa akin.
"Gagawin ko diyan?" nakairap na tanong ko.
"Number mo." aniya.
"At bakit ko naman ibibigay number ko sa iyo?"
"Huwag assuming. May gagawin tayong project. Dapat alam ko number mo dahil remember hindi tayo pareho ng course. Paano kita kokontakin? Hm?" tanong niya na may nakakalokong tingin sa mga labi.
Inirapan ko siya at inabot ang cellphone niya. Binuksan ko iyon at nagulat ako dahil wala iyong password. "Wala kang password? Seryoso?"
"Ang dami sinasabi. Lagay mo na lang number mo." anito.
Sinave ko ang number ko. At nang ilalagay ko na ang name ko ay naisip kong ibahin ang pangalan. Nakangising binalik ko iyon sa kaniya. Tiningnan niya iyon. At laking gulat ko na imbes mainis ay napangiti pa ito.
"Wife? Sounds great." naiiling na saad niya. Pagkatapos ay tinago na ang cellphone sa bulsa ng pants niya. "Akin na phone mo. Isisave ko number ko."
"Hindi mo babaguhin iyong name ko?" nagtatakang tanong ko. "Mamaya magalit girlfriend mo o sidechicks mo diyan."
"Phone mo?" utos niya.
Padabog na kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Iniabot ko sa kaniya ang cellphone ko pagkatapos ko maiunlock iyon.
Nakita ko siyang titig na titig sa wallpaper ko habang nakangiti. Iyong picture sa wallpaper ko ay picture namin ni Chocnut, may baby chow chow. Nakahiga ako sa damuhan habang dinidilaan niya ang pisngi ko.
"Tagal." kunyaring naiinip na turan ko. Nagulat ito kaya muntik ng mabitawan ang phone ko. Buti na lang mabilis ang reflexes niya kaya nasalo niya ulit. Nilagay niya ang number niya at inabot sa akin agad ang cellphone ko pagkatapos.
Nang tingnan ko ang phone ko ay nagulat ako sa nilagay niya.
Husband? Seriously?
"Huwag mong buburahin. Hinayaan kita sa trip mo. Kaya hayaan mo ko sa trip ko." ani Dave.
"Whatever." nakairap na saad ko sa kaniya. At mabilis na ibinulsa ko ang cellphone ko.
Nag umpisang mag distribute ng folder si Ms. Reyes kung saan andoon ang mga nakaassign na couple sa amin. Sa akin inabot ni Ms. Reyes ang folder nang couple na dapat namin interviewhin ni Dave. Agad ko namang binuksan iyon.
Mr. Vince Montecillo and Mrs. Katniss Louise Mariano-Montecillo.. Sounds familiar.
"I think na feature sila sa isang magazine." ani Dave.
"Kaya pala pamilyar sila sa akin." saad ko na napapaisip pa rin. "No wait. I know her, siya iyong CEO nong skincare na favorite ko." kinikilig na wika ko. "Grabe! Inspire na inspire ako sa lovestory nila."
Nahuli kong nakatitig si Dave sa akin. "Bakit?" tanong ko.
"Wala. Your just prettier than I thought." nakangiting saad niya.
"Basketball player ka nga." saad ko na ikinatawa naman niya.
Nyeta! Bakit ang gwapo? Tsk. Tsk.